04/09/2026
πππ‘ππ’π‘ ππππ’ππ’π₯!
Namahagi ng Almusal ang Kaya Natin Youth Bacolor sa mga residenteng nasalanta sa Brgy. Tinajero, Bacolor, Pampanga na kasalukuyang ngayong naka-evacuate sa Sta. Barbara Elementary School, dahil mataas parin ang baha sa kani-kanilang mga tahanan.
Ang pamamahaging ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng tulong at pag alalay ng Tanggapan ni Sen. Bam Aquino. Taos-puso ang aming pasasalamat sa kanilang patuloy na pagtugon at pag alalay sa mga pangangailangan ng mga komunidad na nasalanta ng bagyo at malawakang pagbaha. Napakahalaga ng kanilang malasakit at agarang tulong upang maibsan ang hirap ng mga apektadong indibidwal at matulungan silang makabangon sa epektong dulot ng kalamidad.
Bastaβt sama sama KAYA NATIN!