Organización De Estudios Sociales - ASCOT

Organización De Estudios Sociales - ASCOT ASCOT's School of Education's BSEd Social Studies Major's official page

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐈𝐄𝐒? | 𝐎𝐍𝐃𝐄 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍? 🕵️‍♀️✨“𝙄 𝙙𝙞𝙙𝙣’𝙩 𝙘𝙝𝙤𝙤𝙨𝙚 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨; 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨 𝙘𝙝𝙤𝙨𝙚 𝙢𝙚”Hind...
14/07/2026

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐈𝐄𝐒? | 𝐎𝐍𝐃𝐄 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍? 🕵️‍♀️✨

“𝙄 𝙙𝙞𝙙𝙣’𝙩 𝙘𝙝𝙤𝙤𝙨𝙚 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨; 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨 𝙘𝙝𝙤𝙨𝙚 𝙢𝙚”

Hindi lahat ng kuwento ay nagsisimula sa isang pangarap. Minsan, nagsisimula ito sa pag-aalinlangan sa mga desisyon na hindi ka naman sigurado at hindi mo pinili. Ngunit, may mga pag kakataong ang mga landas na hindi natin pinili ay sya pala ang huhubog sa ating pagkatao. Isang paglalakbay na nagsimula sa pag-aalinlangan ngunit nagtapos sa pagmamahal.

Si 𝗟𝗼𝘃𝗲 𝗝𝗼𝘆 𝗚. 𝗢𝗻𝗱𝗲 ay isa sa mga unang nagtapos sa programang Bachelor of Secondary Education, major in Social Studies, at nagtapos na may karangalang Magna Cum Laude. Isa sa mga estudyanteng sumubok at natutong tingnan ang kursong ito sa ibang lente. Hindi bilang koleksiyon ng mga petsa at pangalan, kundi bilang disiplinang nagtuturo kung paano unawain ang tao, ang lipunan, at ang sariling papel sa paghubog nito.

Ang pinakamalaking kalaban ng Social Studies ay hindi ang hirap ng kurso. Kundi ang maling pagkakakilala rito. Sa panahong maraming estudyante ang hindi pinipili ang Social Studies dahil sa paniniwalang ito ay puro kasaysayan, walang katapusang memorisasyon, mahahabang babasahin, at nakikita nilang isang ‘boring’ na asignatura sa paaralan.

"𝘏𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯."

"𝘗𝘶𝘳𝘰 𝘥𝘢𝘵𝘦𝘴."

“𝘗𝘶𝘳𝘰 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘪𝘻𝘦”

Eto nga lang ba ang papel ng kursong ito?

"𝙆𝙖𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙗𝙟𝙚𝙘𝙩, 𝙡𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙖 𝙖𝙗𝙤𝙪𝙩 𝙙𝙖𝙩𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙙𝙖𝙬 𝙞𝙮𝙤𝙣, 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙞𝙨 100% 𝙬𝙧𝙤𝙣𝙜. 𝙈𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙟𝙤𝙧 𝙣𝙖 𝙞𝙩𝙤, 𝙖𝙣𝙙 𝙞𝙩 𝙞𝙨 𝙖𝙡𝙨𝙤 𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙤 𝙨𝙩𝙪𝙙𝙮 𝙝𝙞𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮.”

“𝙈𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙨𝙖𝙝𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙣𝙙𝙤 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙞𝙩 𝙜𝙤𝙚𝙨 𝙗𝙚𝙮𝙤𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙤𝙨𝙚 𝙙𝙖𝙩𝙚𝙨, 𝙥𝙡𝙖𝙘𝙚𝙨, 𝙖𝙣𝙙 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚. 𝙈𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙖-𝙖𝙥𝙥𝙧𝙚𝙘𝙞𝙖𝙩𝙚 𝙢𝙤 𝙞𝙮𝙤𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙞𝙨 𝙣𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙗𝙞𝙝𝙞𝙣 𝙨𝙖'𝙮𝙤 𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙢𝙗𝙖𝙗𝙖𝙨𝙖.”

Burahin natin sa ating isipan na ang kursong ito ay nagtatapos lamang bilang pag alaala sa ating nakaraan. Sa halip, binubuksan nito ang mas malawak na pag-unawa sa lipunan sa pamamagitan ng iba't ibang larangan tulad ng politika, mga batas, ekonomiks, heograpiya, at kultura. Mga disiplinang nagbibigay-linaw sa mga isyung kinahaharap ng tao sa kasalukuyan.

“𝙄𝙣 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨, 𝙬𝙚 𝙝𝙖𝙫𝙚 𝙬𝙝𝙖𝙩 𝙬𝙚 𝙘𝙖𝙡𝙡 𝙢𝙪𝙡𝙩𝙞𝙥𝙚𝙧𝙨𝙥𝙚𝙘𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙮, 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙞𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙩𝙞𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙤 𝙞𝙨𝙮𝙪 𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖'𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖'𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙤 𝙜𝙧𝙪𝙥𝙤. 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤 𝙤 𝙤𝙥𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣, 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙞𝙣𝙪𝙨𝙪𝙗𝙪𝙠𝙖𝙣 𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖𝙬𝙖𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙞𝙜 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖, 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙝𝙚𝙡𝙥𝙨 𝙢𝙚 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙢𝙤𝙧𝙚 𝙝𝙤𝙡𝙞𝙨𝙩𝙞𝙘 𝙞𝙣 𝙫𝙞𝙚𝙬𝙞𝙣𝙜 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙞𝙩𝙪𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙞𝙣 𝙤𝙪𝙧 𝙨𝙤𝙘𝙞𝙚𝙩𝙮.”

Higit pa sa pagpapalawak ng kaalaman, may mas iniwan sakanya ang kursong ito. Ito ang matutong makinig bago humusga. Dito din niya na natutunan na hindi ibig sabihin lahat ng pananaw ay tama, pero mahalagang marinig at masuri mo muna ang bawat isa bago ka gumawa ng konklusyon.

Kung ang ibang programa ay nakatuon sa paghubog ng kasanayan, ang Social Studies ay nagsisimula sa mas mahalagang tanong. Ito ay paano mo uunawain ang lipunang iyong paglilingkuran? Sapagkat bago ka maging isang mahusay na g**o, kailangan mo munang matutong unawain ang mga taong tuturuan mo at ang mundong kanilang ginagalawan. Ito ang paniniwalang unti-unting natuklasan ni Onde habang mas nakikilala niya ang kursong minsang hindi niya pinili.

"𝙊𝙪𝙧 𝙢𝙖𝙟𝙤𝙧 𝙛𝙤𝙘𝙪𝙨𝙚𝙨 𝙤𝙣 𝙤𝙪𝙧 𝙨𝙤𝙘𝙞𝙚𝙩𝙮 𝙖𝙣𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙣 𝙞𝙩, 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨 𝙡𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙠 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙙𝙚𝙧𝙨𝙩𝙖𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙙 𝙥𝙚𝙧𝙨𝙥𝙚𝙘𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙢𝙤, 𝙖𝙣𝙙 𝙮𝙤𝙪 𝙖𝙧𝙚 𝙖𝙗𝙡𝙚 𝙩𝙤 𝙖𝙥𝙥𝙡𝙮 𝙬𝙝𝙖𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙝𝙖𝙫𝙚 𝙡𝙚𝙖𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙧𝙚𝙖𝙡-𝙡𝙞𝙛𝙚 𝙨𝙞𝙩𝙪𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨. 𝘼𝙣𝙜 𝘼𝙧𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙡𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙪𝙩𝙪𝙧𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙩𝙖 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙞𝙣 𝙖𝙩 𝙞𝙥𝙖𝙜𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖. 𝙏𝙞𝙣𝙪𝙩𝙪𝙧𝙪𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙩𝙖 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙪𝙣𝙖𝙬𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙢𝙖𝙞𝙣𝙩𝙞𝙣𝙙𝙞𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙨𝙩𝙚𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣, 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙝𝙪𝙗𝙤𝙜 𝙨𝙞𝙡𝙖 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣, 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙖 𝙘𝙞𝙫𝙞𝙘𝙖𝙡𝙡𝙮 𝙘𝙤𝙢𝙥𝙚𝙩𝙚𝙣𝙩 𝙞𝙣𝙙𝙞𝙫𝙞𝙙𝙪𝙖𝙡 𝙬𝙝𝙤 𝙬𝙤𝙪𝙡𝙙 𝙝𝙚𝙡𝙥 𝙞𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣-𝙗𝙪𝙞𝙡𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙛𝙪𝙩𝙪𝙧𝙚. 𝙄𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨."

Ngunit ang halaga ng isang programa ay hindi lamang nasusukat sa mga aral na naibibigay nito. Nasusukat din ito sa mga taong unang naniwala sa layunin nito at piniling maging bahagi ng kasaysayan nito.

"𝙒𝙚 𝙖𝙡𝙬𝙖𝙮𝙨 𝙨𝙖𝙮 𝙣𝙖 '𝙚𝙭𝙥𝙚𝙧𝙞𝙢𝙚𝙣𝙩' 𝙠𝙖𝙢𝙞 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙣𝙜𝙖 𝙪𝙣𝙖, 𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙚𝙥𝙖𝙧𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩."

Nagsimula sila bilang mahigit tatlumpung estudyante sa isang programang wala pang kasiguruhan. Madalas pa nga nilang biro sa isa't isa na sila ang "experiment" ng departamento bilang kauna-unahang batch ng Social Studies. Sa paglipas ng apat na taon, marami ang lumihis ng landas, ngunit dalawampu't dalawang estudyante ang nanatiling matatag at nagtapos na may iisang layunin at pinatunayan ang halaga ng programang minsang kinuwestiyon ng marami. Sila ang nagbigay ng pangalan, pagkakakilanlan, at kasaysayan sa kursong ito sa ASCOT.

Kaya, ikaw? Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon na pilliin ang kursong ito?

"𝙂𝙞𝙫𝙚 𝙞𝙩 𝙖 𝙨𝙚𝙘𝙤𝙣𝙙 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙘𝙚. 𝙈𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣. 𝙄 𝙩𝙝𝙞𝙣𝙠 𝙮𝙤𝙪 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙡𝙤𝙫𝙚 𝙞𝙩 𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖𝙨 𝙢𝙪𝙘𝙝 𝙖𝙨 𝙄 𝙙𝙤."

Dalawampu't dalawang mag-aaral na ang nagpatunay na ang Social Studies sa ASCOT ay higit pa sa kursong madalas ikahon sa kasaysayan, isa itong programang karapat-dapat bigyan ng pagkakataon.

Hindi lahat ay pipili ng Social Studies. Ngunit kung darating ang araw na piliin ka nito, huwag kang matakot. Bigyan mo ng pagkakataon na pilliin ang kursong ito sapagkat higit pa sa kasaysayan, higit pa sa politika at batas ang itinuturo nito. Ito ay isang aral na hindi kailanman naluluma—na ang pag-unawa sa lipunan ay nagsisimula sa pag-unawa sa tao at dito mo lamang sa kursong ito matatagpuan.

✒: Nalissa Bustillos
🎨: Jhenniefer Lumasac

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐈𝐄𝐒? | 𝐓𝐑𝐈𝐒𝐇𝐀 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍? 🕵️‍♀️✨"𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗽𝗲𝗻𝗲𝗱 𝗺𝘆 𝗲𝘆𝗲𝘀 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗶𝘀𝘀𝘂𝗲𝘀 𝗯𝗲𝗳𝗼𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 ...
14/07/2026

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐈𝐄𝐒? | 𝐓𝐑𝐈𝐒𝐇𝐀 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍? 🕵️‍♀️✨

"𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗽𝗲𝗻𝗲𝗱 𝗺𝘆 𝗲𝘆𝗲𝘀 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗶𝘀𝘀𝘂𝗲𝘀 𝗯𝗲𝗳𝗼𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗵𝗼𝘄 𝗶𝘁 𝗮𝗹𝘀𝗼 𝗶𝗻𝗳𝗹𝘂𝗲𝗻𝗰𝗲𝘀 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗲 𝗳𝗮𝗰𝗲 𝘁𝗼𝗱𝗮𝘆."

Madalas, unang pumapasok sa isipan ng marami tuwing naririnig ang salitang Social Studies o Araling Panlipunan ay umiikot lamang sa mga lugar at mga pangyayaring naganap noon. Dahil dito, inaakala nilang wala na itong saysay sa kasalukuyan, at wala na ring halaga sa kanilang mga buhay.

​Ngunit para sa isang ODESseyian, ang mga pahayag na iyon ay malayo sa totoong diwa ng Social Studies.

Siya si 𝙈𝙨. 𝙏𝙧𝙞𝙨𝙝𝙖 𝙍𝙖𝙞𝙯𝙚𝙡 𝘽. 𝙁𝙚𝙧𝙣𝙖𝙣𝙙𝙚𝙯—Class Valedictorian ng Batch 2026, Magna Cum Laude, at isa sa mga pioneer ng Bachelor of Secondary Education major in Social Studies sa Aurora State College of Technology.

Ayon sa kaniya, ang pag-aaral sa nakaraan ang mismong nagsisilbing gabay sa pag-unawa ng mga suliraning kinakaharap ng lipunanan sa kasalukuyan.

‘‘𝗜𝘁 𝗼𝗽𝗲𝗻𝗲𝗱 𝗺𝘆 𝗲𝘆𝗲𝘀 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗶𝘀𝘀𝘂𝗲𝘀 𝗯𝗲𝗳𝗼𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗵𝗼𝘄 𝗶𝘁 𝗮𝗹𝘀𝗼 𝗶𝗻𝗳𝗹𝘂𝗲𝗻𝗰𝗲𝘀 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗲 𝗳𝗮𝗰𝗲 𝘁𝗼𝗱𝗮𝘆. 𝗠𝗮𝗴𝘂𝗹𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗶𝘀𝘁𝗲𝗺𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻, 𝗯𝗼𝘁𝗵 𝗲𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗴𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗮𝗻𝗱 𝗜 𝘄𝗮𝗻𝘁 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗽𝗮𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗶𝘁. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗱𝗶𝗻, 𝗯𝘂𝘁 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗼𝗻𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗼𝘀𝗲 𝘄𝗵𝗼 𝘁𝗵𝗿𝗶𝘃𝗲 𝘁𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗲 𝗮 𝗰𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁𝗿𝘆.’’

Sa tulong ng disiplinang ito, mas naging mulat siya sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Napagtanto rin niya na limitado pa ang kaniyang nalalaman at marami pa siyang kailangang matutuhan.

‘‘𝗜 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝗹𝗶𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗜 𝘄𝗶𝘀𝗵 𝗜’𝘃𝗲 𝗯𝗲𝗲𝗻 𝗺𝗼𝗿𝗲 𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗼𝗿 𝗽𝗼𝗹𝗶𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗶𝗻𝗰𝗹𝗶𝗻𝗲𝗱 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗺𝘆 𝘀𝘂𝗿𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴𝘀 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗮𝗴𝗮. 𝗙𝗲𝗲𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗴𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗲𝘀𝘁𝗲𝗱 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘆𝗮𝘆𝗮𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶𝗿𝗮𝗻.’’

Sa pag-aaral ng Social Studies, unti-unting mas naging mulat ang kaniyang kamalayan. Batid niyang magulo ang sistemang nagpapatakbo sa ating bansa. Sa halip na matinag at mawalan ng gana, ito ang nagsilbing inspirasyon niya upang maging parte ng pagbabago.

‘‘𝗜 𝗱𝗼𝗻’𝘁 𝘄𝗮𝗻𝘁 𝘁𝗼 𝗯𝗲𝗰𝗼𝗺𝗲 𝘀𝗼𝗺𝗲𝗼𝗻𝗲 𝗜 𝗵𝗮𝘁𝗲. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗺𝗮𝘀 𝗮𝘆𝗼𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗸𝗼, 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗜 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝘄𝗮𝗻𝘁𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.’’

‘‘𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶𝘀 𝘀𝗮 𝗴𝗮𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗮𝘆𝗮𝘄 𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗹𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻.’’

Napatunayan ni Trisha na ang Social Studies ay higit pa sa lugar, petsa, at mga kaganapang naganap noon. Isa itong disiplinang humuhubog sa bawat isa upang maging isang indibidwal na may ambag, may paninindigan, at paki-alam sa mundong kaniyang ginagalawan.

Tulad niya, huwag matakot imulat ang iyong mga mata sa tunay na kalagayan ng ating sistema. Gaya ng kaniyang sinambit, ang ating mga panulat ay marami pang tinta—tintang hindi para masayang, kundi para magamit nang may kabuluhan. Nasa ating mga kamay ang kakayahang isulat ang isang magandang bukas para sa ating bansa kung tayo ay magiging gising sa katotohanan at magkakaroon ng pakialam.

✒️: Maryel Montibano
🎨: Jhenniefer Lumasac

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐈𝐄𝐒? | 𝐉𝐔𝐃𝐘 𝐀𝐍𝐍 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 🕵️‍♀️✨“𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨? 𝙋𝙪𝙧𝙤 𝙝𝙞𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙡𝙖𝙣𝙜 ‘𝙮𝙖𝙣.”Ilang beses na ba...
14/07/2026

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐁𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐈𝐄𝐒? | 𝐉𝐔𝐃𝐘 𝐀𝐍𝐍 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 🕵️‍♀️✨

“𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨? 𝙋𝙪𝙧𝙤 𝙝𝙞𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙡𝙖𝙣𝙜 ‘𝙮𝙖𝙣.”

Ilang beses na bang narinig ng mga Social Studies majors ang linyang ito? Sa unang tingin, tila isa lamang itong asignaturang umiikot sa mga petsa, digmaan, at mga pangyayaring matagal nang lumipas.

Ito rin ang isa sa mga unang naging impresyon ni Judy Ann Almeniana na kalaunan ay nagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies bilang Magna Cum Laude. Hindi niya kailanman inakala na ang kursong minsang tila ordinaryo lamang sa kaniyang paningin ay magiging dahilan upang matagpuan niya ang kaniyang layunin, passion, at sariling pagkatao. At ngayon, ito ang kursong unti-unting nagbukas ng kanyang mga mata sa mas malalim na pag-unawa tungkol sa ibat ibang bagay, tao, lipunan, at mundo.

Nagsimula ang lahat sa simpleng kagustuhang matuto. Dumating sa punto na ayaw na niyang makaligtaan ang kahit isang discussion sa kanilang major subjects. Hindi siya kuntento na umuwi nang walang bagong kaalaman. Kahit isang mahalagang aral lamang mula sa klase, sapat na iyon upang maramdaman niyang siya ay may natutunan. Bagama’t nagkaroon siya ng pagkakataong lumipat, pinili pa rin niyang manatili.

“𝘿𝙖𝙮 𝙗𝙮 𝙙𝙖𝙮, 𝙄 𝙛𝙤𝙪𝙣𝙙 𝙢𝙮𝙨𝙚𝙡𝙛 𝙚𝙣𝙟𝙤𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙡𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙞𝙨 𝙥𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢.”

Kung may bagay na tunay na espesyal sa Social Studies para kay Almeniana, ito ay ang kakayahang nating “𝙢𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙘𝙤𝙣𝙣𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙩𝙤𝙩𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮.” Hindi lamang pinag-aaralan ang nakaraan, inuunawa rin kung paano nito hinuhubog ang kasalukuyan at kung paano ba ito makakaapekto sa mga susunod pang henerasyon. Natutunan din niyang pahalagahan ang magkakaibang pananaw, bumuo ng pasyang nakabatay sa ebidensya, at ang bawat tao ay may kuwento na nararapat pakinggan at unawain.

Marami pa ring naniniwala na ang Araling Panlipunan ay puro pagkakabisa lamang. Maraming nagsasabing boring at walang buhay ang asignaturang ito.

“𝙄 𝙪𝙨𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙞𝙣𝙠 𝙩𝙝𝙚 𝙨𝙖𝙢𝙚 𝙬𝙖𝙮.”

Aminado siyang dati rin niyang inisip na rote learning ang Araling Panlipunan. Ngunit nagbago ang kanyang pananaw.

”𝙊𝙣𝙘𝙚 𝙮𝙤𝙪 𝙙𝙞𝙜 𝙙𝙚𝙚𝙥𝙚𝙧 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙞𝙨 𝙢𝙖𝙟𝙤𝙧, 𝙮𝙤𝙪’𝙡𝙡 𝙧𝙚𝙖𝙡𝙞𝙯𝙚 𝙩𝙝𝙖𝙩’𝙨 𝙛𝙖𝙧 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙩𝙝𝙚 𝙩𝙧𝙪𝙩𝙝”

Habang tumatagal, natutunan din niyang mahalin ang kaniyang nasimulan.

“𝙎𝙖 𝙢𝙖𝙟𝙤𝙧 𝙣𝙖 𝙞𝙩𝙤, 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙝𝙖𝙨𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙘𝙧𝙞𝙩𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙖𝙣𝙙 𝙖𝙣𝙖𝙡𝙮𝙩𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙩𝙝𝙞𝙣𝙠𝙞𝙣𝙜, 𝙖𝙣𝙙 𝙞𝙩 𝙝𝙚𝙡𝙥 𝙨𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨 𝙩𝙤 𝙗𝙚𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙘𝙞𝙫𝙞𝙘-𝙢𝙞𝙣𝙙𝙚𝙙 𝙘𝙞𝙩𝙞𝙯𝙚𝙣𝙨.”

Kaya isa sa mga payo niya, simple ngunit makahulugan: “𝙇𝙤𝙫𝙚 𝙬𝙝𝙖𝙩 𝙮𝙤𝙪 𝙙𝙤.”

Sapagkat kapag mahal mo ang iyong ginagawa, makakahanap ka ng dahilan upang magpatuloy kahit gaano kahirap ang daan. Sabi niya, hindi lang pang “no choice” ang majorship na ito. Dahil “𝙄𝙩 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙥𝙪𝙨𝙝 𝙮𝙤𝙪 𝙗𝙚𝙮𝙤𝙣𝙙 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙘𝙤𝙢𝙛𝙤𝙧𝙩 𝙯𝙤𝙣𝙚, 𝙘𝙝𝙖𝙡𝙡𝙚𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙬𝙖𝙮 𝙮𝙤𝙪 𝙩𝙝𝙞𝙣𝙠, 𝙖𝙣𝙙 𝙤𝙥𝙚𝙣 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙚𝙮𝙚𝙨 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙧𝙚𝙖𝙡𝙞𝙩𝙞𝙚𝙨 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙬𝙤𝙧𝙡𝙙.”

Mas matututunan natin kung bakit ganito ang takbo ng ating lipunan, paano nagsimula ang iba’t ibang suliranin na nararanasan natin ngayon, at kung paano nakaaapekto ang mga pangyayari sa nakaraan sa kasalukuyan.

Dito rin mas naunawaan ni Judy Ann kung paano nahubog ng karanasan ang perspektibo ng ibat ibang tao. Maaaring hindi pa lubos nauunawaan ang tunay na kahalagahan nito.

“𝙎𝙤, 𝙗𝙚𝙛𝙤𝙧𝙚 𝙨𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙤𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙋 𝙣𝙖 𝙮𝙖𝙣, 𝙩𝙧𝙮 𝙩𝙤 𝙚𝙭𝙥𝙡𝙤𝙧𝙚 𝙞𝙩, 𝙖𝙣𝙙 𝙙𝙞𝙫𝙚 𝙙𝙚𝙚𝙥𝙚𝙧 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙬𝙤𝙧𝙡𝙙 𝙤𝙛 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙚𝙨. 𝘽𝙖𝙠𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙨𝙪𝙣𝙤𝙙 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙙𝙞𝙩𝙤—𝙠𝙖𝙩𝙪𝙡𝙖𝙙 𝙠𝙤.” Dagdag pa niya.

Isa ito sa pinakanatatanging bagay sa major na ito—sa simpleng pagnanais na magtanong at mag-explore, nabubuksan ang pinto sa mas malalim na pag-unawa.

“𝑺𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑺𝒕𝒖𝒅𝒊𝒆𝒔 𝒊𝒔 𝒎𝒐𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒏 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒉𝒊𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚. 𝑰𝒕 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒃𝒓𝒊𝒅𝒈𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒄𝒐𝒏𝒏𝒆𝒄𝒕𝒔 𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒂𝒔𝒕, 𝒆𝒙𝒑𝒍𝒂𝒊𝒏𝒔 𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕, 𝒂𝒏𝒅 𝒈𝒖𝒊𝒅𝒆𝒔 𝒖𝒔 𝒕𝒐𝒘𝒂𝒓𝒅 𝒂 𝒃𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆."

At marahil, iyan ang pinakamahalagang aral na itinuro sa kaniya ng pagiging Social Studies major.

✒️: Reymarie Querijero
🎨: Jhenniefer Lumasac

𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗟𝗨𝗟𝗨𝗣𝗜𝗚, '𝗗𝗜 𝗞𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗦𝗜𝗜𝗟!Isang dekada na ang lumipas mula nang pagtibayin ng 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗿𝗯𝗶𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ang ma...
12/07/2026

𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗟𝗨𝗟𝗨𝗣𝗜𝗚, '𝗗𝗜 𝗞𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗦𝗜𝗜𝗟!

Isang dekada na ang lumipas mula nang pagtibayin ng 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗿𝗯𝗶𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ang makasaysayang 𝗔𝗿𝗯𝗶𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 noong Hulyo 12, 2016—isang tagumpay na kumilala sa 𝘀𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗶𝗴𝗻 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 ng Pilipinas sa loob ng 𝟮𝟬𝟬-𝗻𝗮𝘂𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹-𝗺𝗶𝗹𝗲 𝗘𝘅𝗰𝗹𝘂𝘀𝗶𝘃𝗲 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗭𝗼𝗻𝗲 (𝗘𝗘𝗭) nito, alinsunod sa 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗮𝘄 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝗲𝗮 (𝗨𝗡𝗖𝗟𝗢𝗦).

Pinagtibay rin ng desisyon na 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 ang "𝗻𝗶𝗻𝗲-𝗱𝗮𝘀𝗵 𝗹𝗶𝗻𝗲" ng China sa ilalim ng pandaigdigang batas. Ang desisyong ito ay isinulong ng Pilipinas matapos ang 2012 Scarborough Shoal standoff, kung saan nananatili sa kontrol ng China ang lugar sa kabila ng pagiging saklaw nito ng EEZ ng Pilipinas.

Bagama't tumanggi ang China na lumahok sa arbitral proceedings at hindi pa rin kinikilala ang desisyon hanggang ngayon, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗜𝗦𝗔 ang Arbitral Award sa ilalim ng internasyonal na batas.

Sampung taon na ang lumipas, nananatiling paalala ang Arbitral Award na ang ating mga karapatan ay nakabatay sa 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦; 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗢𝗧. Hindi lamang ito usapin ng teritoryo—ito ay usapin ng soberanya, kabuhayan ng ating mga mangingisda, pangangalaga sa ating yamang-dagat, at paggalang sa pandaigdigang batas.

Sa gitna ng patuloy na "𝗴𝗿𝗮𝘆-𝘇𝗼𝗻𝗲 𝘁𝗮𝗰𝘁𝗶𝗰𝘀" at iba pang agresibong aktibidad sa 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗮, nananatiling mahalaga ang pagkakaisa at kamalayan ng bawat Pilipino sa pagtatanggol sa ating mga karapatan. Kaya 𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗘𝗔!🇵🇭

𝑻𝒉𝒆𝒚 𝒄𝒂𝒎𝒆 𝒂𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕, 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒍𝒆𝒂𝒗𝒆 𝒂𝒔 𝒂 𝒍𝒆𝒈𝒂𝒄𝒚.We proudly honor the 𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲-𝐭𝐰𝐨 (𝟐𝟐) 𝐒𝐎𝐂𝐒𝐓𝐔𝐃 𝐏𝐈𝐎𝐍𝐄𝐄𝐑𝐒—the first ever grad...
08/07/2026

𝑻𝒉𝒆𝒚 𝒄𝒂𝒎𝒆 𝒂𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕, 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒍𝒆𝒂𝒗𝒆 𝒂𝒔 𝒂 𝒍𝒆𝒈𝒂𝒄𝒚.

We proudly honor the 𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲-𝐭𝐰𝐨 (𝟐𝟐) 𝐒𝐎𝐂𝐒𝐓𝐔𝐃 𝐏𝐈𝐎𝐍𝐄𝐄𝐑𝐒—the first ever graduates of the 𝐁𝐚𝐜𝐡𝐞𝐥𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝𝐚𝐫𝐲 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐦𝐚𝐣𝐨𝐫 𝐢𝐧 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐢𝐞𝐬 under the 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐨𝐟 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 of 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲.

As the first batch, you embraced the challenge of blazing a trail and transformed it into a legacy. Through your perseverance, resilience, and unwavering commitment, you have built a strong foundation for the generations of future Social Studies educators who will follow.

As you begin a new chapter, may you all become educators who will inspire learners to understand the past, engage with the present, and shape a better future.

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐨𝐮𝐫 𝐚𝐭𝐞’𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐤𝐮𝐲𝐚’𝐬! You did more than earn a degree—you made a history. As the pioneers, you have paved the way and built a legacy that everyone will proudly carry forward.





✒: Bea Venice Natvidad
🎨:Lester Jan Porte

History is not only studied—it is made."The future depends on what you do today." — Mahatma GandhiBehind every late nigh...
07/07/2026

History is not only studied—it is made.

"The future depends on what you do today." — Mahatma Gandhi

Behind every late night, every challenge, and every sacrifice is a story of determination waiting to be told.

The time has come to celebrate an achievement that reflects unwavering dedication, perseverance, and academic excellence.

Can you guess who among our SOCSTUD PIONEERS earned the prestigious title of Magna Cum Laude?

Stay tuned as we honor the graduate/s whose passion for learning and commitment to excellence have left a lasting mark on the legacy of BSED Social Studies.

Coming Soon!

✒- Bea Venice Natividad
🎨- Jhenniefer Lumasac

A Warm Welcome to Our Newly Elected ODES Officers for Academic Year 2026–2027 We are thrilled to introduce the new set o...
06/07/2026

A Warm Welcome to Our Newly Elected ODES Officers for Academic Year 2026–2027

We are thrilled to introduce the new set of officers for the Organizacion De Estudios Sociales (ODES)—a group ready to embrace challenges, strive for progress, and lead with purpose.

With equal enthusiasm, we are proud to welcome our two guiding pillars: our trusted advisers, Sir Charles R. Velasco, Sir Jefferson T. Bautista, Ma'am Beatriz L. Ulep, Sir Noriel T. Barangan, and Sir Rowel G. Olila. Their combined experience, wisdom, and insight will serve as a guiding force, empowering us to reach new heights as an organization.

Together, let’s turn theory into action, debates into solutions, and camaraderie into lasting impact.

Welcome aboard, leaders! We, the Odysseyians, are excited to witness the energy, creativity, and vision you’ll bring to the table. Here’s to a year of growth, collaboration, and meaningful change!

🖼️ : Jamaica Bihasa
🖊️ : Maryel Montibano

𝗜𝗻𝗸 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗲𝘀, 𝗠𝗶𝗻𝗱𝘀 𝗼𝗳 𝗖𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲: 𝗥𝗼𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗮𝘀𝘁, 𝗥𝗲𝗰𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁, 𝗥𝗲𝗳𝗼𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗙𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲The Organización de Estudios ...
03/07/2026

𝗜𝗻𝗸 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗲𝘀, 𝗠𝗶𝗻𝗱𝘀 𝗼𝗳 𝗖𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲: 𝗥𝗼𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗮𝘀𝘁, 𝗥𝗲𝗰𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁, 𝗥𝗲𝗳𝗼𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗙𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲

The Organización de Estudios Sociales (ODES) of the ASCOT School of Education successfully held its Orientation, Turnover, and Oath-Taking Ceremony for Academic Year 2026–2027 at the ASCOT Hostel on July 3, 2026.

With the theme, "Ink of Ages, Minds of Change: Rooting the Past, Recording the Present, Reforming the Future," BSED Social Studies students, together with the esteemed Social Studies instructors, gathered to foster a stronger foundation of camaraderie and unity. The event formally commenced with a prayer led by Ms. Vanna Mae G. Lacno, the ODES 4th-year Representative, followed by the singing of the Philippine National Anthem and the ASCOT Hymn.

Following the opening ceremony, the outgoing president, Ms. Maryel L. Montibano, delivered the welcome remarks. This was followed by the introduction of the esteemed Social Studies instructors, an inspirational message from Ms. Beatriz L. Ulep, and a fun-filled BINGO icebreaker that encouraged interaction and camaraderie among the first-year students.

The program then transitioned to the turnover ceremony, where the previous administration presented its accomplishments, formally handed over the organization's financial records and official documents, recognized the invaluable contributions of the outgoing officers, and concluded with the outgoing president's heartfelt valedictory address.

As one chapter closed, another began. The newly elected officers were formally introduced, took their oath of office, delivered their inaugural message, and presented their plans and vision for the organization—signifying their commitment to lead ODES with integrity, service, and excellence.

Padayon, ODESseyians!🫶
Padayon, Future Educators!

𝐃𝐢́𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐚 𝐀𝐦𝐢𝐬𝐭𝐚𝐝 𝐇𝐢𝐬𝐩𝐚𝐧𝐨-𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚🇪🇦 🇵🇭𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝟐𝟒𝐭𝐡 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞-𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐃𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝟏𝟐𝟕𝐭𝐡 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐇𝐢𝐬𝐭𝐨𝐫...
29/06/2026

𝐃𝐢́𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐚 𝐀𝐦𝐢𝐬𝐭𝐚𝐝 𝐇𝐢𝐬𝐩𝐚𝐧𝐨-𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚🇪🇦 🇵🇭

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝟐𝟒𝐭𝐡 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞-𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐃𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝟏𝟐𝟕𝐭𝐡 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐇𝐢𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐜 𝐒𝐢𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐁𝐚𝐥𝐞𝐫!

Every June 30, the Philippines celebrates Philippine-Spanish Friendship Day through
𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨. 𝟗𝟏𝟖𝟕, 𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐨𝐫𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐨𝐮𝐫 𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐠𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐉. 𝐀𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚.

This celebration commemorates the historic event when General Emilio Aguinaldo, president of the First Philippine Republic, ordered that the last Spanish soldiers who peacefully surrendered after nearly a year of siege inside the historic Baler Church be treated not as enemies or prisoners of war, but as friends. His decree reflected the Filipino people's commitment to peace and reconciliation even after years of conflict.

More than a century later, the Philippines and Spain continue to strengthen their ties through culture, education, language and frienship. This event reminds us that reconciliation and cooperation can grow even after periods of conflict.

As we honor this special day, may we continue to value our shared heritage, learn from history, and work together toward a future built on peace, respect, and lasting friendship.

𝐀𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐃 𝐃𝐔𝐑𝐀𝐃𝐄𝐑𝐀!🤝





✒️ Bea Venice Natividad
🎨: Lester Jan Porte

Address

Sitio Dicaloyungan, Brgy. Zabali
Baler

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639266771917

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Organización De Estudios Sociales - ASCOT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Organización De Estudios Sociales - ASCOT:

Shortcuts

Share