07/01/2026
Ang ATIMONAN'S PIONEER PRIDE ay lubos na nagpapasalamat sa mainit nyong pagtangap sa POGING TATAY NG ATIMONAN 2026, bilang kauna-unahang pagbibigay ng importansya sa ating mga tatay na Atimonanin, layunin ng aming grupo na mabigyan kayo ng de kalidad na programa na di lamang nagpapakita ng mga katangiang pisikal, bagkus mahubog ang kanilang mga personalidad bilang tatay na maging matatag sa mga hamon ng buhay at magkarun ng partisipasyon sa ating kumunidad sa pagtulong sa mga adbokasya na magbibigay ng kapakinabangan sa pamayanan, ang pamunuan ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong di nagdalawang isip na sumuporta upang maging matagumpay ang patimpalak na eto. hindi sapat ang sertipiko upang amin kayong mapasalamatan bagkus maipadama namin na di nasayang ang inyong suporta sa paraang maibahagi namin sa komunidad ang inyung kabutihang loob, maraming maraming salamat po, at ating saksihan sa darating na feb. 2 ang tatanghaling kauna-unahang POGING TATAY NG ATIMONAN 2026
+