19/09/2026
๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐ข๐ฅโ๐ฆ ๐๐จ๐ฃ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ง๐ข๐ช๐ก ๐ฉ๐ข๐๐๐๐ฌ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐จ๐ ๐ฆ๐๐๐ฆ๐ข๐ก ๐ฐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐ (๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐๐๐๐ข)
Matagumpay na isinagawa ang opisyal na screening para sa Volleyball Men and Women Divisions ng gaganaping Governorโs Cup Intertown Volleyball League Season 4.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni G. Windol Alcuran mula sa Special Concerns Division (SCD) kasama ang kaniyang mga tauhan, katuwang si Municipal Sports Coordinator Norvelle Jannsen Pereรฑa at ang kaukulang Coach.
Naglalayon ang masusing prosesong ito na tiyakin ang kahandaan, husay, at kwalipikasyon ng mga lokal na atleta para sa nasabing kompetisyon. Samantala, pormal na magbubukas ang paligsahan sa darating na Oktubre 17, 2026 sa Sentrong Pangkabataan, Lungsod ng Calapan.