30/07/2026
Dalawang Araw na Kalahi Community Activities sa Barangay Water
Matagumpay na naisagawa ang 2-Day Kalahi Community Activities sa Barangay Water sa pakikipagtulungan ng ating mga BDC Members at mga masisipag na Community Volunteers.
π
Unang Araw
Validation of Community Profile
Community Walkthrough
Community Risk Mapping
π
Ikalawang Araw
Focused Group Discussion (FGD)
Participatory Resource and Vulnerability Assessment (PRVA) Workshop
Ang dalawang araw na gawaing ito ay hindi lamang naging isang mahalagang karanasan, kundi nagbigay rin ng dagdag na kaalaman sa lahat ng nakiisa. Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, mas naunawaan at natukoy natin ang mga suliranin, pangangailangan, at mga panganib na kinakaharap ng ating barangay upang mas mabigyan ang mga ito ng angkop na pagtugon.
Ang buong Sangguniang Barangay Water, sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay, Kgg. Evangeline Tolentino Banta ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga BDC Members at Community Volunteers na naglaan ng kanilang oras, pakikiisa, at dedikasyon. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga kawani ng Kalahi, sa pangunguna ni Mam Jonalyn B. Gonzales , sa kanilang gabay at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng mga gawaing ito.
Ang inyong aktibong pakikilahok ay malaking ambag sa patuloy na pag-unlad at pagpapaunlad ng ating komunidad.