Light Creative Media

Light Creative Media Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Light Creative Media, Youth Organization, Bacoor.

Light Creative Media is the official content provider and social media arm of the IFI Nuestra Señora del Santissimo and Saint Michael the Archangel Parish in Barangay Molino 2, Bacoor City, Cavite.

14/09/2025

IKALABINGAPAT NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTEKOSTES | 14 SETYEMBRE 2025

Starting August 23, 2025, all Holy Mass livestreams will be streamed exclusively on our main page: Iglesia Filipina Inde...
22/08/2025

Starting August 23, 2025, all Holy Mass livestreams will be streamed exclusively on our main page: Iglesia Filipina Independiente. Please join us there for our online celebrations and updates.

Tayo ay mapalad na kinilala ng IFI Page Gallery ang ating art card para sa pagdiriwang ng ika-123 ng pagkakatatag ng ati...
03/08/2025

Tayo ay mapalad na kinilala ng IFI Page Gallery ang ating art card para sa pagdiriwang ng ika-123 ng pagkakatatag ng ating Simbahan.

Mabuhay ang Iglesia Filipina Independiente!

Address

Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Light Creative Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Light Creative Media:

Share

Ang Simula ng Iglesia Filipina Independiente sa Molino

Ang pagkakatatag ng Iglesia Filipina Independiente, na lalong kilala sa tawag na “Simbahang Aglipayano”, ay bunga ng mithiin ng mga Pilipino na mabuhay ng malaya at nagsasarili hindi lamang sa politikal na pamumuhay kung hindi maging sa pang-espirituwal na pamumuhay. Sapagkat sa loob ng mahigit kumulang tatlong daang taon ang Pilipinas ay nasakop at napasailalim sa pamamahala ng mga Kastila. Dahil sa layuning maging malaya, itinatag ni Isabelo de los Reyes sa isang pulong ng Union Obrero Democratico ang IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE na agad lumaganap sa iba’t-ibang lalawigan kabilang na ang lalawigan ng Cavite.

Kaugnay nito, ang mga mamamayan ng Molino na noong nakaraang panahon ay nabubuhay lamang sa pagsasaka ay nagsikap ring magkaroon ng isang simbahan. Subalit ang layunin ng pagsisikap na ito ay hindi upang bumukod o tumiwalag sa katedral ng Bacoor, kundi upang higit pang mapalaganap at mapasigla ang simbahang Aglipayano. Sapagkat ang Molino ay lubhang napakalayo sa bayan at kakaunti pa ang sasakyan patungo doon, kaya ang mga tao ay madalang makapagsimba at dahil sa karamihan sa mga taga-Molino ay magsasaka, na noong mga panahong iyon ay umaasa lamang sa ulan para sa kanilang mga patubig sa bukirin, naging higit ang kanilang adhikain na magkaroon ng isang simbahan para sa kanilang pananalangin at pagpapasalamat sa Panginoon, para sa lahat ng mga biyayang nakakamit nila kagaya ng masaganang ani.

Sa pamumuno ni G. Emiliano Legaspi, at sa pagtutulong-tulong ng ilang taga-Molino gaya nina Kap. Eligio Parales, G. Felipe Timbang, G. Isidro Calinga, G. Cosme Mascardo, G. Pedro Arciaga Sr. at sa kagustuhan na rin ng mga mamamayan ng Molino ay ginanap ang unang Banal na Misa sa garahe nina G. at Gng. Emiliano Legaspi noong Nobyembre 20, 1965. Nang sumunod na tao ay doon pa rin ginanap ang pagmimisa. Dito ay nagkaroon na ng pagbibinyag at pagkukumpil. Dahil sa tagumpay ng unang dalawang pagmimisa at dahil na rin sa kagustuhan magkaroon ng isang pirmihang bahay dalanginan, silay ay nagtulong-tulong upang makapagpagawa ng isang maliit na kapilya, nangako naman ang yumaong Rev. Fr. Jose Montenegro na tutumbasan niya ng ganoon ding halaga ang bawat malilikom ng mga namumuno. Taong 1967, naipagawa ang isang maliit na kapilya sa lupa nina G. at Gng. Julian Zaragoza. Noong taong ding iyon, inilipat ang petsa ng pagdiriwang sa huling linggo ng Oktubre na siyang sinusunod hanggang ngayon. Kaugnay pa rin ng nasabing pagpipista, ang mga imahen ng San Miguel Arkanghel at Birhen ng Sto. Rosario sa katedral ng Bacoor ang siyang hinihiram tuwing sasapit ang araw ng kapistahan, ngunit pagkalipas ng ilang taon ay nakapagpagawa ng imahen ng San Miguel sa pamamagitan ng salaping pinagtulung-tulungang malikom ng mga kasapi ng simbahan. Ang imahen naman ng Sto. Rosaryo ay kaloob nina G. at Gng. Jacinto Camantigue bilang pagtupad sa isang pangako.

Taong 1982, nagkaroon ang gobyerno ng isang proyektong “road-widening”, naapektuhan ang kapilya at ito’y nasira. Ang mga kasabi ay naghanap ng panibagong lugar na pagtatayuan ng bagong kapilya. Ang kasalukuyang lupang kinatatayuan ng kapilya ay kaloob ni Dr. Antero Soriano at nang may-ari ng Kalayaan Homes I. Ang bagong kapilya na higit na mas malaki kaysa dati ay naitayo sa pamamagitan pa rin ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng mga tao sa Molino at sa tulong parin ng mga kapatid sa pananampalataya sa bayan ng Bacoor kagaya nina Kap. Victor Miranda, Engr. Evaristo del Mundo, Dra. Landas, Engr. Espiritu, Atty. Ricardo Fernandez, atbp. Sila ay ilan lamang sa napakaraming taong naghandog ng pinansiyal na tulong para sa pagpapagawa ng bagong kapilya.