31/10/2025
BARANGAY ASSEMBLY DAY
Oktubre 27, 2025 | 2:00 ng hapon
2nd Semester, CY 2025
Na may temang:
โAraw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon Ating Talakayin Ngayong Barangay Assembly!โ
Isang mainit at makabuluhang pagtitipon ang ginanap sa Barangay Capuluan Tulon bilang bahagi ng taunang Barangay Assembly Day. Pinangunahan ito ng ating Punong Barangay Kapt. Pablito C. Macatangay kasama ang mga Kagawad, SK Chairperson, mga Barangay Health Workers (BHWs), mga Tanod, Lupon Tagapamayapa, mga Staff, at lahat ng empleyado ng barangay na nagsilbing haligi ng ating komunidad.
Layunin ng assembly na ipabatid sa mga mamamayan ang mga programa, proyekto, at mga gawaing naisakatuparan ng barangay sa nagdaang semestre, gayundin ang mga planong isasagawa sa mga darating na buwan. Sa ilalim ng temang ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikibahagi ng bawat mamamayan sa pagtukoy ng mga solusyon at pagsasagawa ng mga konkretong aksyon para sa kapakanan ng lahat.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa โ mula sa mga opisyal, empleyado, at higit sa lahat, sa ating mga kabarangay na patuloy na nagbibigay ng tiwala at suporta sa mga proyekto ng ating pamahalaang barangay.
Isang espesyal na pasasalamat din sa ating mga naging tagapagbigay ng pa-raffle at mga papremyo na nagdagdag saya at sigla sa ating pagtitipon:
๐ ๐๐
at sa lahat ng iba pang nagbahagi ng tulong at suporta.
Ang araw na ito ay hindi lamang simpleng pagtitipon, kundi isang patunay ng pagkakaisa at malasakit ng bawat Capuluanin. Sa tulong at pakikilahok ng lahat, patuloy nating maitataguyod ang isang barangay na maayos, maunlad, at tunay na naglilingkod sa tao.
Muli, maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa!
Sama-sama nating ipagpatuloy ang ating misyon tungo sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas nagkakaisang Barangay Capuluan Tulon! ๐