19/11/2025
Dumalo ang PYAP Bacoor sa Capacity Building Enhancement for Youth Leadership and Development na inorganisa ng PYAP Provincial! ๐โจ
Isang malaking karangalan para sa atin na maging bahagi ng programang ito na layuning palakasin ang kakayahan, kumpiyansa, at kaalaman ng mga kabataan sa larangan ng pamumuno at paglilingkod. Sa pamamagitan ng mga ibinahaging kaalaman at workshop, mas naging malinaw ang ating tungkulin bilang kabataang lider na magsisilbi nang tapat at may malasakit sa komunidad.
Kinatawan ng PYAP Bacoor ang ating mga bagong opisyal:
๐น Kenneth Keliste, President
๐น Saphire Rosal, Secretary
Lubos ang ating pasasalamat sa kanilang aktibong partisipasyon at dedikasyon sa pagrepresenta sa kabataang Bacoor. Ang kanilang presensya ay patunay na patuloy na lumalakas ang boses at pagkakaisa ng ating lokal na youth organization.
Mula sa PYAP Bacoor, patuloy tayong magtutulungan, matututo, at lilikha ng mga programang makakatulong para sa ikauunlad ng kabataan. Sama-sama nating itaguyod ang mas makabuluhan at progresibong kinabukasan. ๐๐ซ