07/08/2026
๐ด๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ญ๐๐๐๐ ๐ซ๐๐ ๐ญ๐๐๐๐! โ
๐๏ธAUG 10 | โ๏ธ12:30 PM | ๐SLU MAIN GATE
Sa gitna ng lumalalang krisis panlipunan at kaliwaโt kanang isyung kinakaharap ng sangkaestudyantehan sa pamantasan, lalong hayag ang danas at hinaing ng mga Luwisyano. Kaya naman, sa muli nating pagsalubong sa panibagong akademikong taon, nararapat lamang na harapin din natin ang panibagong yugto ng mga hamon sa loob at labas ng pamantasan.
Hindi na bago sa Unibersidad ng San Luis ang mga isyung patuloy na nagpapahirap sa mga estudyante. Mula sa paulit-ulit na problema sa enrollment, patuloy na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin, dagdag na gastusin sa mga bagong teknolohiya at aplikasyon, kakulangan sa maayos na pasilidad at iba pang imprastruktura, hanggang sa kakulangan ng sapat na kagamitang pang-edukasyon sa laboratoryo at iba pang praktikal na pagsasanay, lahat ng ito ay nananatiling danas pa rin ng nakararami. Higit pa rito, nakikita rin nating ang Rehimeng Marcos-Duterte, at ang lumalalang isyu ng korapsyon, ay pinalalala pa ang kalagayan ng malawakang krisis sa edukasyon bunga ng mga mapanupil at kontra-estudyanteng polisiya ng gobyerno. Taon-taon man ay nagbabago ang akademikong kalendaryo, ngunit malinaw na nananatili namang pare-pareho ang mga problemang kinahaharap ng mga estudyante.
Ngayon, higit kailanman, hindi tayo papayag sa patuloy na pananamantala at pagpapahirap sa sektor ng kabataan! Kaya naman, inaanyayahan namin ang bawat Luwisyano na lumabas sa kani-kanilang mga silid-aralan at makiisa sa pagtambol ng ating mga panawagan.
Sama-sama nating ipaglaban ang isang ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข, ๐ด๐ช๐บ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ช๐ฑ๐ช๐ฌ๐ฐ, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข-๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ฅ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ!
Buong tapang at lakas nating salubungin ang panibagong akademikong taon. ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
SLU Supreme Student Council
SLU KASAMA/SSC-School of Nursing, Allied Health, and Biological Sciences
SLU SSC SEA Assembly
SLU KASAMA/SSC SAMCIS Assembly
SLU SSC - STELA Assembly
SLU Congress of Louisians
SLU Commission on Elections
DASIG SLU
REPORMA-ACS
๐๐๐๐๐๐-๐๐๐
๐๐๐๐๐๐
STELA Mentors' Guild
Prime Movers Society - JSWAP SLU Chapter
SLU Political Science Academic Society
The Apothecaries' Society
Saint Louis University Debate Society
Anakbayan Saint Louis University
Innabuyog - Gabriela Youth SLU
Bahaghari SLU