10/05/2026
Alisagwe at Takip-silim
Akda ni: Cher Zel
Ginising sa amoy ng ginisang bawang at sibuyas
Ingay ng aso't manok kasabay ng bunganga ni inay
Madilim pa ang umaga ngunit siya'y gising na
Naglalako at naghahanap ng panlaman sa sikmura.
Pero sila ay hindi pare-pareho,iba-iba ang kanilang kuwento
May inang nagsimula sa kasalatan,kahit anong hirap basta pamilya ay maigapang
Mayroon namang inang sintayog ng bituin kung mangarap,minsan pangarap na suntok sa buwan
Ngunit sa kabila ng pagod at kahirapan, hindi nila iniinda ang sakit ng katawan
Matugunan lang ang lahat ng pangangailangan.
Mayroon ding kuwento, isang inang malayo
Hindi man araw-araw nagkikita pero kapakanan ng anak ang sinisigurado.
Bawat ina ay kakaiba, yung iba salat sa buhay pero mayaman naman sa pagmamahal, patnubay at gabay
Ngunit, kabaliktaran sa ibang ina— mayaman nga sa salapi pero puno ng pighati.
Alalahanin din natin ang mga g**o na nagsilbing magulang at ina
Patuloy na nagmamahal at gumagabay sa ating mga anak sa eskwela
Ganoon din sa mga titang ina, hindi man sila ang nagluwal ngunit bukal sila magmahal.
Huwag din kalimutan, mga haligi ng tahanan
Minsan sila ang pumupuno sa kakulangan ng isang ina
Kaya sa mga tatay na naging mama at nanay
Kami ay saludo sa inyong lakas at tibay.
Kaya sa lahat ng mga nanay na tinuturing nating tagabantay
Mula alisagwe hanggang takip-silim sila ay nakasubaybay
Hindi man kayo perpekto ngunit wala kami,kung wala kayo
Isang maligayang araw ng mga ina sa inyo!