02/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Sa sagradong lupa ng Nueva Vizcaya, walang tigil ang pananakop ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina na uhaw at patuloy na naghahangad ng libu-libong ektarya ng lupa sa Dupax del Norte at Kasibu. Mula Mayo 8, patuloy ang pakikibaka ng mga magsasaka at katutubo sa pagpasok ng mga krudo ng North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC). Subalit nitong ika-19 ng Agosto, dalawang lider ng Kasibu Intertribal Response for Ecological Develipment (KIRED) ang inaresto at 11 residente pa noong ika-28 ng Agosto ang inaresto ng pulisya habang nakatayo sa barikadang panangga.
Sa kabila ng pagsuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) noong Pebrero 2026 sa permit ng Woggle Corporation, isang dayuhang kumpanya, dahil sa matinding pagtutol ng mamamayan, hawak pa rin nila ang pahintulot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ๐จ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐๐ฎ๐๐ง๐ฃ๐ค ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ช๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ, bagkus, pinapalawig pa ang mga dambuhalang proyektong sumisira sa kalikasan, kabuhayan, at kinabukasan. Patuloy na hinahayaang manaig ang salapi ng mga dayuhan kaysa sa buhay ng kanilang nasasakupan at patuloy na inuuna ang interes ng mga dayuhang kapitalista kaysa sa ikabubuti ng masa.
Hindi lamang ito tungkol sa pagmimina kundi sa direktang paglapastangan, pagwawalang-bahala, at paggamit ng dahas laban sa taumbayang lumalaban para sa sariling tahanan. ๐ผ๐ฃ๐ ๐ฅ๐ช๐ก๐๐จ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ก๐๐๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐ค๐ฅ๐ง๐ค๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐, ๐จ๐๐ก๐ ๐ฅ๐ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐ง๐๐๐๐๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐๐ฌ๐๐จ.
Hindi bago ang hirap at pang-aapi sa Kasibu. Mula noong 1994 nang pinirmahan ang Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) ng OceanaGold, at sinimulan ang komersyal na operasyon noong 2013, patuloy nitong inuubos ang yaman ng probinsya habang ang mga naninirahan ay nananatiling lugmok sa kahirapan. Ang ginto, mineral, at kalikasan ng Nueva Vizcaya ay pag-aari ng taumbayan na patuloy na winawaldas ng mga dayuhang kapitalista. Sa kanila ang yaman, sa atin ang wasak na lupa, lason na ilog, at nawalang kabuhayan. ๐๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฃ.
Sa naganap na pag-aresto sa mga indibidwal na nagtatanggol ng kanilang pamayanan ay isang malinaw na manipestasyon ng pinagtitibay na burukrata-kapitalismo ang umaapi sa taumbayan. Mula sa DENR, MGB, at hanggang sa tanggapan ng Pangulo, ang nangunguna sa pagtatanggol sa mga dayuhang nais lamang lubusin ang pananamantala para sa sariling kita. Ang batas na nagtatanggol sana sa karapatan ng mamamayan ay tinatapakan, ikinukulong, pinatatahimik, at ginagamitan ng dahas. Binabali ang batas para paboran ang dambuhalang dayuhang kapitalista. ๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ก ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ก ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ๐๐ข๐๐ฃ.
๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐๐๐ค ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ก๐๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐จ๐, ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐ค. Sapagkat, ang dapat kinikilala bilang lupang ninuno at sagradong espasyo, itinuturing bilang lugar na maaaring gamitin para sa panandaliang kita ng mga imperyalistang dayuhan at naghaharing uri.
Ang barikada sa Kasibu ay patunay sa patuloy na pananamantala hindi lamang sa pagmimina, kundi sa pangmalawakang kasakiman ng mga mapang-abusong nanunungkulan para sa kanilang sariling kapakanan.
Sa patuloy na kawalang-katarungang ito, hindi mananahimik ang mamamayan. Mariing kinokondena ang patuloy na pagmimina at pananamantala ng espasyo para sa interes ng malalaking negosyo at dayuhan. Mariing tinututulan ang โeksplorasyonโ ng NLMRC na magdadala ng pagguho ng kabundukan at pagpapalayas sa mga katutubo mula sa lupang minana. Sapagkat hindi pag-unlad kundi pananakop at pananamantala ang mananaig. Hindi ito pagtutol sa pag-unlad, kundi sa huwad na pag-asenso na ang kapalit ay pagkasira lamang ng kalikasan para sa kanilang sariling pagkakakitaan.
Ilantad ang katotohanan: pasista ang ikinikilos ng pulisya, tahimik at walang ginagawa ang ahensya ng agrikultura, at patuloy na manaig ang mga imperyalista at burukrata-kapitalista! Dayuhan ang nagdidikta, dayuhan ang yumayaman. Habang tayo ay patuloy na lumalagapak sa putikan.
๐๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ ๐ ๐๐จ๐๐ข๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐จ๐โng bawat magsasaka, katutubo, kabataan, at mamamayang patuloy na lumalaban sa pang-aagaw at pandarambong sa yaman ng Nueva Vizcaya.
Ipaglaban ang lupa. Ipaglaban ang buhay. Ipaglaban ang kabuhayan.
๐ฟ๐๐๐, ๐๐๐๐, ๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐, ๐จ๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ!