Anakbayan Metro Baguio

Directions Website Contact the organization

Anakbayan Metro Baguio Anakbayan is a comprehensive national democratic mass organization of the Filipino youth.

Ang Anakbayan Metro Baguio ay ang pambansa-demokratikong organisasyon ng malawak na hanay ng kabataan sa Metro Baguio. Itinayo noong Nobyembre 30, 1998, nilalayon ng Anakbayan na ipagkaisa ang mga kabataan mula sa iba't ibang sektor ng lipunan para isulong ang pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba. Kasama ang iba pang demokratikong pwersa at ang nagkakaisang hanay ng masang Pilipino, naninindigan ang Anakbayan na ang pagpapabagsak sa pyudalismo at ang pagwawakas sa paghahari ng imperyalismong US lamang ang tunay na magpapalaya sa sambayanang Pilipino.

01/10/2026

WALANG OPORTUNIDAD SA INTERES NG IMPERYALISTA! REJECT PAX SILICA!

Habang ipinagmamayabang ang mga "commercial opportunities" sa ilalim ng Pax Silica at Luzon Economic Corridor (LEC), ang katotohanan ay ibinebenta ang ating likas na yaman, lupang ninuno, at lakas-paggawa sa interes ng US!

Sino ang totoong makikinabang? Habang patuloy na naghihirap ang mamamayang Pilipino sa kakarampot na sahod, kawalan ng lupa't tahanan, at simot na rekurso, ang mga dayuhang korporasyon, militar, at mga lokal na tuta ng imperyalista ang naliligo sa yaman at nagpapakabusog sa kapangyarihan.

Hindi strategic alignment sa Hawaii ang daing ng mga UCians, kundi sapat na pasilidad sa kampus, makatarungang sahod, at tunay na pambansang industriyalisasyon na magsisilbi sa mamamayan!

Ang ganitong pekeng mga promosyon ay walang lugar sa ating Unibersidad. UCians, magpasya't kumilos! Sumali sa Anakbayan - University of the Cordilleras!
https://m.me/j/dur0tMg9JYKykxeQ/



29/09/2026

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ฆ๐ฒ๐ฎ๐ญ๐ž๐ซ ๐š๐ญ ๐“๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐ž๐ซ ๐‹๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ฌ ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ค ๐ง๐š ๐’๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Hindi natin kaaway ang mga drayber na araw-araw ring biktima ng pahirap na sistema. Kapag tumataas ang pamasahe, hindi ito luho ng tsuper kundi pilit na pagkapit sa lumulubog na kabuhayan dahil sa walang-tigil na paglobo ng presyo ng krudo

Huwag nating hayaang ang mga komyuter at tsuper ang magsisihan sa lansangan habang ang gobyerno at mga kumpanya ng langis ay nagkikibit-balikat lamang. Pareho tayong salat sa bulsa at parehong pinipiga ng bulok na ekonomiya na walang malasakit sa masa.

Ang maliit na kinikita ng tsuper ay nauubos agad sa mahal na gasolina, habang ang sahod ng komyuter ay kulang na kulang pa rin para sa pamilya. Tayong lahat ay nakatali sa iisang bigat ng krisis na likha ng mga mapagsamantalang nasa kapangyarihan.

Kaya huwag tayong magpagamit sa laro ng pagpapag-awayin ang mga manggagawa. Ang tanging sagot sa patuloy na pagtaas ng presyo ay ang sama-samang pag-igpaw at paglaban para sa tunay na solusyon at katarungan mula sa pamahalaan.

Komyuter, tsuper, tumindig at magkaisa! Iisa ang ating laban para sa abot-kayang pamasahe at nakakabuhay na sahod sa ating lipunan.



29/09/2026

No to Jeepney Phaseout! Tutulan ang World Bank Funded Jeepney Phaseout!

Iti baet ti kumarkaro a krisis iti langis a pinakaro iti imperyalismo nga US-Israel, ket karkaro na nga inlumlom ti intero a Pilipino iti narigrigat a kasasaad karo kadagiti transport sektor.

Iti agdama, sinumrek ti DOTr ken LTFRB iti World Bank tapno maponduan ti jeepney modernization program nga isuna iti mangpasardeng kadagiti byahe ti traditional jeeps.

Iti sidong ti jeepney phaseout a punduan ti World Bank, kumarkaro ti rigat iti panagbiag dagiti drivers, babassit nga operators, ken lokal a manufacturers bayat a mangiduron ti scrappage, leasing, ken sentral a panagtengngel iti public transport.

Iti panagserek ti World Bank, nalawag daytoy a makuna a modernization ken saan a nairanta para iti pagimbagan ti ordinaryo nga Pilipino, no di ket tapno mapapartak dagiti polisiya nga karo a mangpadagsen iti rigat ti napanglaw a sektor. Imbes a suportaran dagiti operators ken drivers tapno mapasayaat ti serbisyo, pilit nga maipatpatungpal ti sistema a mangkasapul iti dakdakkel a kapital, naing-inget a regulasyon, ti nangatngato nga resulta na ket dagidyay dati nga agsarsarili ket mapilitan nga pumauneg iti dakdakel a
negosyo wenno saan ket maawanan da iti pangbiagan.

Nu agbalin a linteg daytoy baro a polisiya, umuna, maipatungpal iti scrappage dagiti tradisyonal nga jeep ken posible pati dagiti existing nga modern yunits - posible a panakapukaw ti trabaho wenno pagbiagan.

Maikadwa, dagiti drivers ket agbalin da a sahuran wenno matrato a kasla empleyado iti sidong ti Automated Fare Collection System. Makuna a saan nga direkta a maala dagiti drivers iti inaldaw a dapat nga kita. Daytoy ket lumasat iti maysa a fiduciary entity ken iti transport cooperative nga isuda iti mangidiktar iti maala da nga sweldo.
maikatlo, umad-adu a posible ti panangala ti korporasyon babaen kadagiti kompanya ti panagpaabang nga agtigtignay kas mangibabaet iti nagbaetan ti manufactures ken dagiti kooperatiba. Iti sidong daytoy a setup, dakdakkel ti lugar a makaganansya dagiti interes ti komersyo, bayat a lumned dagiti aktual nga agpaspasada kadagiti pinansial nga obligasion.

Saan laeng nga transport sector iti makarikna ti rigat na daytoy a baro nga polisiya nu diket pati dagiti komyuter.

Maapektaran iti presyo ti pamasahe ken iti panagngato dagiti kangurunaan a kasapulan. Gapu iti centralized collection system nalaklaka nga maingato iti pamasahe ken mapukaw iti direkta a koneksyon ti drivers ken pasahero.

Daytoy a sistema ket kontrolado ti dadakel a negosyo nga mangikkat iti aktuwal nga kasapulan ti umili ken karo a mangpapigsa iti tingngel dagiti agar ari iti poder ken dagiti kakumplot da a babaknang a negosyante ti ekonomya iti pilipinas.

Karit kadatayo nga agtutubo a makikaykaysa iti laban ti transport sektor ta saan nga naisina iti karbengan tayo nga agtutubo kadagiti drivers.

NO TO OIL PRICE HIKE!
NO TO JEEPNEY PHASEOUT!

29/09/2026

NO TO WORLD BANK-FUNDED JEEPNEY PHASEOUT! PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON, MULA AT PARA SA MASA!

Mariing kinokondena ang ipinapatakbong WB-Funded Jeepney Phaseout mula sa DOTr at LTFRB. Matagal nang ipinaglaban ng mamamayan, kasama ng mga tsuper, ang pagtutol sa Public Transport Modernization Program (PTMP). Sa halip na pakinggan ang ating mga hinaing at tugunan ang mga problema sa implementasyon nito, tila gumagawa pa ng ibang naratibo ang DOTr para maipatupad pa din ang programa sa pagpasok ng World Bank.

Kailangang suriin nang mabuti ang papel ng World Bank sa mga proyektong may kaugnayan sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon. Hindi dapat maging daan ang mga programang tinatawag na โ€œdevelopmentโ€ upang higit na mailipat sa malalaking korporasyon ang mga serbisyong at industriyang matagal nang pinagkakakitaan at pinamamahalaan ng mga lokal na manggagawa. Mahalagang itanong kung bakit hindi higit na inilalaan ng DOTr at ng pamahalaan ang pampublikong pondo sa direktang pagsuporta sa mga tsuper, operator, at lokal na manufacturer. Kung tunay na layunin ng modernisasyon ang pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, dapat nitong tiyaking hindi isinasakripisyo ang kabuhayan ng mga manggagawa para lamang makamit ang isang partikular na modelo ng transportasyon. Sa ilalim ng kooperatiba-based na sistema, maaaring mapasailalim ang mga tsuper sa mga kontrata at obligasyong hindi naaayon sa kanilang kakayahan at pangangailangan.

Sa Baguio City, lalong mahalaga ang makabuluhang partisipasyon ng mga tsuper, operator, commuter, at iba pang apektadong mamamayan sa anumang pagpapasya ukol sa pampublikong transportasyon. Kaya naman, hinihingi natin sa LTFRB, DOTr, at Baguio City LGU na magsagawa ng tunay at makabuluhang konsultasyon sa mga tsuper, operator, commuter, at lokal na stakeholders bago magpatupad ng mga polisiyang may malalim na epekto sa kanilang kabuhayan at sa pampublikong transportasyon ng lungsod.

Iginigiit natin ang isang programang modernisasyon na tunay na nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan; Isang pampublikong transportasyong abot-kaya, ligtas, maaasahan, at makatao. Dapat suportahan, hindi itulak sa pagkalugi, ang mga tsuper at operator. Dapat ding bigyang-puwang ang mga lokal na operator at manufacturer na patuloy na maghanapbuhay at makilahok sa pagpapaunlad ng pampublikong transportasyon.

NO TO CORPORATE TAKEOVER!
SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER!




SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER! KABATAAN SUMAMA SA KONSULTAHAN KEN KAPEHAN!Sa pangunguna ng PISTON Metro Baguio...
28/09/2026

SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER! KABATAAN SUMAMA SA KONSULTAHAN KEN KAPEHAN!

Sa pangunguna ng PISTON Metro Baguio, inaanyayahan ng Anakbayan Metro Baguio ang kabataan, bukas, Martes, September 29, sa ganap na 12 PM ng tanghali para sa konsultahang drayber at operator, sa Japanese Garden staging area, sa likod ng University of the Philippines Baguio!

Sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng diesel at iba pang pangunahing bilihin, lalong bumibigat ang pasanin ng mga tsuper at operator. Samantala, itinutulak ng pamahalaan ang World Bank-funded Jeepney Phaseout na nagbabanta sa kabuhayan ng maliliit na operator at nagbubukas ng pampublikong transportasyon sa malalaking negosyo at dayuhang institusyong pinansyal. Sa gitna ng taas-presyo, mababang sahod, at pagpapatupad ng World Bank-funded Jeepney Phaseout, makiisa sa laban ng tsuper at mamamayan!

DUMALO AT MAGPADALO!

SAAN: Japanese Garden
KAILAN: September 29, 2026 | 12 PM




๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—œ๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—›๐—œ๐—ž๐—˜! ๐—ฆ๐—”๐—›๐—ข๐—— ๐—œ๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ, ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฌ๐—ข ๐—œ๐—•๐—”๐—•๐—”.Hinggil sa Oil Price Hike dulot ng Giyera ng US-Israel Laban sa...
27/09/2026

๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—œ๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—›๐—œ๐—ž๐—˜! ๐—ฆ๐—”๐—›๐—ข๐—— ๐—œ๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ, ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฌ๐—ข ๐—œ๐—•๐—”๐—•๐—”.
Hinggil sa Oil Price Hike dulot ng Giyera ng US-Israel Laban sa Iran
(Primer sa Krisis sa Transportasyon Part 2/2)

Mula sa giyera sa Kanlurang Asya hanggang sa presyo ng krudo sa lokal, iisa ang ugat: ang agresyon ng imperyalismong US-Israel at ang pagpapabaya ng rehimeng Marcos. Habang kumikita ng bilyon ang mga dambuhalang kumpanya ng langis, nalulugi ang mga drayber, operator at naghihirap ang mga manggagawa't komyuter.

Hindi sapat ang pansamantalang ayuda at subsidyo, kailangan ng malawakang pag-kilos. Sama-sama tayong tumindig laban sa oil price hike! Remove VAT and excise tax. Oil deregulation law, ibasura!

Kumilos at mag-organisa! โœŠ
๐Ÿ—“๏ธ Setyembre 29 | 1:30 PM - Kapihan sa Japanese Memorial Garden




27/09/2026

Sa Laban ng Tsuper, Kasama ang Komyuter.

Ang bawat jeepney na pumapasada ay simbolo ng kultura at pang araw-araw na pagpupursigi ng mga Pilipino. Ang pagtutol sa biglaang phaseout ay pagtatanggol sa karapatan ng mga drayber sa kanilang disenteng kabuhayan, at pagtiyak na hindi magmamahal ang pamasahe para sa publiko.

Sama-sama nating ipaglaban ang transportasyong ingklusibo at makatarungan!

NO TO JEEPNEY PHASE OUT! โœŠ



26/09/2026
25/09/2026

Naninindigan ang Anakbayan SLU sa karapatan ng mga residente ng Barangay Bulalacao at Guinaoang, Mankayan, na ipagtanggol ang kanilang lupang ninuno laban sa Crescent Mining Development Corp. (CMDC) at iba pang mga dambuhalang korporasyong pangmina. Sa kasalukuyang ginanap na people's barricade, ay pinapakita ng komunidad ang patuloy na laban sa mapanirang operasyon ng pagmimina.

Walang karapatang at lugar ang mga burukrata-kapitalista at malalaking kumpanya na abusuhin ang likas na yaman at lupang ninuno ng mga katutubo sa Mankayan para sa tubo at pansarili nilang interes. Kaduda-duda rin kung bakit pinayagan ng National Commission on Indigenous People (NCIP) na irenew ang Mineral Processing and Sharing Agreement (MPSA) ng CMDC. Patuloy din pang dinedepensahan ang mga kumpayang pang mina kasama ang mga korte at PNP na pilit na ipinapa-aresto ang mga residente. Ang NCIP at mga korte ay dapat prinoprotektahan at inuuna ang interes ng mga katutubo at mamamayan ngunit tila mas inuuna pa nila ang interes ng mga korporasyon.

Sa patuloy na pangaabuso laban sa mga residente ng Mankayan Benguet at ng ating bansa, importanteng suportahan natin ang kanilang panawagan. Ang ating mga likas na yaman ay hindi dapat binebenta para lamang sa sariling interes, kundi dapat ay prinoprotektahan laban sa mapangabusong sistemang unti-unting kinakamkam ang ating mga lupang ninuno.



Address

Baguio City
2600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan Metro Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan Metro Baguio:

Shortcuts

Share