20/10/2024
Ika- dalawampu ng Oktubre sa kasalukuyang panahon, bilang pakikipagkoordinasyon ng Kabalikat Civicom 62-Aparri Chapter sa himpilan ng PNP-Aparri na pinamumunuan ni PMAJ JOEL DG LABASAN, Acting Chief of Police, ang pakikipagkaisa sa adhikaing "Kasimbayanan" ay naisakatuparan na naman po sa pamamagitan ng isang matagumpay na "Feeding Program; October Edition" na pinangungunahan ng ating aktibong Presidente ng Kabalikat na si KB 62-07, Ginoong Tirso Rivera Tugagao, sampu ng mga miyembrong boluntaryong nag-alay ng kanilang mahalaga at di mapapantayang oras at panahon na nanggaling mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso.
Espesyal na pasasalamat kay Madam KB 62-05 sa pinansyal na tulong upang maisakatuparan ang adhikaing ito ng Kabalikat Civicom 62-Aparri Chapter.
Ang aktibidad na ito ay ginanap sa "Missionaries of Charity-Balay Ti Kappia" na kung saan ang mapapalad na recipients ay ang humigit kumulang sa isandaang kabataan ang nabiyayaan ng pagpapala ng Panginoon sa pamamagitan ng mainit at espesyal na "miki niladdit, pandesal at nilagang saging" alay sa ating kapwa.
Tunay ngang masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit at walang pansariling interes kundi ang higit na makapagbigay ng saya sa bawat mukha ng mga kapatid nating nagnanais mapaglingkuran.
Mabuhay Kabalikat Civicom 62-Aparri Chapter!
KB - 62 Aparri Chapter, Kabalikadabarkadz! Serbisyong makatotohanan at may puso!
Sa lahat po ng gustong makibahagi sa pamamagitan ng boluntaryo, kusang-loob at walang sapilitang pagbibigay tulong pinansyal o kahit sa ibang uri ay maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming Treasurer na si KB 62-05 Sir Leo Andres para po kayo ay mapasalamatan at idaraan sa proper financial procedure ang inyong mga tulong.
Gayundin po sa lahat ng mga kahilingan at imbitasyon ay maaari n'yo pong ipadala ang inyong liham o paanyaya sa aming Headquarters sa harap po ng MCDonald's at Shell, Aparri Cagayan. Makipag-ugnayan lamang po kayo dito sa aming lehitimong Facebook: KB Aparri at page: Kabalikat Civicom 62-Aparri Chapter kalakip ang Hotline CP No. 0997-508-7195.
Kung mayroon man pong gumagamit sa pangalan ng Kabalikat sa pamamagitan ng pangingikil, pananabotahe, pangungurakot, paninira, pangongotong o pambabalukol ay maaari nyo pong ipagbigay alam sa aming KB 62-Aparri Chapter President, Mr Tirso Rivera Tugagao upang mabigyan ng karampatang aksiyon.
Pasasalamat sa Local Government Unit of Aparri through Hon. Bryan Chan -Municipal Mayor sa pagsponsor sa aming Radio Base at Antenna. Activated po ang aming base 24/7 Radio Operator KB62-34 Eloisa Abad, Radio Frequency 146.300. Pwede po kayong mag log-in.
Sa lahat din po ng gustong maging miyembro at maging bahagi ng aming grupo ay pwede po kayong makipag-ugnayan sa aming lehitimong mga miyembro.
Mabuhay KB 62!