13/05/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗡 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦
Ipinababatid po sa lahat ng mamamayan ng Balayan na nalalapit na ang pagtatapos ng panahon ng voter registration. Dahil dito, hinihikayat po ang bawat kwalipikadong indibidwal na hindi pa rehistradong botante na magtungo sa tanggapan ng Commission on Elections upang makapagparehistro sa itinakdang mga araw.
Narito po ang mga natitirang petsa ng pagpaparehistro:
•Mayo 12, 2026 – Martes
•Mayo 13, 2026 – Miyerkules
•Mayo 14, 2026 – Huwebes
•Mayo 15, 2026 – Biyernes
•Mayo 16, 2026 – Sabado
•Mayo 18, 2026 – Lunes (Huling Araw ng Pagpaparehistro)
Inaabisuhan din po ang lahat na iwasan ang paghihintay sa huling araw ng registration upang makaiwas sa mahabang pila at anumang abalang maaaring maranasan.
Ang pagpaparehistro bilang botante ay mahalagang hakbang upang maipahayag ang tinig ng bawat mamamayan at makilahok sa pagpili ng mga pinunong magsisilbi sa bayan.
Makilahok. Magparehistro. Gamitin ang karapatang bumoto para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan at bansa.
#𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚𝗕𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 ♥️🫰💙
📈