21/03/2026
KWENTONG UCIANS PART 4: ANG MAHAL NG GAS! ORAS NA BANG MAG-ONLINE CLASS?
100+ pesos na Diesel? Budget meal na mas mataas pa sa grades? Naku po! Hindi ito "random glitch" in the matrix, kundi resulta ng pandaigdaigang krisis na umiipit sa Pilipinas sa kasahulan. Ang "ripple effect" nito? Damang-dama natin sa bawat akyat-baba sa Session Road at bawat kagat ng ating paboritong Ilocos empanada.
Napansin niyo ba ang pagbaha ng requests sa UC Freshmen's Group para sa online class? Hindi ito katamaran lang. Ito ay dulot ng mahal na presyo ng petrolyo, pamasahe, at iba pang basic goods. Pero bakit nga ba pati attendance natin sa klase, apektado ng giyera sa kabilang panig ng mundo?
Mula noong umupo sa pagka-presidente si Donald Trump noong 2025, umatake ang US-Israel sa maraming bansa kagaya ng Iran, Iraq, at Nigeriaโmga bansang malaking producer ng langis. Sa bawat bomba at sanction na binabato ng Amerika, ang tinatamaan ay ang global supply chain, at libo-libong inosenteng buhay.
Ang Pilipinas ay walang sariling industriya ng langis, kaya marupok tayo sa bawat paggalaw ng presyo sa abroad. Ang mas masakit? Mayroon tayong Oil Deregulation Law. Ibig sabihin, ang gobyerno ay "spectator" lamang habang ang mga dambuhalang kumpanya ng langis ay paldong-paldo. Tayo naman, subscribed sa unli kahirapan at singil, all against our will!
Sa halip na itaas ang sahod at ibasura ang Oil Deregulation Law, ang tugon dito ni Pres. Marcos Jr. ay ang 4-day workweek o compressed work days. Pero, ayon sa datos, nasa 1.8% ng fuel consumption at 0.5% ng energy consumption lamang ang natitipid nito. At kung magiging online naman ang modality, maipapasa rin naman ang gastos sa pamasahe papunta sa wi-fi at kuryente. Same pahirap, different billing.
Dagdag pa riyan, pasan din natin ang bigat ng value-added tax (VAT) at excise tax. Para sa mga pinakamahihirap, ito ay nagdaragdag ng mahigit โฑ2,000 sa buwanang gastusin o nasa 12.5% ng kita. At habang nagtitipid tayo sa ating pagkain sa labas, ang mga pulitiko ay may unli-buffet naman sa kaban ng bayan. Lose-lose-lose situation, 'di ba?
Kaya, reasonable man ang requests sa isang online class set-up, huwag nating kalimutan na ang ating kalaban ay nasa labas ng campus. Ang everyday struggle natin ay hindi isang maliit na inconvenience lamang, ito ay resulta ng panghihimasok ng makapangyarihang bansa, mataas na buwis para sa mga konsyumer, at band-aid solutions ng pamahalaan.
UCians, we are not angry enough! Bukod sa sad reacts sa Facebook, ilabas natin ang panawagan sa kalsada. Huwag hayaang maging "new normal" ang gutom, pagod, at pagtitiis sa mahal na pamasahe. Definitely, we deserve better! It's high time that we demand for it.
Para sa ating University Student Council (USC): Ngayon ang oras para magsilbing boses ng bawat UCian. Hindi lang 'survey' ang kailangan natin, kundi isang lideratong handang bitbitin ang ating mga hinaing patungo sa administrasyon hanggang sa lansangan. At para sa bawat UCian: Ngayon ang oras para itulak ang ating boses sa labas ng social media at ng unibersidad. Alamin ang datos, sumali sa diskusyon, at sumama sa mga pagkilos!