21/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ผ๐ข๐: ๐๐๐๐๐ฉ ๐ฅ๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ
Sa bawat tahanan, may isang taong tahimik na nagsisilbing haligi at kalasag ng pamilyaโang ama. Tulad ng isang matibay na haligi, siya ang nagbibigay ng lakas at katatagan upang manatiling buo ang tahanan sa kabila ng mga pagsubok. At tulad ng isang kalasag, handa siyang harapin ang anumang panganib at sakripisyo upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay.
Hindi madali ang pagiging ama. Marami sa kanila ang gumigising nang maaga at umuuwi nang pagod upang matiyak na may pagkain sa hapag at may magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Bagamaโt hindi palaging naipapahayag sa salita ang kanilang pagmamahal, makikita ito sa bawat sakripisyo, pagsisikap, at panahong inilalaan nila para sa kanilang pamilya.
Ngayong Araw ng mga Ama, nararapat lamang na bigyang-pugay natin ang kanilang walang sawang pagmamahal at dedikasyon. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang lakas ng pamilya, at sa kanilang puso matatagpuan ang pagmamahal na walang kapantay. Hindi lamang ang mga bayolohikal nating ama, kundi pati na rin ang mga taong walang karelasyon sa atin ngunit tumindig bilang ating magulangโmga g**o, mga kakilala, at mga magulang ng iba na tinrato tayo na sarili nilang anak.
Ipagdiwang natin ang mga ama na nagsisilbing haligi ng ating mga pangarap at kalasag ng ating kinabukasan. Ang pagiging ama ay higit pa sa isang titulo o papel sa pamilyaโito ay isang tahimik na panata na maging tulay upang marating ng kanyang mga anak ang kanilang mga pangarap, kahit pa ang sarili niyang mga paa ang mayayapakan. Ito ay ang pagiging unan sa bawat pagod, kalasag sa bawat panganib, at ang nag-iisang boses na magsasabing, "Huwag kang matakot, narito si Papa."
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐บ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ถ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป!
๐ ๐ข๐๐๐ก ๐๐: ๐พ๐๐๐ ๐. ๐๐ก ๐ฝ๐๐ค๐๐๐๐ ๐บ.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐.