06/03/2026
Maligayang Buwan ng Kababaihan!
Nakikiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Calantipay sa paggunita ng International Women’s Month bilang pagpupugay sa lakas, tapang, at walang sawang pagmamahal ng bawat kababaihan sa ating komunidad.
Sa pangunguna ng inyong lingkod kabataan, SK Chairman KANG KANG RAMOS kasama ang buong bumubuo ng Sangguniang Kabataan,aming kinikilala at pinahahalagahan ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa paghubog ng mas maunlad, makatarungan, at mas mapagkalingang lipunan.
Ang inyong sipag, dedikasyon, at inspirasyon ang nagsisilbing ilaw na gumagabay sa susunod na henerasyon. Patuloy kayong magsilbing lakas at inspirasyon hindi lamang sa inyong pamilya kundi sa buong barangay.
Mabuhay ang bawat ina, kapatid, anak, at lahat ng kababaihan ng Barangay Calantipay!
Saludo kami sa inyong kakayahan, tapang, at malasakit!