01/05/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ, ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐-๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Ngayong Araw ng mga Manggagawa, kaisa ang Boy Scouts of the Philippines sa pagkilala at pagpupugay sa bawat manggagawang Pilipinoโanumang larangan, anumang tungkulin.
Hindi laging magaan ang laban. May mga araw na mahaba, mabigat, at puno ng pagsubok. May mga sakripisyong tahimik na pinipiling harapin para lamang maitawid ang araw at maitaguyod ang kinabukasan. At sa likod ng lahat ng ito, nananatiling matatag ang manggagawang Pilipino.
Bilang mga Iskawts, isinasabuhay natin ang sipag, malasakit, at pananagutan sa paraang may pakialam at may pagkilala sa tunay na kalagayan ng kapwa. Hindi lang sa pagtulong, kundi sa pagiging mulat, maunawain, at handang makiisa sa pagbuo ng mas makatarungan at makataong komunidad.