27/07/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐? ๐ณ๏ธโ๐๐ณ๏ธโโง๏ธ
Sa pagtatapos ng kasalukuyang ๐๐ต๐ข๐ต๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ฅ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด (๐๐๐๐) ni ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐ ๐๐ฟ., muling nasaksihan ng sambayanan ang paglalatag ng mga plano at tagumpay umano ng pamahalaan. Subalit sa gitna ng mahabang talumpati, nananatili ang isang malaking katanungan: Saan nga ba nakapwesto ang hanay ng ๐๐๐๐ง๐ค๐๐+ sa mga prayoridad ng administrasyong ito?
Hindi sapat ang simpleng pagbanggit sa inklusibong pag-unlad kung ang mga pangunahing karapatan at proteksyon ng ating sektor ay patuloy na naiiwan sa dilim. Hanggang ngayon:
- Nananatiling nakabinbin ang ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ช๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ na magbibigay sana ng legal na proteksyon laban sa diskriminasyon sa paaralan, trabaho, at serbisyong pangkalusugan.
- Patuloy ang karahasan, pang-aapi, at kultura ng kawalan ng hustisya na nararanasan ng marami nating kasama sa komunidad.
- Ang mga batas para sa tamang pangangalaga sa kalusugan at pagkilala sa kasarian ay nananatiling pangarap imbes na maging realidad.
Ang tunay na pagsulong ng bansa ay hindi nasusukat sa matayog na pangako o makintab na estatistika, kundi sa kung paano pinoprotektahan ang pinakamahihina at pinakanaiisantabing sektor ng lipunan.
Araw-araw ang pakikibaka ng LGBTQIA+ Filipinoโmula sa pamasahe, trabaho, hanggang sa simpleng karapatang mabuhay nang may dangal at walang takot. Hindi kami palamuti lamang sa lipunan; kami ay mamamayang nagbabayad ng buwis at nag-aambag sa bansa.
Hindi sapat ang pananahimik. Hindi sapat ang paimbabaw na suporta. Oras na para sa totoong aksyon!