03/11/2024
๐๐ข๐ญ๐๐ซ๐๐ซ๐ฒ | โ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ ๐ง๐ข ๐๐จ๐ฅ๐โ
Ako'y nagising ng umaga. Sa pagdilat ng aking mga mata, aking nakita ang sikat ng araw na parang kakaiba, at aking naalala, bakasyon na pala! Ako'y bumaba nang may kasamang pananabik sa aking sarili.
"Mama! Papa! Tayo'y magbakasyon sa bahay ni Lola!" Sila'y pumayag, at aalis kami bukas ng umaga.
Ako'y tuwang-tuwa dahil makikita ko na ang aking lola. Tinawagan ko siya ng gabi, at ako'y nagulat.
"Lola, pupunta kami diyan bukas ng umaga," ang sabi ko.
"Apo, nasasabik na akong makita kayo. Matagal nang panahon noong nagsama-sama tayo," ang sabi ni Lola.
Biglang may sumingit sa tawag na malalim na boses. Ika niya, "Hindi kayo magkikita."
At namatay ang telepono. Ako'y kinalibutan at natakot sa aking narinig, ngunit binalewala ko ito dahil sa tingin ko, wala lang iyon.
Kinabukasan, kami'y aalis na. Sumakay kami ng bus papuntang Baguio. Dahil matagal ang biyahe, ako'y nakaidlip at nabangungot.
"Apo! Apo! Umuwi na kayo, delikado sa bahay ko!" sabi ni Lola na parang may kasamang takot sa kanyang boses.
"Lola, hindi maaari, dahil nakasakay na kami ng bus papunta diyan," sabi ko.
"Basta wag niyong ituloy, baka masaktan lang kayo," sabi ni Lola.
"Bakit po?!" ang sabi ko.
Bigla akong nagising, ngunit binalewala ko ito hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Lola.
Sumalubong ang dalawang tita ko at ang aking mga pinsan. Niyakap nila kami ng may luha sa kanilang mga mata.
"Wala na si Lola."
Ako'y natakot dahil naalala ko lahat ng nangyari. Kinuwento ko ito, ngunit sinabi nilang huwag na lang itong pansinin. Ang mabuti, nakapahinga na si Lola.
Kinagabihan, natulog ako kasama ng aking mga pinsan sa tapat ng kwarto ni Lola sa ibaba. Kami'y nagkukuwentuhan ng mga nakakatakot, at nang sumapit ang alas dose, kami'y nagdesisyon na matulog na.
Habang natutulog kami, may narinig kaming malakas na hiyaw sa itaas, sa kwarto ni Lola. "AHHHHHH!" narinig namin.
"ANO YUN??!!!" sabi ko.
"Kwarto ni Lola yun, ha," sabi ng aking mga pinsan.
At sinabi nila na ganoon na ganoon daw ang hiyaw ni Lola kung may gusto siyang ipakuha o ipa-utos.
Hanggang ngayon, natatakot na akong bumalik at matulog sa kwartong iyon.
Sa awa ng Diyos, hindi na nagparamdam si Lola.
๐ : Rob-Jaser Talaro