23/07/2025
๐ข๐ฅ๐๐ง๐๐ข ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ด๐ข ๐จ๐ช๐ต๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ๐ฅ๐ถ๐ญ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ฐ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ด๐ต๐ท๐ช๐ญ๐ญ๐ฆ ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฐ๐ณ
MANALANGIN TAYO:
Amang Makapangyarihan,
itinataas namin sa Iyo ang aming mga puso
nang may pasasalamat sa ganda ng Iyong nilikha,
kaisa na rin kami, sa Iyong kabutihan,
sa pagkakaloob ng aming mga pangangailangan,
at sa Iyong karunungan na gumagabay sa landas ng buhay.
Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa Iyo
at sa buong sangnilikha.
Hindi kami naging mabuting tagapangasiwa ng Kalikasan.
Hindi kami tumupad sa Iyong atas na pangalagaan ang mundo.
Ang kalikasan ay dumaranas ng hirap
dahil sa aming kapabayaan,
at ngayon ay nagbunga ang aming pang-aabuso
at kawalan ng malasakit.
Umiinit na ang mundo. May mga bagyo, pagbaha,
pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad
ang patuloy naming nararanasan.
Nagsusumamo kami sa Iyo, Amang Mapagmahal,
at pagkalooban kami ng kapatawaran sa aming mga sala.
Hinihiling namin na kami,
sampu ng aming mga mahal sa buhay,
at ng aming mga pinaghirapan
ay malayo sa anumang banta ng kalamidad,
maging likas man o kagagawan ng tao.
Nawa'y gisingin Mo ang lahat na lumago
sa pagiging mabuting katiwala ng Iyong nilikha,
at maging mapagbigay sa mga nangangailangan.
Amen.
San Josรฉ Manggagawa,
ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz,
ipanalangin mo kami.