09/10/2026
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ซ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa gitna ng pakikipagtulungan ng World Bank at Department of Transportation, ang komunidad ng UP Baguio, sa pangunguna ng Agham Youth UPB, ay naninindigan para sa mga tsuper, operator, at komyuter.
Bilang mga estudyante, parte na ng ating buhay ang jeepney. At dito sa Baguio, maraming tao ang umaasa sa mga jeepney upang makapasok sa campus o makauwi sa kanilang mga tahanan. Ang pag-scrap sa mga jeepney na sumisimbolo sa ating kultura at araw-araw na pagkilos ay makaaapekto hindi lamang sa mga tsuper kundi sa lahat ng mamamayan ng Baguio City.
Kaakibat din ng paglaban para sa kabuhayan ng mga tsuper ang panawagan para sa pagsuporta para sa lokal na industriya ng jeepney manufacturers at hindi para sa malalaking korporasyon. Dahil hindi tunay ang pag-unlad ng lokal na transportasyon kung ang estado ay iniiwan ang mga tsuper, lokal na manggagawa, at mamamayan sa kamay ng World Bank at corporate takeover sa ating pampublikong transportasyon.
Hindi kailanman kailangang isakripisyo ang kabuhayan ng mga tsuper para sa modernisasyong hindi maka-masa. Bilang mga siyentista at iskolar ng bayan, hindi tayo mananahimik dahil nakataya ang kabuhayan ng mga tsuper. Tayo ay nakikiisa sa kanilang pakikibaka!
Para sa pampulikong transportasyon na para sa tsuper at masa, ating ipanawagan:
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ซ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!