20/04/2026
𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗘𝗦
Sa inisyatiba ng 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗘𝗔 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 at sa suporta ng ating Punong Bayan 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗵𝗲𝘁𝘁 𝗔𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng 𝘁𝗶𝗴-𝟱 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴𝗮𝘀 para sa ating mga Job Order personnel sa munisipyo.
Ang simpleng tulong na ito ay inihandog bilang dagdag-suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na ngayong panahon ng krisis. Ipinapakita nito ang patuloy na malasakit at pagkalinga sa kapakanan ng bawat lingkod-bayan.