31/08/2026
Tunay ngang nabalikan natin ang saya, kulay, at sigla ng dekada ’90 sa ating ginanap na Gabi ng Lahi 2026!
Mula sa mga kasuotang Barong Tagalog at Baro't Saya, mga paboritong tugtugin, hanggang sa mga alaalang hindi kumukupas—buhay na buhay ang diwa ng dekada ’90! 🎶💃🕺
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nagbihis, at nagbigay-saya sa ating espesyal na gabi. Ang inyong partisipasyon ang siyang nagpatibay sa tagumpay ng ating pagdiriwang. 💿
Baon natin ang masasayang alaala ng selebrasyong ito na nagpapatunay na ang saya ng dekada ’90 ay mananatili sa ating puso, kasabay ng ating pagmamahal sa wika at kulturang Filipino.
'sAtingBalikan