13/08/2026
📌AUGUST 13 2026🩷
"PRAY FIRST"
đź“– PHILIPPIANS 4:6
“Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God.”
Madalas kase huli na tayo lumalapit sa Kanya, kapag ubos na ubos na tayo. kapag wala na tayong ibang malapitan. siya yung lalapitan natin kumbaga ginagawa natin syang second option. always remember na yung RULE #1: WAG MONG GAWING SECOND OPTION ANG PANGINOON.
Don't wait until you've run out of options before you run to God. Make God your first choice, not your last resort.
📌•Pray when life feels heavy, and pray when life feels light.
📌•Pray when you are weary, and pray when you are strong.
📌•Pray when you are uncertain, and pray when you are confident
01. PRAY IN EVERY SEASON
đź“–1 THESSALONIANS 5:17
“Pray without ceasing.”*
Madalas kasi tsaka lang tayo lumalapit kay Lord kapag may problema na o kapag wala na tayong ibang matakbuhan at kapag ubos na ubos na tayo. let us always remember na ang prayer hindi lang para sa panahon ng struggle para ito sa lahat ng season ng buhay. Kapag masaya ka, mag-pray. Kapag pagod ka, mag-pray. Kapag feeling mo hindi mo na kaya, mag-pray. May mga laban tayong hindi naiintindihan at mga pagkakataong gusto na nating sumuko, pero huwag nating kalimutan na ang Diyos na nagdala sa atin sa season na iyon ay Siya ring magbibigay ng lakas para malampasan ito. Kaya instead of complaining, continue trusting and praying.
02. PRAY WITH YOUR WHOLE HEART
đź“–JEREMIAH 29:13
“You will seek me and find me when you seek me with all your heart.”*
Prayer is not only about asking God for what we want. It is about trusting Him, surrendering to Him, and building a deeper relationship with Him. Huwag lang tayong lumapit kapag may kailangan tayo. Hindi lang sya emergency contact na tatawagan lang kapag may problema. Lumapit tayo sa Kanya dahil kailangan natin ang Kanyang presensya araw-araw. Kapag buong puso nating hinahanap ang Diyos, mas lumalalim ang yung faith natin sakanya at mas natututo tayong magtiwala sakanya.
03. PRAY AND TRUST THE OUTCOME
📖 PROVERBS 3:5–6
“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding.”*
Minsan gusto natin instant ang sagot sa prayers natin. Gusto natin mangyari agad ang gusto natin, sa oras na gusto natin. Pero tandaan natin na may tatlong sagot si God sa prayer YES, NO, AND WAIT. Kapag hindi agad natin nakukuha ang hinihingi natin, hindi ibig sabihin na hindi Siya nakikinig. Maaaring may mas magandang plano Siya o may proseso Siyang gustong pagdaanan natin para mas maging handa tayo. Trust God's timing because His plans are always better than ours. The same God who allowed this season is the same God who will bring you out of it stronger than before.
📌REMINDER:
PRAY FIRST, because prayer turns burdens into peace and silence into strength.
Pray instead of worrying.
Pray instead of stressing.
Pray instead of overthinking.
in every situation, just pray.
Let’s keep moving forward with faith, courage, and hope.🍀🩷.
🗣️: Sis Jiessel Pizarro
_________________________________________
📍Kirang, Aritao, NV (Caga's Residence)
đź• 5:30 pm, Every Thursday
゚