03/11/2023
Ika-apat na araw matapos ang eleksiyon.
Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng taong nakasama namin sa labang ito lalong lalo na sa Poong Maykapal na siyang may akda ng lahat.
Kami at sampu ng aking pamilya ay nagagalak sa suportang ibinigay niyo simula ng unang nabuo ang grupo hanggang sa araw ng halalan. Sa mga taong tumulong, nagpakahirap, at nagmalasakit, sa mga taong hindi kami iniwan hanggang sa huli. Hindi po namin kayo malilimutan kailanman. Habang panahon kayong nakatatak sa aking puso at isipan. Mahal ko kayo.
Bagamat nakakalungkot na hindi ako pinalad maging ama ng Pulong Gubat, asahan po ninyo na ako ay tutupad sa sinumpaang tungkulin na maglingkod sa abot ng makakaya, nasa pusisyon man o wala.
Sa aking mga kasamang kagawad/sk na pinalad, pagbati sa inyo at sana ay ipagpatuloy niyo ang aking mithiin sa barangay na maayos na pagbabago. Ano pa man, proud pa rin ako sa inyo.
Sa aking mga kasamang hindi pinalad, huwag tayo mawalan ng pag-asa dahil ang paglilingkod sa kapwa ay hindi nasusukat sa anumang pwesto o estado. Gayunpaman, nakita ko ang ipinamalas niyong tunay na serbisyo sa kapwa natin Pulong Gubateño. Maraming salamat sa pagsasamahang aking aalalahanin kailaman.
Sana po ay suportahan natin ang mga bagong liderato tungo sa mapayapa at maunlad na barangay. Asahan ninyo ang aking pakikiisa para sa ikabubuti ng mamamayan.
Muli, taos-pusong pasasalamat po sainyong lahat…Mahal kita, Pulong Gubat!
Ang inyong lingkod,
RGF👍💙