LGBTQ Balayan Batangas Chapter

LGBTQ Balayan Batangas Chapter This page informs and educates us about the Rights of the LGBTQ Community.

"Sobrang proud kami sayo"
14/08/2026

"Sobrang proud kami sayo"

Good luck and congrats in advance to your journey in Ms. Q&A at It's Showtime! LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN is so proud of y...
13/08/2026

Good luck and congrats in advance to your journey in Ms. Q&A at It's Showtime!
LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN is so proud of you! Dalhin mo ang bandera ng Balayan!

🌈 LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN Quarter Meeting - June 20, 2026 @ Balayan Government Center ✨
20/07/2026

🌈 LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN Quarter Meeting - June 20, 2026 @ Balayan Government Center ✨

HAPPY FATHER’S DAY mula sa LGBTQIA+ BALASIK Balayan! Sa lahat ng tatay, ama, daddy, papa, at father figures — salamat sa...
21/06/2026

HAPPY FATHER’S DAY mula sa LGBTQIA+ BALASIK Balayan!

Sa lahat ng tatay, ama, daddy, papa, at father figures — salamat sa pagmamahal na walang kondisyon, sa gabay, at sa pagiging haligi ng pamilya.

🌈 MAKULAY, MASAYA, AT MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG PRIDE SA BATANGAS! 🌈Matagumpay at puno ng sigla na naisagawa ang 11th ...
17/06/2026

🌈 MAKULAY, MASAYA, AT MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG PRIDE SA BATANGAS! 🌈

Matagumpay at puno ng sigla na naisagawa ang 11th Batangan Pride March Celebration ngayong Hunyo 16, 2026, sa Provincial Dream Zone, Capitol Site, Batangas City. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community, partner agencies, at iba’t ibang sektor mula sa buong lalawigan.

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Batangan Pride March Celebration, naitala ang higit-kumulang 1,000 participants ngayong taon, isang patunay ng lumalawak at lumalakas na suporta para sa komunidad.

Naging tampok sa programa ang isang forum na may temang "Success Without Limits: Empowering LGBTQIA+ Individuals to Achieve Their Goals" sa pangunguna ng inimbitahang resource speaker na si Sir Ronnie Endozo—isang dedikadong g**o at vlogger na kilala sa pagbabahagi ng inspirasyon at malaking tulong sa kaniyang mga empleyado. Bukod dito, nagningning din ang okasyon sa iba’t ibang patimpalak na nagbigay-daan upang maipakita ang natatanging talento, pagkamalikhain, at solidong pagkakaisa ng komunidad.

Ang tagumpay ng pagdiriwang na ito ay naisakatuparan sa ilalim ng direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamumuno ng ating Gov. Vilma Santos-Recto, at sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Ms. Ethel D. Luistro, katuwang ang samahang PARINE.

Ipinapaabot din ang pasasalamat sa mahalagang kolaborasyon at suporta ng Provincial Health Office (PHO) at Batangas Provincial Information Office (BPIO) na naging kabahagi sa tagumpay ng gawaing ito, tungo sa patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, inklusyon, at paggalang sa bawat Batangueño.

🏳️‍🌈✨

🇵🇭 Maligayang Araw ng Kalayaan! 🏳️‍🌈Sa pagdiriwang natin ng kalayaan ng ating bansa, nawa’y patuloy nating isulong ang i...
12/06/2026

🇵🇭 Maligayang Araw ng Kalayaan! 🏳️‍🌈

Sa pagdiriwang natin ng kalayaan ng ating bansa, nawa’y patuloy nating isulong ang isang lipunang may pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagkilala sa dignidad ng bawat isa.

Bilang miyembro ng LGBT community, ipinagdiriwang ko hindi lamang ang kalayaan ng ating bayan kundi pati na rin ang karapatan ng bawat Pilipino na maging malaya sa diskriminasyon, takot, at panghuhusga.

Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nakikita sa kasaysayan ng ating bansa, kundi sa araw-araw na pagkilos tungo sa isang lipunang bukas, makatarungan, at mapagmahal para sa lahat.

“Sa isang bansang tunay na malaya, walang maiiwan at walang maitataboy dahil lamang sa kanilang pagkatao.”

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang pagkakaiba-iba!
Mabuhay ang Kalayaan! 🇵🇭🏳️‍🌈

— Pagbati mula kay
PRESIDENT NADHIEL ALARAS
LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN

Laban Balayan! Pride + Galing 💜👑 GOOD LUCK BALAYAN! 🏳️‍🌈👑✨Buong suporta ang BALASIK BALAYAN sa ating mga kinatawan para ...
11/06/2026

Laban Balayan! Pride + Galing 💜👑

GOOD LUCK BALAYAN! 🏳️‍🌈👑✨

Buong suporta ang BALASIK BALAYAN sa ating mga kinatawan para sa Pride Month Festival Queen at Festival King ngayong June 16 sa Batangas City!

Festival Queen: Ms. Gay Balayan 2025 - Edjay Panganiban
Festival King: Dalaga na ulit si Totoy 2024 - Dang Lauderez

Hangad namin ang inyong tagumpay! Ipagmalaki niyo ang Balayan. Dalhin niyo ang bandera ng LGBTQIA+ Balasik Balayan.

Maraming salamat din kay Mayor Liza Ermita Abad sa financial support para sa ating mga panlaban. Mabuhay po kayo!

Good luck at manalo kayo para sa Balayan! 💜

LIBRENG GUPIT PROGRAM - DAY 2  Brgy. Dilao | Brgy. Dalig  Hatid ni: KONSEHAL BOBBY LAINEZ  Katuwang: LGBTQIA+ BALISIK BA...
06/06/2026

LIBRENG GUPIT PROGRAM - DAY 2
Brgy. Dilao | Brgy. Dalig

Hatid ni: KONSEHAL BOBBY LAINEZ
Katuwang: LGBTQIA+ BALISIK BALAYAN

Gupit na may malasakit. Serbisyo para sa lahat.

Matagumpay naisagawa ang unang araw ng Libreng Gupit Program ni Konsehal Bobby Lainez  sa Brgy.Lucban at Brgy.Calan sa p...
05/06/2026

Matagumpay naisagawa ang unang araw ng Libreng Gupit Program ni Konsehal Bobby Lainez sa Brgy.Lucban at Brgy.Calan sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN.

Maraming salamat Konsehal Bobby sa pagmamahal at serbisyo para sa komunidad!

LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN  Quarter Meeting June 4, 2026 AVP Conference Room, Balayan Government Center  .Kasama ang ating...
04/06/2026

LGBTQIA+ BALASIK BALAYAN
Quarter Meeting
June 4, 2026
AVP Conference Room, Balayan Government Center .
Kasama ang ating
Mayor Liza Ermita Abad | Admin Ana Delos Reyes | Konsehal Bobby Lainez

Address

Balayan
Balayan
4213

Telephone

+639499612138

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGBTQ Balayan Batangas Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGBTQ Balayan Batangas Chapter:

Shortcuts

Share