Laging Kaakibat Youth Movement - Bacoor

Laging Kaakibat Youth Movement - Bacoor Official page of the Laging Kaakibat Youth Movement - Bacoor

๐Ÿ“ข CLASS SUSPENSION ADVISORYThursday, August 6, 2026Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalal...
05/08/2026

๐Ÿ“ข CLASS SUSPENSION ADVISORY
Thursday, August 6, 2026

Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalalakas ng Bagyong MAYMAY, at inaasahang magdudulot ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan sa Lalawigan ng Cavite, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan ngayong Huwebes, August 6, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na unahin ang kanilang kaligtasan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, ng inyong lokal na pamahalaan, at ng mga kinauukulang ahensya.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan ang ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po at mag-ingat ang lahat. ๐Ÿ’™

05/08/2026
Nakiisa ang Laging Kaakibat Youth Movement (LKYM) sa ginanap na "Better Days" Youth Mental Health Caravan sa SM Molino, ...
01/08/2026

Nakiisa ang Laging Kaakibat Youth Movement (LKYM) sa ginanap na "Better Days" Youth Mental Health Caravan sa SM Molino, isang makabuluhang programa na naglalayong itaguyod ang kamalayan sa kahalagahan ng mental health at kabuuang kapakanan ng kabataan.

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga ganitong inisyatiba at pagtataguyod ng isang komunidad na may malasakit, pag-unawa, at pagkalinga sa kapwa. Naniniwala tayo na ang isang malusog na pag-iisip ay mahalagang pundasyon ng isang mas matatag, masaya, at produktibong kabataan.

BACOOR ASSEMBLY 1898 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa paggunita ng Ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Paglalathala at Pagtatataguyod ng Kasarinlan ng Pi...
01/08/2026

BACOOR ASSEMBLY 1898 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa paggunita ng Ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Paglalathala at Pagtatataguyod ng Kasarinlan ng Pilipinas, buong pagmamalaking nakiisa ang Lungsod ng Bacoor sa pagdiriwang ng ating mayamang kasaysayan at diwa ng kalayaan.

Ang paglalathala ng Proklamasyon ng Kalayaan ay naging mahalagang hakbang sa pagkilala ng sambayanang Pilipino sa ating kasarinlan. Nawa'y magsilbi itong paalala sa bawat isa na patuloy nating pangalagaan ang ating kalayaan, ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan.

Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!

Sa trabaho natin sa Kongreso hanggang sa mga gawain natin sa ating distrito, iisa ang laging iniisip ng inyong Ate Lani:...
30/07/2026

Sa trabaho natin sa Kongreso hanggang sa mga gawain natin sa ating distrito, iisa ang laging iniisip ng inyong Ate Lani: Paano natin mapapabuti ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino? ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Nitong nakaraang First Regular Session ng 20th Congress, patuloy nating isinulong ang mga panukalang batas na nakatuon sa mga bagay na mahalaga sa inyo: youth and education, housing, technology and digital connectivity, environment and food security, social welfare and protection, workers' welfare, at pati na rin tax and good governance.

Ang bawat panukala ay bunga ng pakikinig sa mga karanasan, pangangailangan, at pangarap ng ating mga kababayan. Pinagsisikapan ng inyong Ate Lani na gawin ang lahat ng ating makakaya upang makamtan ng lahat ang inaasam na buhay para sa sarili at para sa ating mga minamahal.

Inaanyayahan ko kayong basahin ang ilan sa mga panukalang batas na ito at iba pang mga nagawa ng ating tanggapan. Marami pa tayong gustong maisakatuparan, at ang inyong tiwala ang nagbibigay sa inyong Ate Lani ng lakas na patuloy na maglingkod sa inyo.

๐Ÿ๐Ÿ”ฅ 2-0 CONGRATULATIONS, LKYM SANG'GRES VBALL TEAM! ๐Ÿ”ฅ๐ŸMULING NAGWAGI ANG LKYM SANG'GRES! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›Isa na namang panalo ang naita...
26/07/2026

๐Ÿ๐Ÿ”ฅ 2-0 CONGRATULATIONS, LKYM SANG'GRES VBALL TEAM! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ

MULING NAGWAGI ANG LKYM SANG'GRES! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Isa na namang panalo ang naitala ng ating koponan sa kanilang ipinakitang matinding determinasyon, disiplina, at walang sawang teamwork sa loob ng court. ๐Ÿ’ช

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong sipag sa ensayo, tiwala sa isa't isa, at pusong palaban sa bawat rally. Patuloy ninyong pinapatunayan na ang tunay na lakas ay nagmumula sa pagkakaisa at dedikasyon.

17/07/2026

PROUD BACOOREร‘O! ๐Ÿฅ๐ŸŽบ๐ŸชŠ

Members of Banda El Gobernador and the United Musicians of Bacoor performed in France as part of the Bandafolieโ€™s Festival in Bessines-sur-Gartempe.

The Bacoor delegation consisted of 58 representatives, led by Bacoor Mayor Strike B. Revilla and musical director Jessee Sarino San Miguel. Shown here is a performance by the delegation near the Eiffel Tower.

The group joined nine other bands from different countries in a series of performances, parades, and cultural exchanges held from July 10 to 14, 2026. According to the City Government of Bacoor, the delegation was the only participating band from Asia.

๐Ÿ“น: Contributed video

๐Ÿพ NO PETS LEFT BEHIND ๐Ÿถ๐ŸฑAng mga alagang hayop ay hindi lamang basta alaga, sila ay bahagi ng ating pamilya. Tulad natin,...
10/07/2026

๐Ÿพ NO PETS LEFT BEHIND ๐Ÿถ๐Ÿฑ

Ang mga alagang hayop ay hindi lamang basta alaga, sila ay bahagi ng ating pamilya. Tulad natin, nakakaramdam din sila ng takot, gutom, sakit, at pangungulila.

Sa panahon ng kalamidad, paglikas, o anumang pagsubok, huwag natin silang iwan. Isama sila, iligtas sila, at alagaan sila.

Ang tunay na malasakit ay walang iniiwang buhay.

Address

San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laging Kaakibat Youth Movement - Bacoor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share