SPCY-Sulivan

SPCY-Sulivan Lingkod ni Fatima. Sub-Parish Commission on Youth – Sulivan | Our Lady of Fatima Chapel

Kabataang naglilingkod, nagkakaisa, at lumalago sa pananampalataya.

12/06/2026

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, ating ginugunita ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos na ipinamalas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ang Puso ni Hesus ay bukal ng awa, habag, kapatawaran, at pagmamahal na hindi nagmamaliw.

Nawa’y ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso ang maging inspirasyon natin upang magmahal nang tapat, magpatawad nang bukal sa loob, at maglingkod nang may kababaang-loob sa ating kapwa.

“Halina at magtiwala sa Puso ni Hesus na laging bukas para sa lahat.”

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, kaawaan Mo kami!

FLORES DE MARIA 2026 SAGALAHANIsang makahulugan at mapitagang pagdiriwang ang aming inialay sa Bisita ng Mahal na Birhen...
30/05/2026

FLORES DE MARIA 2026
SAGALAHAN

Isang makahulugan at mapitagang pagdiriwang ang aming inialay sa Bisita ng Mahal na Birhen ng Fatima, tampok ang mga kadalagahang kumatawan sa iba’t ibang titulo ng Mahal na Birheng Maria mula sa Litanya ng Banal na Rosaryo.

Taos-pusong pasasalamat sa mga kadalagahan, kanilang mga pamilya, kaibigan, at sa lahat ng sumuporta upang maging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.

Pagbati rin sa bawat mananampalataya ng Sulivan, kaisa ang Sangguniang Pastoral at Pambisitang Komisyon ng Kabataan, sa matagumpay na pagpaparangal sa Mahal na Birhen Maria—ang Reyna ng mga Bulaklak.

VIVA LA VIRGEN!



𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 🌸Muli nating pag-alabin ang diwa ng pananampalataya, pagmamahal, at debosyon sa Mahal na Birheng Ma...
23/05/2026

𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 🌸

Muli nating pag-alabin ang diwa ng pananampalataya, pagmamahal, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Makiisa ngayong araw, ika-𝟮𝟯 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼, sa 𝗕𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻 𝗻𝗴 𝗙𝗮𝘁𝗶𝗺𝗮, 𝗦𝘂𝗹𝗶𝘃𝗮𝗻, 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗴, 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗰𝗮𝗻 para sa pagdiriwang ng Flores de Maria 2026.

Magsisimula ang Banal na Misa sa ganap na ika-𝟱:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 na susundan ng prusisyon ng mga sagala bilang pag-aalay at pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria.

Ruta: Our Lady of Fatima Chapel - Centro - Rose - Sampaguita ext. - Dulong Bayan 2nd - Centro - Our Lady of Fatima Chapel.

Sa bawat bulaklak na iniaalay at bawat hakbang ng prusisyon, ipinapakita natin ang taos-pusong debosyon at pananampalataya sa Mahal na Ina.

𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝘽𝙞𝙧𝙝𝙚𝙣 𝙣𝙜 𝙁𝙖𝙩𝙞𝙢𝙖, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪…



SCFR2026 1/n𝐒𝐔𝐋𝐈𝐕𝐀𝐍 𝐂𝐎𝐋𝐎𝐑 𝐅𝐔𝐍 𝐑𝐔𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 🌈𝘚𝘢 𝘉𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘏𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨, 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘪 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢Mayo 01, 2026 | Our Lady of Fatima Chapel Groun...
13/05/2026

SCFR2026 1/n

𝐒𝐔𝐋𝐈𝐕𝐀𝐍 𝐂𝐎𝐋𝐎𝐑 𝐅𝐔𝐍 𝐑𝐔𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 🌈
𝘚𝘢 𝘉𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘏𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨, 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘪 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢
Mayo 01, 2026 | Our Lady of Fatima Chapel Grounds, Sulivan, Baliwag City, Bulacan

Better late than never! ✨

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa gawaing ito ng Kabataan ni Fatima.

Nais din po naming pasalamatan ang lahat ng naging katuwang namin upang matagumpay na maisakatuparan ang event na ito. Una po sa aming SPPC President na si Tita Alou, sa Sub-Parish Pastoral Council – Sulivan (SPPC) Officers and Members, Bureau of Fire Protection (BFP), Baliwag Water District (BWD), sa mga volunteers, sa Sub-Parish Commission on Youth – Sulivan (SPCY), at sa lahat ng nakiisa at nakitakbo kasama namin noong araw na iyon — maraming salamat po.

Higit sa lahat, nagpapasalamat po kami sa aming mahal na Birheng Fatima na hindi kami iniwan sa buong paghahanda para sa gawaing ito. 🤍💙

Viva la Virgen!






Photo credits | Adriel Jared

Halina’t makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan at Ika-109 na Anibersaryo ng Unang Pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Fatim...
08/05/2026

Halina’t makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan at Ika-109 na Anibersaryo ng Unang Pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Sa piling ni Maria, sama-sama tayong manalangin, magpasalamat, at magdiwang.

Tara na, Kabataan ni Maria!
Viva la Virgen de Fatima!



Bayang Sumisinta kay Maria, narito po ang mga gawain para sa pagdiriwang ng Kapistahan at Ika-109 na Anibersaryo ng Unang Pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Magsisimula ang mga pagdarasal ng Rosaryo at Nobena kasama ang mga mag-aaral ng Simba-Aralan sa ika-04 hanggang ika-12 ng Mayo, 2026 sa ganap na ika-4:30 ng Hapon at susundan ng pag-aalay ng mga bulaklak.

Para naman sa Triduong Misa at Paghahanda para sa kapistahan, narito ang talatakdaan ng mga Misa.

Mayo 10, 2026
4:00 PM - Pagdarasal ng Rosaryo at Nobena
5:00 PM - Banal na Misa - Reb. P. Howard John Tarrayo
Pahalik sa Relikiya ni San Maximilian Kolbe

Mayo 11, 2026
5:00 PM - Pagdarasal ng Rosaryo at Nobena
6:00 PM - Banal na Misa - Reb. P. Francis Protacio Cortez, III, OSA
Pahalik sa Relikiya ni San Juan Pablo II

Mayo 12, 2026
10:00 AM - MISA CONCELEBRACION
- Lub. Kgg. DENNIS C. VILLAROJO, D.D.
Obispo ng Malolos
Pahalik sa Relikiya ni Santo Padre Pio

Mayo 13, 2026
6:00 AM - Regina Coeli
7:00 AM - Pagdarasal ng Rosaryo Kantada
- Pag-aalay ng mga Bulaklak
- Pag-aalay ng Korona sa Patrona
8:00 AM - MISA MAYORES - Reb. P. Lazaro M. Benedictos
Pagkakataon ng Banal na Relikiya ni San Juan Pablo II

6:00 PM - Maringal na Prusisyon

Halina't makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mabunying Reyna't Ina, ang Birhen ng Fatima!

Nakagayak ka na ba? tara na at tumakbo! 🏃‍♀️✨See you on the starting line! 🏁
30/04/2026

Nakagayak ka na ba? tara na at tumakbo! 🏃‍♀️✨

See you on the starting line! 🏁




1 DAY TO GO! 🙌Hindi na pwedeng “next time” — bukas na ‘to!Ready ka na ba magpakulay, mapagod, at magsaya? Ano? Tara! 🏃‍♂...
30/04/2026

1 DAY TO GO! 🙌

Hindi na pwedeng “next time” — bukas na ‘to!

Ready ka na ba magpakulay, mapagod, at magsaya? Ano? Tara! 🏃‍♂️🏃‍♀️

UPDATE: We will continue the claiming of tickets and bibs at 4:00 PM.ANNOUNCEMENT: Due to the sudden rain, postponed mun...
29/04/2026

UPDATE: We will continue the claiming of tickets and bibs at 4:00 PM.

ANNOUNCEMENT: Due to the sudden rain, postponed muna ang ticket selling scheduled at 3:00 PM
Magre-resume po tayo once tumigil ang ulan.

Mag-aannounce po kami once tuloy na ulit ang operations.
For now, pwede muna kayo mag-register through our page.

Thank you for your patience and understanding po. Please stay safe and dry 💙




2 days to go! Handa ka na bang tumakbo, makulayan, at magsaya?Kita-kits sa May 1! 🏃‍♀️🌈
29/04/2026

2 days to go! Handa ka na bang tumakbo, makulayan, at magsaya?

Kita-kits sa May 1! 🏃‍♀️🌈




𝟑 𝐝𝐚𝐲𝐬 𝐭𝐨 𝐠𝐨… 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐨 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲 𝐤𝐚 𝐧𝐚?Attendance check muna tayo! React your mood today 👇🏻Kita-kits sa May 1, every...
27/04/2026

𝟑 𝐝𝐚𝐲𝐬 𝐭𝐨 𝐠𝐨… 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐨 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲 𝐤𝐚 𝐧𝐚?

Attendance check muna tayo!
React your mood today 👇🏻

Kita-kits sa May 1, everyone! 🌈




Address

Sulivan
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPCY-Sulivan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share