06/10/2026
Field Demonstration by the Dulong Bayan Senior Citizens Association. HAPPYFiesta!
Salubungin natin ng naglalagablab na palakpakan para sa DULONG BAYAN SENIOR CITIZENS ASSOCIATION (DBSCA)! 22 kalahok LAHAT syempre senior citizens! edad mula 60 hanggang 90 pataas, at LAHAT taga Dulong Bayan
narito ang mga opisyal, volunteers, at miyembrong walang pag-iimbot na naglilingkod sa mga senior citizens ng ating Barangay mula pa noong 2023.
Bawal ang awat! Sa kabila ng rayuma, pawis, at mga maintenance, narito sila ngayon upang sumayaw, mag-alay ng saya, at magsilbing inspirasyon sa mga kabataan. Ipakita nating buhay na buhay ang kulturang Pilipino ng Bacoorenong Caviteno ang tradisyong Karakol ng ating simbahan sa ating Barangay Dulong Bayan .
Salubungin natin sila ng palakpakan at panalangin!