Sangguniang Barangay ng Tuyo

Call Directions

Sangguniang Barangay ng Tuyo Kaagapay sa Pagsulong at Pagkakaisa, Kayo ang BOSS ng aming Adbokasiya

πŸ§‘πŸ€ ππ”ππ”πˆπ ππ€π“πˆπ 𝐍𝐆 πŠπ€π‡π„π‹ 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐏𝐂! πŸ€πŸ§‘Ito na ang pinakahihintay nating laban.After two intense games, tabla na ang serye s...
11/07/2026

πŸ§‘πŸ€ ππ”ππ”πˆπ ππ€π“πˆπ 𝐍𝐆 πŠπ€π‡π„π‹ 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐏𝐂! πŸ€πŸ§‘

Ito na ang pinakahihintay nating laban.

After two intense games, tabla na ang serye sa 1-1.

At ngayon, isang laro na lang ang magdedesisyon kung sino ang mag-uuwi ng kampeonato.

No more next game.
No more second chances.

Winner takes all.

πŸ† TAAS NOO SA KAMPEONATO: Dugong BalangueΓ±o Basketball League 2K26 Championship Games
βš”οΈ Barangay Tuyo vs Barangay Cataning
πŸ“… July 6, 2026
πŸ•– 7:00 PM
πŸ“ Bataan People's Center

Sa lahat ng Kabarangay, ito na ang pagkakataon para ipakita kung gaano kalakas ang suporta ng Tuyo!

Suotin ang inyong orange.
Dalhin ang inyong pamilya, kaibigan, at mga kapwa tagasuporta.
Isigaw ang bawat depensa, bawat rebound, at bawat basket.

🧑 Gawin nating dagat ng kahel ang Bataan People's Center! 🧑

Iparamdam natin sa ating mga manlalaro na hindi lang sila lima sa loob ng courtβ€”buong Barangay Tuyo ang kasama nilang lumalaban.

Dahil sa July 6, hindi lang ito Game 3.

Ito ang laban para sa karangalan.
Ito ang laban para sa kasaysayan.
Ito ang laban para sa kampeonato.

At kapag tumunog na ang huling buzzer, isang koponan lang ang matitirang nakatayo.

πŸ”₯ LET'S GO TUYO, LET'S GO! πŸ”₯






Photo Courtesy to Oculus Multimedia

15/05/2024

Mahalagang Anunsyo!

Sa darating na May 17 hanggang 18, 2024, magkakaroon tayo ng COMELEC voter’s registration. Paalala sa mga hindi pa rehistrado, maaari na kayong magparehistro sa Upper Tuyo Covered Court sa May 17 hanggang 18. Maraming salamat po!

05/05/2024

Simula bukas, ang pagpaparehistro para sa National ID ay magbubukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Narito ang mga lugar at petsa kung saan magaganap ang registration:

Lunes at Martes: Lower Tuyo Covered Court
Miyerkules at Huwebes: Upper Tuyo Covered Court

Maaari nang magparehistro ang mga may edad na 1 taon pataas. Subalit para sa mga kabataang 18 pababa, kinakailangan ang kasama o guardian. Lahat ng nais magparehistro ay kailangang magdala ng PSA.

Mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, maaring makapagparehistro ang 40 katao lamang bawat araw. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa.

26/04/2024

Sa mga kasama nating nagtapos ng kursong welding at baking and pastry sa TESDA, mayroon kaming mahalagang anunsyo para sa inyo.

Mayroong binubuong livelihood program na inilaan para sa inyo. Ang layunin ng programang ito ay magbigay ng mga oportunidad at suporta sa inyong propesyonal na pag-unlad.

Kung nais ninyong makilahok at makiisa sa nasabing programa, maaari kayong makipag-ugnayan kay Kosehal Philip Ramos. Maaring kontakin siya sa kanyang Facebook account na Philip Ramos o sa kanyang cellphone number: 09165771963.

Bukod dito, maaari rin kayong makipag-ugnayan sa ating Barangay upang malaman ang karagdagang impormasyon at suporta.

Lubos kaming umaasa na ang programang ito ay magdudulot ng mga magandang oportunidad at tagumpay para sa inyong lahat. Maraming salamat po.

24/04/2024

Mga Kabarangay! Ating suportahan ang ating pambato para sa Binibining Balanga 2024 nasi Frances Lorraine Panganiban bukas ng 6:00PM sa Plaza Mayor! Kitakits mga Kabarangay!

12/04/2024

Nais po naming ipaalam sa lahat ng mga bagong kasal sa ating kasalang barangay, maaari na po ninyong kunin ang inyong mga marriage certificate sa city hall kasama din po ang inyong libreng picture. Salamat po!

28/03/2024

Nais po naming ipaabot sa lahat na kung sakali man po na mayroon kayong mga hindi inaasahang pangyayari o mga katanungan na kailangang linawin sa ating Barangay, kami po ay handang tumulong at makinig sa inyo. Mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero:
Chief Tanod Vizcayno - 0961-588-5166
Brgy. Secretary - 0981-6764-405

Hindi po hadlang ang pagkawala ng cellphone na gamit ng ating mga Tanod sa Lower Tuyo upang hindi po tayo magpatuloy ng ating misyon at serbisyo publiko sa Pipol of Brgy. Tuyo, nakakalungkot man po na ipaalam ang pagkawala ng gamit na cellphone ng Lower Tuyo Tanod kagabi na mabilis na pagpapabatid para sa mga mahahalagang impormasyon, katanungan at reklamo, patuloy pa rin po ang ating paglilingkod para sa lahat. β™₯️

Address

Upper Tuyo
Balanga
2100

Telephone

+639927706776

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Tuyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share