11/11/2025
DISASTERS ARE STATE-SPONSORED CRIMES! DISASTERS ARE STATE-ALLOWED VIOLENCE AGAINST VULNERABLE SECTORS.
Ang matinding hagupit ng kalikasan ay hindi lamang likas na trahedya; ito ay malagim na ganti sa krimen ng kapabayaan at sa walang-sawang pagkagahaman ng mga nasa kapangyarihan at ng sistemang kapitalista.
Dahil sa kanilang pikit-matang katiwalian at pagpapaubaya sa mapaminsalang pagmimina, logging, at land conversion, hindi ginampanan ng gubyerno ang kanyang State Responsibility na protektahan ang mamamayan at ang kalikasan.
Ang bigat ng krisis ay laging bumabagsak sa mga pinakabulnerableng sektor, lalo na sa ating mga kababaihan, na bukod sa kapahamakan ay lantad pa sa karahasan at pang-aabuso.
Ang bawat disaster ay hindi aksidente—ito ay gawa ng mga lumabag sa batas. Ito ay pananagutan ng Estado. Kaya't ang gobyerno at ang mga gahaman sa salapi at posisyon ang dapat managot, singilin, at kasuhan sa ilalim ng batas para sa bawat buhay na nawala, bawat kapahamakang dinanas, bawat kabuhayang winasak, at sa pagkabigong tuparin ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang buhay at karapatan ng mamamayan.
SINGILIN! PAGBAYARIN!
Series 9