11/08/2026
BUDGET CUT SA UP, TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHINTULUTAN! PONDO SA EDUKASYON, HINDI SA KORAPSYON!
Ngayong araw, isinumite sa Kongreso ang 2027 National Expenditure Program (NEP) ng administrasyong Marcos Jr., na nagkakahalaga ng โฑ7.2 trilyon. Malinaw na tumaas ito ng 6% kumpara sa โฑ6.793 trilyong pambansang badyet ngayong taon.
Ngunit sa kabila ng pagtaas ng kabuuang pambansang badyet, isang malaking kabalintunaan ang kakaharapin na namang budget cuts ng sektor ng edukasyon.
Sa kabila ng mga pangangailangan para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon, layunin ng administrasyong Marcos Jr. na bawasan ang panukalang pondo ng UP mula sa โฑ29.5 bilyon ngayong 2026, sa โฑ26.5 bilyon lamang ang inilaan sa UP sa panukalang badyet para sa 2027. Kasabay nito, โฑ805 milyon din ang ibinabawas sa pondo ng Philippine General Hospital (PGH), sa panahong patuloy na kinakapos ang mga pampublikong institusyon sa pasilidad, kagamitan, tauhan, at iba pang batayang serbisyo.
Mariin kinokondena ng ACS UPB ang โฑ2.95 bilyon budget cuts sa pondo ng UP System na hindi malayong tumagos din sa pondo ng pampublikong edukasyon. Higit kailanman, hindi katanggap-tanggap na laging sektor ng edukasyon ang pangunahing pumapasan ng kakulangan sa pondong makakatulong sana sa pagkakaroon ng mas mataas na kalidad, mas aksesible, at mas makatarungang estado ng edukasyon.
Kaya naman, higit na hinihikayat ng ACS UPB na sa gitna rin ng nagpapatuloy na impeachment trial ni Sara Duterte, mahalagang busisiin natin ang paglalaan ng pondo ng pamahalaan at tutulan ang anumang pork barrel at paggamit ng Unprogrammed Appropriations (UA) na maaaring magsilbing daan sa korapsyon at maling paggamit ng pampublikong pondo.