03/09/2026
𝟑𝟓 𝒀𝒆𝒂𝒓𝒔 𝒐𝒇 𝑮𝒓𝒂𝒄𝒆, 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝑵𝒊ñ𝒐!🤍
Noong August 30–31, 2026, nagtipon ang Sto. Niño de Molino Parish Youth Ministry (SNDM-PYM) para sa isang makabuluhang 𝟯𝟱𝘁𝗵 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗥𝗲𝘁𝗿𝗲𝗮𝘁 na may temang “𝗧𝗮𝘁𝗹𝘂𝗺𝗽𝘂’𝘁 𝗟𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗶𝘆𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱,” na ginanap sa La Valletta House of Prayer, Tagaytay City.
Sa loob ng dalawang araw, nagkaroon tayo ng pagkakataong huminto sandali mula sa ating mga gawain upang manalangin, magnilay, magpasalamat, at balikan ang mga biyayang naging bahagi ng ating 35-taong paglalakbay sa paglilingkod.
Taos-puso ang ating pasasalamat kay 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗠𝗮𝗹𝗹𝗮𝗿𝗶, 𝗖𝗥𝗦, sa kanyang paggabay at sa mga paalalang patuloy nating dadalhin sa ating buhay:
“𝙇𝙞𝙛𝙚 𝙞𝙨 𝙖 𝙜𝙞𝙛𝙩, 𝙡𝙞𝙛𝙚 𝙞𝙨 𝙖 𝙘𝙝𝙤𝙞𝙘𝙚.”“𝘿𝙤 𝙣𝙤𝙩 𝙛𝙚𝙖𝙧, 𝙙𝙤 𝙣𝙤𝙩 𝙙𝙤𝙪𝙗𝙩, 𝙙𝙤 𝙣𝙤𝙩 𝙗𝙚 𝙙𝙞𝙨𝙘𝙤𝙪𝙧𝙖𝙜𝙚𝙙.”
Sa 35 taon ng paglilingkod, hindi naging madali ang bawat hakbang. Ngunit sa bawat hamon, may biyaya; sa bawat pagsubok, may aral; at sa bawat pagkakataong maglingkod, naroon ang Diyos na patuloy na gumagabay. Nawa’y magsilbing liwanag, lakas, at inspirasyon ang retreat na ito upang ipagpatuloy natin ang ating misyon nang may pananampalataya, pagmamahal, at kagalakan.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nag-organisa, naglingkod, sumuporta, at nanalangin para sa makabuluhang pagdiriwang na ito.
𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝟑𝟓𝐭𝐡 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲, 𝐒𝐍𝐃𝐌-𝐏𝐘𝐌. Sa mga darating pang taon, patuloy tayong lumakad kasama at sa gabay ng ating mahal na Poong Señor Sto. Niño de Molino. 🥳✨
𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗴𝗹𝗼𝗿𝘆!