21/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Ang bala na pumatay kay Benigno โNinoyโ Aquino Jr. ay hindi lamang isang malagim na trahedyang nagtapos sa buhay ng isang politiko. Bagkus, nararapat itong alalahanin sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga politikal na puwersang nagbigay-daan sa pagpaslang sa kaniya sa tarmac ng Manila International Airport. Ito ay isang pangyayari na naglantad sa panganib na kinaharap ng mga tumindig at naging bahagi ng oposisyon sa ilalim ng rehimeng Marcos. Ang pag-aalala kay Ninoy nang walang sapat na pag-unawa sa konteksto ay ang paglimot sa sistemang nagtulak sa kaniyang pagkamatay.
Ang kaniyang pagkamatay ay hindi lamang isang nag-iisang kaso sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Sr.โ sa halip ito ay sumasalamin sa mas malawak na suliraning politikal ng Pilipinas kung saan ang mga oposisyon ay sinusupil, at ang takot ay naging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan. Ang pagtatangkang patahimikin ang boses ni Ninoy ay hindi nagtapos noong ika-21 ng Agosto 1983; bagkus ito ay gumising sa mga galit na Pilipino at isang bayan na sumisigaw para sa pagbabago.
Ang Ninoy Aquino Day ay hindi lamang isang simpleng pag-alaala sa kaniyang buhay at pagkamatay. Ito ay nananatiling paalala sa bayan kung ano ang maaaring mangyari kapag ang kapangyarihan ay hindi napapanagot, at ang sinumang kumukuwestiyon dito ay itinuturing na banta. Ginugunita natin siya hindi dahil hinihingi ng kasaysayan na magkaroon ng modernong bayani, kundi dahil ang kaniyang pagkamatay ay parte ng pakikibakang humubog sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang pag-aalala kay Ninoy Aquino Jr. ay nangangahulugan ding pag-alala sa mga Pilipinong namuhay at tumindig sa ilalim ng sistemang mapaniil ni Ferdinand Marcos Sr.