21/09/2026
๐ฑ๐ฐ ๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ฌ ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฆ, ๐ฆ๐๐ก๐ฆ๐๐ ๐ก๐๐ก ๐๐ฌ๐ ๐ฆ๐ข ๐ง๐๐ฃ๐๐ง: ๐๐ก๐ง๐ข๐ก ๐๐ช๐๐ฅ๐๐ก ๐ฆ๐ข ๐๐๐๐จ๐๐จ๐ฌ๐๐ก ๐ง๐๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐๐ก?
Limampuโt apat na taon na ang lumipas mula nang ipataw ni Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar sa Pilipinas. Ngunit ang panahon ay hindi awtomatikong naglilinis ng kasaysayan, ni binubura ang mga bakas ng kapangyarihan, karahasan, at paglaban. Marahil, lalo pa itong nagiging mapanganib kapag sinisikap itong limutin at palabnawin sa kasalukuyan. Dahil dito, ang paggunita sa Batas Militar bilang isang lipunan ay hindi lamang sinusukat sa kung ano ang naaalala rito, kundi maging kung ano ang pinipili nitong kalimutan, patahimikin, o muling bigyan-kahulugan at paano nauunawaan ang katotohanan.
Kinikilala mismo ng Estado ang mga naganap. Kinikilala ng Republic Act No. 10368 o ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 ang mga paglabag sa karapatang pantao na isinagawa noong rehimen ni Marcos Sr., mula sa di-makatwirang pag-aresto at pagkulong, hanggang sa tortyur, pagpatay, sapilitang pagkawala, at iba pang anyo ng pang-aabuso. Kinikilala rin nito ang pananagutan na ibalik ang dangal ng mga biktima. Hindi kathang-isip ang mga alaalang ito. Bahagi sila ng dokumentadong kasaysayan ng ating bansa.
Ngunit hindi maaaring magtapos ang paggunita sa paglingon lamang sa nakaraan. Sa halip, nananatili hanggang ngayon ang mga istrukturang nagbigay-daan sa konsentrasyon ng kapangyarihan at pagkamkam sa yaman ng bayan.
๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป: isang malinaw na halimbawa ang bilyun-bilyong pondong inilaan para sa imprastraktura habang patuloy na naghuhugas-kamay sa isyu ng katiwalian at mga flood-control projects na palpak. Sa Pangasinan, ang matinding pagbaha at pag-ulan na nagtulak sa buong lalawigan sa State of Calamity nito lamang noong Agosto, lalo na sa mga lugar ng Dagupan, Calasiao, Lingayen, at Bugallon. Ito ay paalala na ang kabiguan sa pamamahala ay may kongkretong pinsala sa taumbayan. Ganito rin natin dapat tingnan ang Pax Silica: habang itinutulak ang Pilipinas bilang bahagi ng pandaigdigang supply chain para sa AI, semiconductors, at kritikal na mineral, lumilitaw ang mas malawak na tanong kung sino ang nakikinabang sa paggamit ng ating teritoryo at likas-yaman, at sino ang sumasalo sa bigat ng mga epekto nito. Sa ganitong paraan, ang paggunita sa Batas Militar ay hindi lamang pag-alala sa karahasang naganap noon, kundi pagkilala sa patuloy na tunggalian sa kapangyarihan, yaman, soberanya, at pananagutan sa kasalukuyan.
At kailangan nating itanong: ๐ธ๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ผ, ๐๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ผ, ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ผ?
Habang patuloy na tumataas ang pangangailangan para sa mahahalagang mineral at estratehikong yaman, hindi lamang ang mga boardroom o diplomatic meeting ang nakataya. Sa ibaโt ibang panig ng bansa, kabilang ang Pangasinan, patuloy ang pagkasira ng kapaligiran, pagkuha at pagsasamantala sa likas na yaman, tunggalian sa mga lupang ninuno, at sapilitang paglikas ng mga komunidad. Patuloy nitong ibinabangon ang tanong kung kaninong tinig ang pinakikinggan kapag pumapasok ang tinatawag na โkaunlaranโ sa kanilang mga lupain.
Ito ang dahilan kung bakit ang pag-alala sa Batas Militar ay hindi simpleng paglingon sa nakaraan.
๐๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป.
Sino ang may kapangyarihang baguhin ang nakaraan?
Sino ang may kapangyarihang magtakda kung para kanino ang kaunlaran?
Sino ang nakikinabang kapag ang yaman ng bayan ay isinasapribado o inaangkin ng iilan?
Sino ang sumasalo sa bigat kapag sapilitang inaalis ang mga komunidad sa kanilang lupain?
Sino ang magsasalita kapag ang pagtutol ay itinuturing na banta?
At ano ang mangyayari kapag patuloy nating hinihiwalay ang mga aral ng kasaysayan sa mga realidad na kinakaharap natin ngayon?
Ang ๐จ๐ฃ ๐ฆ๐๐ฏ๐ผ๐น ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐๐ ๐๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ผ ๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ay nakikilahok sa pag-alala sa mga buhay na kinitil, sa mga komunidad na pinatahimik, at sa mga salinlahing patuloy na nagdadala ng mga bakas at bunga ng diktadura kahit matagal nang pormal na nagwakas ang Batas Militar. Mariin nating tinitingnan ang kasalukuyan gamit ang parehong mapanuring mata.
๐๐ถ๐บ๐ฎ๐บ๐ฝ๐โ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐บ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐. ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด.
Magsilbi itong paalala na ang demokrasya ay patuloy na ipinaglalaban. Ito ay pagpapanatili ng kakayahang magtanong sa kapangyarihan, maningil ng pananagutan, ipagtanggol ang mga komunidad, pangalagaan ang kalikasan, at igiit na ang kaunlaran ay dapat maglingkod sa mamamayan, hindi ituring ang kanilang buhay at kinabukasan bilang kapalit nito.
๐ฆ๐๐๐ก ๐ง๐ข ๐ ๐๐ก๐๐ก. ๐๐ ๐ ๐ ๐ก๐๐๐๐ก๐๐ช๐๐ก๐๐ก.