28/05/2026
𝑵𝑮𝑰𝑻𝑰 𝑨𝑻 𝑷𝑨𝑮-𝑨𝑺𝑨 𝑯𝑨𝑻𝑰𝑫 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑲𝑨𝑻𝑼𝑻𝑼𝑩𝑶𝑵𝑮 𝑴𝑨𝑮-𝑨𝑨𝑹𝑨𝑳
Mga 𝒏𝒈𝒊𝒕𝒊 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂 ang hatid ng Outreach Activity para sa ating mga kapatid na Mangyan sa Mangangan-1, Baco, Oriental Mindoro noong Mayo 26, 2026 ✨📚✏️
Sa pangunguna ni 𝑽𝑴 𝑬𝑹𝑰𝑪 𝑽. 𝑪𝑨𝑺𝑻𝑰𝑳𝑳𝑶 - "𝑨𝒏𝒈 𝑽𝒊𝒄𝒆 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒏," kasama sina Konsehal Rigor Aceveda, mga Kagawad ng Mangangan-1, ang kanyang maybahay na si Gng. Ellen D. Castillo, mga masisipag na OVM Staff, ay matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng school supplies para sa mga benepisyaryong kabataan bilang suporta sa kanilang pag-aaral at kinabukasan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa 𝑻𝑬𝑵𝑬𝑻 𝑯𝑬𝑨𝑳𝑻𝑯 sa kanilang malasakit at patuloy na pagtulong bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR), sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si 𝑺𝒊𝒓 𝑨𝒓𝒊𝒆𝒔 𝑽𝒊𝒍𝒍𝒂𝒉𝒆𝒓𝒎𝒐𝒔𝒂.
Ang bawat bag, lapis, kuwaderno, at iba pang school supplies na naipamahagi ay simbolo ng pag-asa at oportunidad para sa mas magandang bukas ng ating mga kabataan. 💚
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito!
“𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝑻𝒂𝒐, 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒔𝒕𝒊𝒍𝒍𝒐”