05/08/2026
Inaanyayahan at hinihikayat ang lahat ng mga magulang na makiisa sa Ligtas Tigdas Vaccination at Vitamin A Supplementation para sa ating mga kabataan.
Sino ang maaaring magpabakuna at tumanggap ng Vitamin A?
Mga batang 6 na buwang gulang hanggang 59 buwan (bago mag-5 taong gulang).
Petsa ng Bakunahan:
August 10 to August 28, 2026
Ang pagbabakuna laban sa tigdas at pagbibigay ng Vitamin A ay mahalaga upang mapanatiling malusog, ligtas, at protektado ang ating mga anak laban sa mga sakit at kakulangan sa nutrisyon.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan. Inaasahan ang pakikiisa at suporta ng bawat magulang para sa mas ligtas at mas malusog na komunidad.