Rotary Club of Bacoor D3810

Rotary Club of Bacoor D3810 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rotary Club of Bacoor D3810, Nonprofit Organization, Daang Hari Road, Bacoor.

Chartered on June 21, 1993, the Rotary Club of Bacoor has spent 33 years transforming lives through humanitarian service, guided by Rotary Internationalโ€™s motto, โ€œService Above Self.โ€

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Pagbati sa Friends of Ursulines sa matagumpay na Dinner for a Cause Fundraising Event na ginanap noong Setyembr...
29/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Pagbati sa Friends of Ursulines sa matagumpay na Dinner for a Cause Fundraising Event na ginanap noong Setyembre 26, 2026, sa Brittany Palazzo!

Nakakatuwang maging bahagi ng isang makabuluhang adhikain na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga social service projects ng mga Madre at sa kanilang patuloy na paglilingkod sa mga nangangailangan.

Maraming salamat sa pagkakataong makiisa at maging bahagi ng napakagandang layuning ito.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Isang mainit na pagbati sa Rotary Club of Imus Independencia sa matagumpay na pagdaraos ng kanilang 20th Handov...
26/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Isang mainit na pagbati sa Rotary Club of Imus Independencia sa matagumpay na pagdaraos ng kanilang 20th Handover and 21st Induction Ceremony, na ginanap kahapon, Setyembre 25, 2026, sa Tanza Oasis Hotel & Resort, Cavite.

Nawaโ€™y maging simula ito ng panibagong taon ng makabuluhang paglilingkod, pagkakaisa, at pangmatagalang epekto sa komunidad.

๐๐š๐ค๐š-๐จ๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐’๐จ๐ฎ๐ฏ๐ž๐ง๐ข๐ซ ๐Œ๐š๐ ๐š๐ณ๐ข๐ง๐ž ๐ง๐  ๐‘๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐œ๐จ๐จ๐ซ!Tuklasin ang mga kwento ng serbisyo, inspirasyo...
23/09/2026

๐๐š๐ค๐š-๐จ๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐’๐จ๐ฎ๐ฏ๐ž๐ง๐ข๐ซ ๐Œ๐š๐ ๐š๐ณ๐ข๐ง๐ž ๐ง๐  ๐‘๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐œ๐จ๐จ๐ซ!

Tuklasin ang mga kwento ng serbisyo, inspirasyon, tagumpay, at makabuluhang mga proyekto na bumubuo sa Rotary Club of Bacoor.

Bilang bahagi ng aming 34th Induction Ceremony, inaanyayahan namin kayong silipin, bisitahin, at basahin ang aming opisyal na Souvenir Magazine. Kilalanin ang aming mga lider, mga katuwang sa paglilingkod, at ang mga programang patuloy na lumilikha ng positibong pagbabago sa komunidad.

๐Ÿ“ฑ I-scan lamang ang QR Code o i-click ang link upang mabasa ang digital copy: https://online.flippingbook.com/view/80256815/

Maging bahagi ng aming kwento ng Dangal sa Paglilingkod, Talino sa Pamumuno, at Diwa ng Pagkakaisa.

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐€๐ฅ๐š๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ: Isa sa mga pinakamatinding sandali ng ika-34 na ...
22/09/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐€๐ฅ๐š๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ: Isa sa mga pinakamatinding sandali ng ika-34 na Induction Ceremony ng Rotary Club of Bacoor ay ang pagbibigay ng mga munting regalong puno ng kahulugan bilang tanda ng aming taos-pusong pasasalamat sa pagdalo at presensya ni
Rotary International District 3810 District Governor Maria Rosa โ€œBingโ€ Carrion.

Kabilang sa mga handog na ito ang isang natatanging likhang-sining ni Bb. Lorz - Beracis Musical Artsโ€”isang obra na naglalarawan sa isang magsasaka, si Mang Christopher. Higit pa sa isang larawan, ito ay sumasalamin sa tahimik ngunit marangal na buhay, sakripisyo, at walang kapantay na sipag ng ating mga magsasaka na araw-araw na nagsisilbing haligi ng ating bayan. Sa bawat guhit at kulay ay nakaukit ang kwento ng pagtitiyaga, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa.

Lubos ang aming pasasalamat kay District Governor Bing sa kanyang taos-pusong pagpapahalaga sa aming mga simpleng handog. Nawaโ€™y magsilbi ang mga ito hindi lamang bilang alaala ng isang makabuluhang gabi, kundi bilang simbolo ng pagmamahal, paggalang, at pagkakaisang iniaalay ng Rotary Club of Bacoor para sa kanya at sa buong District 3810.

Sa aming mga puso, ang mga regalong ito ay higit pa sa mga bagay na maibibigayโ€”ito ay munting piraso ng aming pasasalamat, pagkilala, at taos-pusong pagmamahal para sa isang pinunong patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Rotarian na lumikha ng pangmatagalang epekto sa buhay ng iba.

๐ƒ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ, ๐“๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ, ๐š๐ญ ๐ƒ๐ข๐ฐ๐š: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐: Sa kanyang kauna-unahang mensahe bilang opisyal na Pangulo ng Rot...
21/09/2026

๐ƒ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ, ๐“๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ, ๐š๐ญ ๐ƒ๐ข๐ฐ๐š: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐: Sa kanyang kauna-unahang mensahe bilang opisyal na Pangulo ng Rotary Club of Bacoor, buong puso at pagpapakumbaba na ibinahagi ni ICP Boris Penn D. Maghinang ang kanyang kuwento ng paglilingkodโ€”isang paglalakbay na hinubog ng mga karanasan, inspirasyon, at mga taong naging bahagi ng kanyang buhay sa Rotary.

Higit sa lahat, kanyang inihayag ang isang pangakong hindi lamang para sa kanyang pamumuno, kundi para sa bawat isa na kasama niya sa adhikain: ang maglingkod nang may DANGAL, mamuno nang may TALINO, at magbuklod nang may DIWA NG PAGKAKAISA.

Sa bawat proyektong ilulunsad, bawat hamong haharapin, at bawat buhay na maaabot, bitbit niya ang paniniwalang ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa pusong handang maglingkod at sa legasiyang maiiwan para sa susunod na henerasyon.

Kasabay ng kanyang pangako ang buong pusong suporta ng pamunuan at mga miyembro ng Rotary Club of Bacoorโ€”nagkakaisang lakas, puso, at paninindigan upang maisakatuparan ang mga proyektong magbibigay ng makabuluhang pagbabago at magpapatuloy sa isang legasiyang higit pa sa isang taon ng pamumuno.

Isang bagong kabanata. Isang bagong paglalakbay. Isang pusong naglilingkod.

DANGAL sa Paglilingkod.
TALINO sa Pamumuno.
DIWA ng Pagkakaisa.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Sa ikaapat na magkakasunod na taon, muling nakiisa ang Rotary Club of Bacoor, sa pangunguna ni ICP Boris Penn M...
20/09/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Sa ikaapat na magkakasunod na taon, muling nakiisa ang Rotary Club of Bacoor, sa pangunguna ni ICP Boris Penn Maghinang, sa simultaneous ng City of Bacoor sa Maliksi I, Bacoor, Cavite, noong Setyembre 19, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng .

Taon-taon, ang pakikilahok na ito ay hindi lamang pagkakataong makapagbigay ng tulong, kundi nagsisilbi ring paalala kung gaano pa karami ang kailangan nating gawin upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.

Sa isinagawang cleanup, malaking bahagi ng nakolektang basura ay mga diaper, plastic packaging, at bubble wrap mula sa parcel deliveries. Maaaring pangkaraniwan lamang ang mga ito sa ating mga tahanan, ngunit kapag hindi maayos na naitatapon, maaari silang mapunta sa ating mga daluyan ng tubig at karagatanโ€”na nakaaapekto sa marine life at sa ating mga pinagkukunan ng pagkain.

Ngayong taon, tinatayang 400 kilos ng basura ang nakolekta. Malinaw at kapansin-pansin ang dami ng basura, at nagsisilbi itong paalala na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang para sa isang araw ng cleanup. Nagsisimula ito sa ating mga pang-araw-araw na desisyonโ€”paggamit ng mas kaunting plastic, tamang pagtatapon ng basura, at pagiging mas responsable sa ating pagkonsumo.

Apat na taon ng sama-samang paglahok, paglilingkod, at pagkilos para sa ating kalikasan. Nawaโ€™y marami pang taon ang ating piliing magmalasakit, kumilos, at maging bahagi ng pagbabago.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐Œ๐ข๐๐ญ๐จ๐ฐ๐ง ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Ÿ’๐Ÿ๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ! At isang taos-pusong pagbati kay ...
17/09/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐Œ๐ข๐๐ญ๐จ๐ฐ๐ง ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Ÿ’๐Ÿ๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ! At isang taos-pusong pagbati kay ICP Julia Miranda sa muling pagtanggap ng tungkulin bilang Pangulo ng club para sa kanyang ikalawang termino. Nawaโ€™y maging makabuluhan, makulay, at puno ng serbisyo ang panibagong yugto ng inyong pamumuno.

Congratulations, Rotary Club of Manila Midtown! Mabuhay ang Rotary! ๐Ÿซถ๐Ÿป๐Ÿ™Œ๐Ÿป

๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š ๐ง๐  ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ, ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š: Pormal na nanumpa at naluklok ang mga bagong opisyal at direktor ng Rotary Clu...
14/09/2026

๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š ๐ง๐  ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ, ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š: Pormal na nanumpa at naluklok ang mga bagong opisyal at direktor ng Rotary Club of Bacoor para sa Rotary Year 2026โ€“2027 sa pangunguna ni Impact Creating President Boris Penn D. Maghinang sa isang makabuluhang seremonya na dinaluhan ng mga Rotarian, panauhin, at mga katuwang sa serbisyo.

Pinangunahan ni District Governor Maria Rosa โ€œBingโ€ Carion ang panunumpa ng mga opisyal habang si District Governor-Elect Jun Passion naman ang nagsilbing opisyal sa pagluluklok. Kabilang sa mga opisyal na nanumpa sina:

Kalihim โ€“ President Elect John Verlin Santos
Ingat-Yaman โ€“ PP Ariel Asinas
Tagasuri ng Pananalapi โ€“ PP Jay Jambalos
Tagapagpanatili ng Kaayusan โ€“PP Victorio Villanueva

Naluklok din ang mga tagapangulo ng ibaโ€™t ibang komite na mangunguna sa mga programa at proyekto ng samahan para sa taong panunungkulan.

Tagapangulo ng Komite sa Project Service โ€“ Rtn. Kristopher Jay Sabigan
Tagapangulo ng Komite sa Membership Development โ€“ IPP Dennis Calinog
Tagapangulo ng Komite sa Administration โ€“ Rtn. Bernard Paul Fajardo
Tagapangulo ng Komite sa Public Relations โ€“ Rtn. Sareena Margrette Frias
Tagapangulo ng Komite sa The Rotary Foundation โ€“ PP Adelbert Allan
Tagapangulo ng Komite sa Youth Service โ€“ Rtn. Paolo Anghelo Banayos

Sa ilalim ng temang โ€œDangal, Talino, at Diwa,โ€ muling pinagtibay ng Rotary Club of Bacoor ang pangako nitong maghatid ng makabuluhang serbisyo at lumikha ng pangmatagalang epekto sa komunidad.

๐‡๐ฎ๐  ๐จ๐Ÿ ๐‡๐จ๐ฉ๐ž โ€” ๐’๐ž๐š๐ฅ๐ž๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‹๐จ๐ฏ๐ž: May mga yakap na hindi kailangang manggaling sa mga bisig. Minsan, ito ay nasa anyo ng i...
10/09/2026

๐‡๐ฎ๐  ๐จ๐Ÿ ๐‡๐จ๐ฉ๐ž โ€” ๐’๐ž๐š๐ฅ๐ž๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‹๐จ๐ฏ๐ž: May mga yakap na hindi kailangang manggaling sa mga bisig. Minsan, ito ay nasa anyo ng isang munting stuffed toyโ€”malambot, simple, ngunit puno ng pagmamahal.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bisita ng aming 34th Induction Ceremony na naglaan ng oras at puso upang magdala ng stuffed toys para sa mga bata ng Bukal ng Kapayapaan.

Ang bawat regalong inyong iniabot ay naging munting yakap para sa mga batang nangangailangan ng kalinga, pagmamahal, at pag-asaโ€”mga batang inabandona at may cerebral palsy.

Sa aming Hug of Hope Project, ang mga stuffed toys na inyong ipinagkaloob ay naging higit pa sa mga laruan. Sila ay naging paalala na, kahit hindi natin sila personal na nakakasama araw-araw, may mga taong handang umalala, magmahal, at tumayo para sa kanila.

Kaya mula sa aming mga puso, maraming salamat. Dahil sa inyong kabutihan, mas maraming yakap ang naihatid, mas maraming ngiti ang nabuo, at mas maraming batang nakaramdam na sila ay hindi nag-iisa.

Isang munting regalo. Isang malaking yakap. Isang pangmatagalang impact.

Address

Daang Hari Road
Bacoor
4112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rotary Club of Bacoor D3810 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share