12/03/2026
Taong 2018 nang maisagawa ang kauna-unahang Alumni Gathering ng San Andres Bundok Elementary School. Isang makabuluhang pagtitipon na nagbigay-daan upang muling magsama-sama ang mga nagsipagtapos sa ating sintang paaralan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa masisipag at mapagkalingang g**o na patuloy na nakiisa at sumuporta sa amin: Sir Arnold Canales, Sir Ramil Cuya, Ma’am Vicky Picardal Alva, at Ma’am Yvette Villaluz Reyes. Malaki po ang naging bahagi ninyo sa tagumpay ng programang ito.
Dahil sa pagkakaisa ng mga g**o at alumni, naisakatuparan din ang kauna-unahang proyekto ng Alumni ang “I ❤️ SABES.” Isang simbolo ng pagmamahal at pagmamalaki sa ating paaralan.
Maraming salamat sa lahat ng g**o at alumni ng sintang paaralan, pati na rin sa mga nagsipagtapos dito na nakiisa at nagbigay-suporta. Sa pangunguna ni Sir Jayson Barsana, naging matagumpay at makabuluhan ang proyektong ito.
I ❤️ SABES! Patuloy nating mahalin at suportahan ang ating paaralan.
Made & Painted by: Sir Ramil Cuya