22/07/2026
Naninindigan ang UP Baguio Mountaineers ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐จ๐ฌ๐๐ก ๐๐ฆ๐๐๐ก๐.
Hindi kailanman maituturing na pag-unlad ang isang proyektong nakabatay sa pagkasira ng mismong kalikasang nagbibigay-buhay sa tao.
Sa gitna ng lumalaking pangangailangan para sa Nickel, muling nilalagay sa panganib ang Sibuyan Islandโ tahanan ng Mount Guiting-Guiting Natural Park, isang sa pinakamahalagang biodiversity hotspots sa bansa. Ang planong pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) ay hindi lamang usapin ng pagkuha ng mineral. Ito ay usapin ng mga kagubatang nagsisilbing tahanan ng daan-daang endemikong halaman at hayop, ng mga watershed at ilog na nagbibigay ng malinis na tubig, at ng kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang Sibuyanon na matagal nang umaasa sa kalikasan.
Sa kabila ng malawakang pagtutol ng mga residente, inindorso ng anim na miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Fernando ang operasyon ng APMC. Ngayon, ang kinabukasan ng isla ay nakasalalay sa pagpapasya ng Department of Environment and Natural Resources kung pagbibigyan nito ang hinihiling na Declaration of Mining Project Feasibility (DMPF).
Kaisa ang ๐จ๐ฃ ๐๐๐๐จ๐๐ข ๐ ๐ข๐จ๐ก๐ง๐๐๐ก๐๐๐ฅ๐ฆ sa mga mamamayan ng Sibuyan Island sa panawagan tanggihan ang pagmimina sa isla. Nananawagan kami sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa Office of the President na pakinggan ang tinig ng mga Sibuyanon at unahin ang pangangalaga sa kalikasan kaysa sa mga proyektong mag-iiwan ng pinsalang hindi na maibabalik.
๐ก๐ข ๐ง๐ข ๐๐๐ง๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐ก๐. ๐ฆ๐๐ฉ๐ ๐ฆ๐๐๐จ๐ฌ๐๐ก ๐๐ฆ๐๐๐ก๐.
๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐๐ง ๐ ๐ข๐จ๐ก๐ง ๐๐จ๐๐ง๐๐ก๐-๐๐จ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ก๐๐ง๐จ๐ฅ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐.