Tindig Pilipinas

Tindig Pilipinas Started in support of 2022 election campaign of Leni's Team.

Now with it's new name it envision to unite with all filipinos who believed democracy is still alive in this country.

03/08/2026

Napakasakit ng nangyari. 😢 Mas lalo akong naaawa dahil may naiwan silang munting anak na ngayon ay lalaki nang wala na ang kanyang mga magulang.

Ayon sa mga impormasyong lumabas, ang rider ay isang Foodpanda delivery rider na araw-araw na nagsisikap para sa kanyang pamilya sa kabila ng kanyang hika. Palagi umano siyang may dalang nebulizer at kahit madaling-araw na nakakauwi dahil sa paghahatid ng pagkain, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho para mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.

Pero sa isang iglap, nawala ang lahat dahil lang sa umano'y walang responsableng pagmamaneho ng iba.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nadamay lamang ang mag-partner matapos umanong mabangga ng isa sa tatlong rider na hinihinalang nakikipag-drag racing sa Davao-Bukidnon Road, Barangay Catalunan Pequeño, Davao City. Kapwa silang nasawi sa insidente.

Kung gusto talagang makipagkarera, sana gawin ito sa tamang lugar at hindi sa pampublikong kalsada kung saan buhay ng mga inosenteng tao ang nakataya.

Taos-pusong pakikiramay sa kanilang pamilya. 🕊️

Note: The photo in the inset is not mine and is used for illustration purposes only.

30/07/2026

Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang Pax Silica. Isinama na mismo ng Pangulo sa 2026 SONA ang Pax Silica Industrial Hub bilang bahagi ng Luzon Economic Corridor at ng global AI and technology value chain. Hindi ibig sabihin nitong final na ang lahat ng kontrata at kondisyon, pero malinaw na isa na itong prayoridad ng administrasyon—kaya ang laban ngayon ay hindi lang protesta kundi mahigpit, tuloy-tuloy at dokumentadong pagbabantay.

• DENR-EMB: I-require ang programmatic environmental impact assessment o katumbas na cumulative-impact review para sa buong 1,620-hectare zone. Hindi sapat ang paisa-isang ECC kung walang sumusukat sa pinagsamang epekto sa tubig, enerhiya, hangin, basura at mga komunidad.

• BCDA: Ilabas ang final lease agreements, eksaktong boundaries, government contributions, infrastructure obligations, incentives, performance targets at termination clauses—subject lamang sa makitid at lehitimong redactions. Public land ito, hindi private group chat.

• COA: Suriin ang paggamit ng pampublikong lupa, pondo, infrastructure, lease concessions at iba pang government contributions. Hindi maaaring gawing panangga ang “commercial confidentiality” kapag public assets ang nakataya.

• DENR-EMB at LGUs: I-publish nang regular ang water consumption, wastewater quality, emissions, hazardous chemicals, spills, violations at waste-disposal records ng bawat locator. Ang compliance report na nakatago sa filing cabinet ay dekorasyon lamang.

• MGB at DENR: Kung gagamit ng critical minerals mula sa Pilipinas, dapat matunton ang buong supply chain—saan nagmula, sino ang nagmina, anong permit ang ginamit at anong komunidad, watershed o protected area ang maaaring maapektuhan.

• NWRB, DOE at ERC: Bantayan ang konsumo sa tubig at kuryente. Hindi dapat mauna ang data centers at factories habang nagkukulang ang mga bahay, sakahan at maliliit na negosyo.

• DTI, BOI at iba pang investment agencies: Itali ang incentives sa malinaw na local-hiring, local-procurement, technology-development at export commitments. Kapag hindi naabot ang targets, dapat may clawback, suspension o termination—hindi endless extension at bagong press release.

• DOLE: Tiyaking totoong high-value at disenteng trabaho ang nalilikha para sa mga Pilipino—may tamang sahod, security of tenure, occupational safety at malinaw na career progression. Hindi puwedeng assembly-line work na nilagyan lang ng “AI” sa job title.

• DOST, CHED at TESDA: Igiit ang binding scholarships, apprenticeships, university partnerships, research funding at training targets. Ang layunin ay umangat tayo mula assembly at testing patungong design, research, software integration at advanced engineering.

• Kongreso: Magdaos ng regular at public oversight hearings tungkol sa kontrata, incentives, environmental impact, labor commitments at national-security implications. Huwag hintaying may spill, displacement o anomalya bago maalalang may oversight power pala.

• NCIP at mga apektadong komunidad: Kapag may ancestral domain o Indigenous Cultural Communities na maaapektuhan, dapat sundin ang buong proseso ng free, prior and informed consent. Para sa lahat ng komunidad, kailangan ang tunay na konsultasyon, access sa impormasyon, grievance mechanism at epektibong remedyo—hindi attendance sheet, PowerPoint at libreng merienda.

• Independent auditors at civil society: Dapat may environmental at performance audits na walang financial relationship sa developers o locators. Hindi puwedeng ang kumpanya rin ang magbibigay ng exam, sasagot at magche-check ng sarili nitong papel.

• Media at publiko: Sundan ang permits, annexes, procurement, water rights, power requirements, violations at supply chain. Huwag magpaloko sa futuristic render, AI font at ribbon-cutting. Ang tunay na development ay may numero, deadline, audit at mananagot.

Mukhang hindi na sapat ang simpleng “No to Pax Silica.” Kapag itinulak ito ng gobyerno, ang tungkulin natin ay tiyaking walang secret deal, walang blank check, walang libreng polusyon at walang industrialization na Pilipino ang lupa, tubig at pawis pero banyaga ang kaalaman at tubo.

Ang sukatan ay simple: umaangat ba ang Pilipino sa value chain, napoprotektahan ba ang kalikasan at komunidad, at nananatili bang sakop ng batas ng Pilipinas ang bawat kumpanyang papasok?

Kapag umabot na sa SONA, hindi na sapat ang pumalakpak o tumutol—oras nang bantayan ang bawat kontrata, permit at pangako.

29/07/2026

PARA KANINO KA, PAX SILICA?

Minamadali umano ng Marcos administration ang Pax Silica initiative kahit hindi pa malinaw sa taumbayan ang buong detalye.

Kaya nananawagan ngayon ang ilang mambabatas na imbestigahan ito sa Kamara.

Kabilang dito sina Akbayan party-list Reps. Percival Cendaña, Chel Diokno, at Dadah Kiram Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Kasabay nito, nagsanib-puwersa rin sina Caloocan City Rep. Egay Erice, ML Party-list Rep. Leila de Lima, at Albay Rep. Krisel Lagman para kuwestiyunin ang usaping ito.

Ang tanong ay simple:

Ano ang Pax Silica?
Sino ang makikinabang?
At bakit parang minamadali?

Kung para ito sa bayan, ipaliwanag sa bayan.

Bakit paulit-ulit pa rin  nangyayari ang ganitong pagBAHA sa Davao?Maraming pamilya sa Davao City ang paulit-ulit na nal...
25/07/2026

Bakit paulit-ulit pa rin nangyayari ang ganitong pagBAHA sa Davao?

Maraming pamilya sa Davao City ang paulit-ulit na nalulubog sa baha taon-taon.
────────────

Marami ang nagsasabing normal lang daw ito dahil sa mountain runoff at catch basin ang Davao City. Maaaring totoo iyon.

Pero hindi naman bago ang bundok. Hindi rin bago ang ulan.

Kung alam na pala natin ang problema, mas lalo dapat alam na rin natin ang solusyon.

Kaya nga tayo gumagastos ng bilyon-bilyong piso sa flood control dahil alam nating may mountain runoff, may malalakas na ulan, at may mga lugar na madaling bahain.

Ang flood control ay hindi para pigilan ang ulan.

Ang flood control ay para hindi umabot sa loob ng bahay ng tao ang baha.

Kaya ang tanong ko ay simple:

"Kung ganito pa rin ang nangyayari, gumagana ba talaga ang sistema?"

Bilang residente ng Davao City, hindi ako naghahanap ng palusot. Ang hinihingi ko ay resulta.

Hindi ang dami ng proyekto ang sukatan ng flood control. Ang sukatan ay kung ilan ang pamilyang hindi na binabaha.


Isang Gr 3 na babaeng estudyante sa Lapu-Lapu Elementary School, Davao ang namatay dahil sa marahas na pambuBully ng mga...
23/07/2026

Isang Gr 3 na babaeng estudyante sa Lapu-Lapu Elementary School, Davao ang namatay dahil sa marahas na pambuBully ng mga kaklase🥺

Ayon sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP, CSWDO, at DepEd para malaman ang totoong nangyari May mga alegasyon na hindi lamang isa kundi tatlong bata ang umano'y sangkot sa pananakit kay Jayra, ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng mga awtoridad.

Si Jayra ay pumanaw matapos makatanggap ng suntok sa ulo ng ilang kaklase. Ang bata ay nilagnat diumano pag-uwi niya sa bahay mula sa paaralan kaya agad siyang dinala sa doktor. Doon ay napag-alamang may namuong dugo sa kanyang utak. Sa kabila ng mga isinagawang pagsusuri at pagbibigay ng pangunahing lunas, kalaunan ay binawian din siya ng buhay.

Papaanong ang ganito kabata at kaliit pa lamang na mga bata ay NAKAPATAY dahil sa pambuBully?

Tila hindi na nga ata ligtas sa paaralan ang ating mga anak...

Sino at saan nga ba ang ugat ng problema?



ISANG PAGKILALA👏👏👏
22/07/2026

ISANG PAGKILALA👏👏👏

NOT A BARRIER 💚🎓

Juan Alfonzo Pulhin Dacumos proved that excellence knows no boundaries after graduating Summa Cum Laude from De La Salle University.

Diagnosed with autism at 18, he once faced the stigma surrounding neurodivergence. Instead of letting it define him, he embraced who he is and transformed his unique strengths into academic success.

His inspiring journey reminds us that differences are not deficits—they are part of what makes each person extraordinary.

👉Read full story: bit.ly/JuanDacumos

20/07/2026

Isang habambuhay na pagkilala sa kabayanihan ng atletang si Bobet. Sining ni Alan Esclamado.


20/07/2026

BREAKING: A Filipino soldier was injured during a quick confrontation with China Coast Guard personnel in Ayungin Shoal in the West Philippine Sea early Monday, July 20.

17/07/2026

Ay napost!

Mabuting desisyon.Bunga ng kabutihan sa puso ng mga tao...God's hand in Rene's family.
17/07/2026

Mabuting desisyon.
Bunga ng kabutihan sa puso ng mga tao...
God's hand in Rene's family.

Talagang Hindi nila iniwan si rene,noong nalaman nang nanay ni rene na may binebentang bahay malapit Kung saan nakalibing si rene ay binili agad ng nanay ni rene ito, para malapit lang sila na buong pamilya sa mga labi ni rene, at ang pinang bili nila ay galing sa lahat ng tulong na natanggap nila.❤️

Address

Baguio City
2600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tindig Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share