23/12/2025
๐๐ข๐๐จ๐ | ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง, ๐๐ฅ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ก๐ข๐ซ๐๐ฉ๐๐ง
๐๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ผ ๐๐ฎ๐น๐๐๐ผ๐ป๐ด?
Sa bawat pag-ilaw ng parol at pag-awit ng mga awiting pamasko, muling umaasa ang bawat Pilipino. Ang Pasko ay hindi lamang petsa sa kalendaryo, kundi isang pangakong pinanghahawakan, na may liwanag sa dulo ng taon. Ito rin ay panahon ng pagninilay, para kanino ba talaga ang mga biyayang ipinapangako sa atin taon-taon?
Habang ang ilan ay nagbubukas ng mga regalo, ang mas nakararami ay patuloy na naghihintay ng isang mas makabuluhang handog, ang hustisya, pantay na pagkakataon, at pamahalaang tunay na naglilingkod. Sa gitna ng selebrasyon at mga ngiti, nananatiling bukas ang tanong, sa isang bansang paulit-ulit na hinahawakan ng iisang mga apelyido, kailan darating ang Paskong may kasamang tunay na pagbabago?
๐๐ฉ๐ฆ ๐ณ๐ช๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ฆ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ณ๐ช๐ค๐ฉ๐ฆ๐ณ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฑ๐ฐ๐ฐ๐ณ ๐ฃ๐ฆ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฆ ๐ฑ๐ฐ๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ณ.
Ito ang katotohanang hinaharap ng marami. Habang ang iilang pamilya ay patuloy na yumayaman at lumalawak ang impluwensiya, ang karaniwang mamamayan ay patuloy na nalulugmok sa kahirapan. Ang mga pangakong kaunlaran at pagbabago tuwing halalan ay nagiging panaginip lamang para sa masa, isang bagay na paulit-ulit na ipinangako ngunit bihirang matupad.
Sa isang demokrasya na ipinagmamalaki ang pamumuno ng bayan at para sa bayan, nananatiling isang hindi maikakailang katotohanan ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa kamay ng iilang pamilya. Lumilipas ang mga administrasyon, nagpapalit ang mga mukha, ngunit ang mga apelyido sa balota at sa mga posisyon ng kapangyarihan ay nananatiling pare-pareho. Ang serbisyong publiko, sa halip na magsilbing tungkulin, ay nagiging pamana.
Hindi ito nagkataon, ito ay isang sistemang matagal nang pinapayagan, kinukunsinti, at pinoprotektahan.
Mula sa antas ng barangay hanggang sa pinakamataas na tanggapan ng pamahalaan, malalim ang ugat ng political dynasty. Sa maraming lalawigan, ang halalan ay hindi na labanan ng plataporma at prinsipyo, kundi palitan lamang ng magkakamag-anak. Ang pamumuno ay nagiging mana, hindi bunga ng kakayahan at pananagutan.
Malinaw ang epekto nito sa buhay ng karaniwang mamamayan. Kapansin-pansin na ang mga lugar na pinaghaharian ng mga dinastiya ang siya ring nananatiling pinakamahihirap. Habang umuunlad ang pangalan ng iilan, nananatiling lugmok ang komunidad. Paulit-ulit ang pangako ng kaunlaran tuwing halalan, ngunit bihirang maramdaman ng mamamayan ang tunay na pagbabago.
๐๐ข๐ณ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฃ๐ข ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ, ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ?
Kaakibat ng dinastiyang politikal ang lumalalang korapsyon. Ang pondong laan sana para sa serbisyong panlipunan ay nauuwi sa bulsa ng iilan, habang ang pananagutan ay unti-unting nawawala. Ang dating tinatanggap bilang โnormalโ ay ngayon ay malinaw na anyo ng sistematikong pagkabigo ng pamahalaanโisang sistemang nagpapayaman sa iilan at nagpapahirap sa nakararami.
Gayunpaman, may unti-unting pagbabago na nagaganap. Sa pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga Pilipino, mas lumalakas ang loob na magtanong at magpuna. Hindi na sapat ang kilalang apelyido upang masabing karapat-dapat sa posisyon. Tinitingnan na ang nagawa, hinihingi ang pananagutan, at tinatanggihan ang paniniwalang ang kapangyarihan ay basta na lamang ibinibigay dahil sa pangalan o koneksyon. Ang paggising na ito ay hindi paghihimagsik, kundi simpleng pagtupad sa tungkulin, para sa bayan, sa kinabukasan, at sa katotohanan.
๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ฌ๐ต๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐ฅ๐บ๐ฏ๐ข๐ด๐ต๐บ, ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ถ๐จ๐ข๐ณ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ข๐ฏ?
Ang mga panukalang batas na naglalayong wakasan ang political dynasty ay mahalagang hakbang tungo sa reporma. Bagamaโt inaasahan ang pagtutol ng mga nakikinabang sa kasalukuyang sistema, ang pagkakaroon ng ganitong mga panukala ay patunay ng lumalakas na panawagan ng mamamayan para sa pagbabago. Hindi lamang ito usapin ng polisiya, ito ay usapin ng pag-asa.
Ang political dynasty ay hindi lamang usapin ng apelyido, kundi ng kinabukasan. Habang patuloy na umiikot ang kapangyarihan sa iilang pamilya, nananatiling nakapako ang buhay ng nakararami. Ang tanong ay hindi na kung biyaya o daluyong ito, kundi kung hanggang kailan hahayaang manaig ang isang sistemang patuloy na nagpapalalim ng agwat sa pagitan ng may kapangyarihan at ng mamamayan. Sa isang bansang may boses ang bawat isa, ang tunay na pagbabago ay nagsisimula kapag ang katahimikan ay napalitan ng paninindigan.
Kayaโt malinaw ang hamon, patuloy ba tayong magbibigay-diin sa apelyido at koneksyon, o panahon na upang ang kapangyarihan ay tunay na maglingkod sa sambayanang Pilipino?
Ang katahimikan ay matagal nang naging kanlungan ng mga dinastiya. Ang hinaharap ay nangangailangan ng tinig, matatag, malinaw, at hindi natitinag.
Sa rami ng taong nagdaan, narito nanaman tayo sa huling buwan ng kalendaryo. Sa paglipas ng panahon at sa pag-agos ng mga alon. Nananatili ang tanong,
๐๐ข๐บ๐ข ๐ฑ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฏ?
Marahil, ang pinakamahalagang tanong ngayong Pasko ay hindi kung gaano karami ang handa sa mesa, kundi kung gaano kalaya ang ating bayan mula sa sistemang matagal nang nakakulong sa kapangyarihan. Ang pagsasabatas ng anti-dynasty law ay maaaring maging higit pa sa isang panukala, maaari itong maging simbolikong regalo ng Pasko para sa sambayanang Pilipino, isang hakbang tungo sa patas na pamumuno at tunay na representasyon.
Sapagkat ang Pasko ay panahon ng pag-asa, at ang pag-asang ito ay nagiging makabuluhan lamang kapag isinasabuhay. Kung may handog mang nararapat hingin ng bayan ngayong kapaskuhan, iyon ay isang pamahalaang hindi pinagpapasa-pasahan, kundi magbubukas ng mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.
Kaya, bilang isang Pilipino, anong regalo ang nais mong ialay, at ipaglaban, para sa bayan?
_______________________
๐ฆ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ: Monalisa Panelo