23/08/2026
๐ฑ ๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ
Muling nakasama ng Sรญkat-Aurora ang Aurora National Science High School para sa kanilang taunang IGNITE, sa ilalim ng programang โHiraya: Ang Paglinang sa Kasanayan ng Makabagong Bayani ng Aurora National Science High School.โ
Sa ikalawang pagkakataon, nagsilbing facilitators ang Sรญkat-Aurora para sa Team Building Activity, kasama ang 85 Junior at Senior High School student leaders mula sa ibaโt ibang school-based organizations. Dalawampung facilitators mula sa Sรญkat-Aurora ang nakiisa upang gabayan ang mga gawaing nakatuon sa pagtutulungan, komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng bawat isa sa loob ng isang grupo.
Bahagi rin ng programa si RJ Belen, tagapagtatag ng Sรญkat-Aurora, bilang isa sa mga tagapagsalita sa morning session, kung saan nakapagbahagi siya ng mga pananaw at karanasan sa pamumuno at paglilingkod.
Higit sa mga aktibidad at hamon, ang ganitong mga pagkakataon ay paalala na ang pagiging lider ay patuloy na hinuhubogโsa pakikinig, sa pakikipagtulungan, at sa pagpiling kumilos kasama ang iba.
Maraming salamat, Aurora National Science High School, sa muling pagbubukas ng espasyo para sa Sรญkat-Aurora at sa patuloy na pagtitiwala.
Sa bawat HIRAYA, may kabataang unti-unting nagiging handang mangarap, manguna, at maglingkod. ๐ฑ๐