26/03/2026
Ang mga opisyal ng Balindong NHS- YES-O, sa tulong ng SSLG at BKD officers, ay nagsagawa ng isang makabuluhang hakbang para sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng GENERAL CLEANING sa gusali ng BNHS-Senior High noong Marso 25, 2026.
Sa kabila ng mainit na panahon, patuloy na nagtrabaho ang mga opisyal upang matiyak ang kalikasan at kaayusan ng paaralan bago matapos ang taong panuruan.
Kabilang sa mga gawain ang tamang paghihiwalay at pagsusunog ng mga basura, pagputol ng mga matataas na damo at dahon, at paglilinis sa iba't ibang bahagi ng paaralan, na naglalayong panatilihin ang isang malinig at berdeng paaralan para sa lahat.
-o