UC Animators' Guild

UC Animators' Guild Welcome to the UC Animators' Guild! 🎨✨

An academic organization at the University of the Cordilleras.

Join us as we explore the art of storytelling through animation and bring our imaginations to life together!

21/07/2026

Tapos na ang piyesta, pero tuloy ang paglalakbay ng pagkamalikhain. 🎊

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa bawat estudyante, g**o, eksibitor, komersyante, at bisitang nakiisa sa ating pagdiriwang. Maraming salamat sa pagbibigay-buhay sa bawat likha, aktibidad, at alaala na ating pinagsaluhan. Nawa'y maiuwi ninyo hindi lamang ang saya ng piyesta, kundi pati na rin ang inspirasyon upang patuloy na lumikha. 🎇

© "Migraine- Instrumental" - performed by Moonstar88. All rights belong to the respective copyright owners. No copyright infringement intended.

ISANG MENSAHE NG PASASALAMAT SA LAHAT NG BUMUBUO NG MMA PIYESTA!! 🪅🎊🌟Hindi magiging makulay at matagumpay ang kaganapan ...
20/07/2026

ISANG MENSAHE NG PASASALAMAT SA LAHAT NG BUMUBUO NG MMA PIYESTA!! 🪅🎊🌟

Hindi magiging makulay at matagumpay ang kaganapan na ito kapag wala ang tulong ninyong lahat sa amin. Maraming pagsubok, pagkukulang, at di pagkakaunawaan ang hinarap namin sa likod ng MMA Piyesta 2026, ngunit saksi kami sa nanaig nating dedikasyon sa ating pagdiriwang. Ramdam namin ang walang sawang pagsisikap ng admins, committee heads, mga miyembro, Ah-Gee at lahat ng naging bahagi sa pagbuo ng kaganapang ito. Totoo nga na hindi ito ‘a one man’s job or rather a one committee’s job’, Ito ay bunga ng sama-samang sakripisyo, pagsisikap, at determinasyon ng kauna-unahang batch ng UC Multimedia Arts, ng Animators’ Guild, at ng College of Information Technology and Computer Science. ✨

Ang MMA Piyesta ay patunay ng ating mga talento, mga natutunang kaalaman at kasanayan, at ng ating dedikasyon bilang mga Multimedia artist. Ang ating mga puyat, gastos, at pawis ay nasulit dahil sa supporta, pagmamahal, at kasiyahan na ipinakita ninyo sa aming munting pagdiriwang. Maraming salamat sa mga ginagalang naming mga g**o, Ma’am Lovely Reformado at Sir Nico Gama sa walang hangganang supporta at gabay sa aming lahat. Naging tulay kayo sa aming pagsisikap na mapaganda at mapasaya pa lalo ang ating pagdiriwang. Buong puso kaming nagpapasalamat sa mga espesyal na panauhin, hurado, MMA faculty, CITCS faculty and staff, at sa lahat ng tao na naki-piyesta sa amin, kayo ang naging dahilan kung bakit mas naging especial ang ating pagdiriwang. Umaasa kaming napahanga at napagmalaki namin kayong lahat. Ang layunin ng aming event ay hindi lamang upang ipakita ang lahat ng aming pinaghirapan sa panahon namin sa UC, kundi upang sariwain din ang mga alaala ng aming pagkabata, mag-relax, at higit sa lahat, ay maranasan ang pinakamasayang sandali ng aming buhay. Sana ay napadama namin ang kasiyahan sa inyong lahat at naipakita ang tatak ng pagiging isang Makabagong Malikhaing Artistang Pinoy.🎨

Maraming salamat sa pagtataguyod ng ating Piyestahan kahit na sobrang abala nating lahat sa ibang mga responsibilidad. Hindi biro at naging madali ang pagpunta at pagharap sa mga opisina ng UC, kaya saludo kami sainyo sa simpleng pagpapakita at pagiging naririyan para sa ating lahat. Pasensya na sa mga mga huling pagpupulong sa mga oras ng maagang tawag natin pero lubos kami nagpapasalamat sa mga sakripisyo at pagtitiyaga niyo sa buong event. Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin kung napilit namin kayo nang husto, ngunit umaasa kaming marami kayong natutunan at nagkaroon ng higit na kumpiyansa mula sa ating mga karanasan sa huling malaking event na ito. Hindi pa tapos lahat, marami pa tayong kailangan asikasuhin pero umaasa ako na nakabuo tayong lahat ng masasayang alaala nang magkakasama. Ang ating nagawa at gagawin pa lamang ay hindi lang para saatin kundi para ito sa mga makabagong artista ng bayan at ang kinabukasan ng sining sa Pilipinas! 🇵🇭

Bilang saksi ng inyong proseso, hindi malilimutan kung paano nagsimula ang lahat. Mula sa unang konsepto at sketch hanggang sa pagbuo ng mga pinal na disenyo, ang Komite sa Disenyong Grapiko ang bumuo, nagbigay-kulay, at nagbigay-karakter sa buong pagdiriwang. Sa bawat malayang talakayan, mga rebisyon, hanggang sa mga gabing ginugol para lamang matapos at mapaganda ang bawat detalye. Buong pusong kinikilala at pinapahalagahan ang inyong pagsisikap, dedikasyon, at pagkamalikhain. 👩‍🎨

Maraming salamat sa komite sa Disenyo ng Set na nagsikap sa paggawa ng mga palamuti na nagbigay-kulay at buhay sa ating pagdiriwang. Nakita namin ang inyong dedikasyon at pagsisikap, tirik man ang araw, bumuhos man ang ulan, lumindol, o magbagsakan man ng salamin ng kapitbahay, hindi kayo tumigil sa paggawa ng mga gagamiting palamuti. Maraming salamat sa inyong sipag, tiyaga, at pagmamahal sa bawat detalyeng inyong nilikha. Dahil sa mga kulay na inyong ipinamalas, naging buhay ang MMA Piyesta 2026! 🪅

Lubos kaming nagpapasalamat sainyo sa pagpapakita ng husay at talento niyo! Naging ehemplo ang committee niyo na ang tiyaga, galing, at kasiyahan ay maaaring magkaisa sa tagumpay ng isang bagay. Sana ay lubos ninyong ipagmalaki ang inyong mga sarili sa pagsubok ng mga bagong bagay, pagpapatuloy, at mahusay na pagtatanghal sa ating munting piyestahan. Hindi biro ang pag-aaral ng bagong midyum para lang maging maayos, maganda, at masaya ang ating pagdiriwang. Nawa’y marami kayong natutunan sa ating proseso upang handa na kayong magpakitang-gilas sa ating mundo! 🖼️

Mga taong tahimik na nagsisikap para lamang tayo’y ligtas at masaya sa pagdiriwang. Kitang-kita sa Komite ng Crowd Control kung paano ninyo pinagsabay ang pagpapasaya sa atin at sa mga bisita gamit ang mga laro, habang inaalagaan din and kaayusan. Hindi rin makakalimutan ang mga oras na kusang-loob ninyong tinulungan ang Komite sa Disenyo ng Set sa oras ng pangangailan. Kayo ang tunay na diwa ng pagtutulungan. Maraming salamat sa inyong sipag at pasensya. Dahil sa inyo bumalik ang lahat sa mga masasarap na alaala ng ating kabataan at namuo ang mga panibagong kwento sa ating mga kaniya-kaniyang buhay! 🦾

Kayo ang naging dikit sa ating Piyesta. Kung wala ang Komite ng Pananalapi na lubos na pagtuon ninyo at transparenteng pamamahala sa ating pondo, ang Piyesta ay magiging Pilipinas, magulo at puno ng pagkapoot. Hindi biro ang iyong responsibilidad at hawak niyo ang beat, I mean, nasa kamay niyo lahat ng plano at pangarap nating lahat. Maraming salamat sa pagtitiyaga niyo sa lahat ng hiling namin, salamat at nariyan kayo para isalba ang lahat sa mga pagsubok na ating dinanas upang mangyari ang event na ito. Prinotektahan niyo ang tiwala ng lahat ng buong-buo at dahil diyan kayo ay may sampung pitik sa aming lahat with soft moves!💸

Sa Komite ng Merchants, hindi madali ang pangangalap ng mga tindero at pangangasiwa ng sistema ng pananalapi, ngunit dahil sa inyo, naging maayos ang bawat transaksyon simula sa paghahanda hanggang sa pagtatapos ng pagdiriwang. Taos-puso naming pinasasalamatan ang inyong tiyaga at dedikasyon. We wish you a future of creativity and success! Naging ehemplo ang mga likha niyo kung bakit ipinaglalaban natin ang sining at pagiging artistang Pinoy! 🎈

Maraming salamat sa komite ng media sa inyong dedikasyon mula pa lamang sa pre-production, kung saan maigi ninyong pinagplanuhan ang mga promotional na larawan at videos ng ating MMA Piyesta. Mula sa mga pang-promosyonal na shoot hanggang sa mismong araw ng event, ipinakita ninyo ang inyong sipag at pagkamalikhain. Nagkaroon man ng ilang hamon sa proseso, hindi kayo sumuko at matagumpay ninyo itong nalampasan. Dahil sa inyo, naitala at napanatili ang bawat mahalagang alaala ng ating pagdiriwang. Tunay na mananatiling buhay ang mga alalaang ito dahil sa inyong mahusay na trabaho. 🎞️

❤️‍🩹

19/07/2026

Sa bawat ngiti, likha, at tagpo, nabuo ang isang pagdiriwang na hindi malilimutan. 🎊

Narito ang Same Day Edit ng MMA Piyesta 2026 na maghahatid ng sulyap sa mga makukulay na sandaling ating pinagsaluhan. ✨

© "Toyang" - performed by Eraserheads. All rights belong to the respective copyright owners. No copyright infringement intended.

Narito ang ilan sa mga makukulay na sandali mula sa ating awarding ceremony! 🏅Isang pagbati sa lahat ng ating awardees a...
18/07/2026

Narito ang ilan sa mga makukulay na sandali mula sa ating awarding ceremony! 🏅

Isang pagbati sa lahat ng ating awardees at taos-pusong pasasalamat sa bawat kalahok na naging bahagi ng MMA Piyesta 2026. Patuloy nating ipagdiwang ang sining, talento, at pagkamalikhain!

Nahanap mo na ba ang litrato mo? 👀📸Handa nang balikan ang inyong mga paboritong sandali! Silipin ang mga kuhang larawan ...
17/07/2026

Nahanap mo na ba ang litrato mo? 👀📸

Handa nang balikan ang inyong mga paboritong sandali! Silipin ang mga kuhang larawan mula sa MMA Piyesta 2026 Photobooth at ibahagi ang inyong mga ngiti sa social media.

Maaaring i-download ang inyong photobooth photos sa image format at MP4 format sa link sa ibaba:
https://tinyurl.com/MMAPiyesta2026-Photobooth

Huwag kalimutang i-tag kami kapag ibinahagi ninyo ang inyong mga larawan sa social media!

FB: UC Animator’ Guild
IG:

Hindi pa rin mapigilan ang saya! Balikan natin ang ilan sa mga makukulay na eksena mula sa Day 2 ng MMA Piyesta 2026.🌟Sa...
16/07/2026

Hindi pa rin mapigilan ang saya! Balikan natin ang ilan sa mga makukulay na eksena mula sa Day 2 ng MMA Piyesta 2026.🌟

Sa ikalawang at huling araw ng MMA Piyesta 2026, muling napuno ng sining, talento, at pagkamalikhain ang ating pagdiriwang. Mula sa mga exhibit, workshops, performances, at iba’t ibang aktibidad, tunay na naging espesyal ang bawat sandali.

Narito ang mga makukulay na sandali ng unang araw ng MMA Piyesta 2026! 🎨Mula sa mga likhang-sining, performances, at mas...
16/07/2026

Narito ang mga makukulay na sandali ng unang araw ng MMA Piyesta 2026! 🎨

Mula sa mga likhang-sining, performances, at masasayang kuwentuhan, salamat sa inyong pakikiisa sa aming makulay na pagdiriwang.

🎊 Nagaganap na ngayon ang MMA Piyesta 2026! 🎊Huling araw na ngayon para maranasan ang makulay na pagdiriwang ng sining a...
14/07/2026

🎊 Nagaganap na ngayon ang MMA Piyesta 2026! 🎊

Huling araw na ngayon para maranasan ang makulay na pagdiriwang ng sining at multimedia! 🎨✨ Naghihintay pa rin ang mga obra, aktibidad, at iba pang handog para sa inyo.

🕓 Bukas kami hanggang 4:00 PM lamang, kaya huwag nang magpahuli!

📍 UC Theater
Dalhin ang inyong mga kaibigan at makisaya kasama namin. Kita-kits! 🎉💛

Address

University Of The Cordilleras, Gov. Pack Road
Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UC Animators' Guild posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share