Post-MCGI Society

Directions

Post-MCGI Society Rediscover life Post-MCGI Society is a community-led project under the MCGI Exiters movement. Our goal goes beyond exposure.

We publish research, testimonies, and practical tools that help members understand control, set boundaries, and plan a safe exit at their own pace. Our work uses a socio-economic lens and clear frameworks on charisma, hegemony, and exit thresholds to explain why decline happens even when belief persists. We also recognize closet members and organic intellectuals inside the system as key actors who shift norms quietly and make leaving socially possible. We help people rebuild identity, relationships, and daily life after exit

20/09/2026

Two Biggest Scams of the 2000s: KAPI and KAPA.
Google KAPI Fictitious Insurance.
🤔

Our investigative research paper examining UNTV, BMPI, and MCGI—particularly allegations and financial indicators involv...
17/09/2026

Our investigative research paper examining UNTV, BMPI, and MCGI—particularly allegations and financial indicators involving a fictitious insurance financing scheme, tax evasion using Wish concert tickets, possible money-laundering mechanisms using MCGI church workers as money mules has just been accepted at SSRN (Social Science Research Network).

The paper is listed across research areas including International Criminal Law, Forensic Accounting, and Financial Institution Regulation, placing the MCGI–BMPI financial structure within a broader discussion of financial transparency, regulatory risk, and institutional accountability.

https://dx.doi.org/10.2139/ssrn.7457519

Read the paper on SSRN:

Wish 107.5, the Wish Bus, and UNTV sit at the visible end of a media economy whose financial roots reach deep into the Members Church of God International (MCGI

05/09/2026

Ate Arlene Razon 🫶

overseers that must murder the one before him. every new regime survives by destroying the former….with Isaiah 29:24 han...
17/08/2026

overseers that must murder the one before him. every new regime survives by destroying the former….with Isaiah 29:24 hanging over every succession like the sword of Damocles.

28/06/2026

When good works becomes a tradeable commodity, greed enters as monopoly. The poor become territory. And competitors must be cracked down.

The second division found the party guilty of using Ang Dating Daan facilities and resources to campaign in the May 14 e...
14/06/2026

The second division found the party guilty of using Ang Dating Daan facilities and resources to campaign in the May 14 elections.

It added that the group’s first nominee and ADD’s vice presiding minister, Daniel Razon, used his position as an ADD preacher to campaign for the party.

The Commission on Elections has revoked the accreditation of Batas (Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) party-list for allegedly using the facilities and resources of Ang Dating Daan in its campaign during the May 14 polls.

Ang paglapit sa laman ay lumilikha ng KAALAMAN. Sa pamamagitan nito, ang mga katawan ay nagiging mga imbakan ng lihim, a...
14/06/2026

Ang paglapit sa laman ay lumilikha ng KAALAMAN.

Sa pamamagitan nito, ang mga katawan ay nagiging mga imbakan ng lihim, alaala, at pagkakautang. Ang ilan ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng mana, at posisyon. Ang iba nama’y nananatiling nakatali sa katahimikan, sapagkat ang parehong kaalaman na minsang nagbigay ng pribilehiyo ay maaari ring gamitin bilang mekanismo ng kontrol sa sandaling tangkain nilang umalis.

Sa gayon, ang laman ay hindi lamang pinamamahalaan; ito rin ay nagiging daluyan ng pamamahala. Ito ay isang kapital na maaaring magbukas ng mga pintuan sa loob ng institusyon, ngunit maaari ring magsilbing talaan ng mga atraso na muling bubuksan kapag kinakailangan.

Ang katawan ay nagiging sabay na puhunan at pananagutan. Maaari itong magmana ng mga ari-arian. Maaari rin itong magmana ng ritwal ng pagkukumpisal at pagpapahiya.

When trust is measured by leadership’s unlimited access to flesh, reward and punishment can operate through the same mechanism. Such access guarantees trust and knowledge. That knowledge can be rewarded with inheritance, or it can function as a Non-Disclosure Agreement when the body decides to leave.

The flesh becomes both asset and liability. It can inherit mansions. It can also inherit forced public confessions.

“Ang katawan ay nagiging isang makabuluhang puwersa kapag ito ay isang nasasailalim na katawan at isang produktibong katawan.” - Michel Foucault

Bawat krisis sa MCGI, tila may kasunod na tukso ng pulitika.Noong panahon ng panggigipit ng Arroyo regime, napilitang tu...
13/06/2026

Bawat krisis sa MCGI, tila may kasunod na tukso ng pulitika.

Noong panahon ng panggigipit ng Arroyo regime, napilitang tumakbo si Bro. Eli Soriano sa senatorial race, bagamat kalaunan ay na-disqualify. Noong 2007 naman, sumubok din si Kuya Daniel Razon bilang kongresista sa ilalim ng BATAS Partylist pero na-disqualify rin.

Sa madaling salita, kapag ang institusyon ay nakakaramdam ng panganib, ang pulitika ay nagiging emergency exit.

Ang krisis sa seguridad noon ang tila nagtulak sa magtiyuhin na subukan ang STATE CAPTURE. Hindi lang ito simpleng kandidatura. Ito ay pagtatangkang magkaroon ng political shield, access, legitimacy, at protection mula sa kapangyarihang sekular.

Ngayon, nasa panibagong krisis na naman ang MCGI: membership exodus, mababang koleksyon, humihinang recruitment, at lumalaking tanong sa direksiyon ng samahan. Kaya hindi nakapagtataka kung susubok muli itong pumasok sa gobyerno—hindi na lamang para sa seguridad, kundi para sa BUDGETARY CAPTURE.

Dito papasok ang kaso ni Rudy Medina at BH Partylist. Hindi siya pinalad na mahalal, pero malinaw ang direksiyon: kung humihina ang abuloy, kung nauubos ang free labor, kung bumibigat ang operasyon, hahanap ang institusyon ng ibang daluyan ng pondo.

Ang tanong ngayon:

Papasukin kaya ni Kuya Daniel ang Senado?

Dahil kung ang charity programs, MCGI Hospital, at public-service machinery na lang ang natitirang dahilan para manatiling “relevant” ang MCGI bilang samahang pang-relihiyon, natural lang na hanapin nito ang pinakamalaking source of legitimacy and funding sa Pilipinas:

ang Estado.

Noon, pulitika ang shield laban sa persecution.

Ngayon, maaaring pulitika na ang oxygen tank ng isang samahang naghihingalo.

Pitong Roles, Sampung Sangay: Daniel Razon, Hindi Malayong Pasukin ang PulitikaMANILA — Habang patuloy ang visibility ni...
12/06/2026

Pitong Roles, Sampung Sangay: Daniel Razon, Hindi Malayong Pasukin ang Pulitika

MANILA — Habang patuloy ang visibility ni Daniel Razon sa charity projects, turnover ceremonies, public-service events, media programs, at institutional activities, muling nabubuo ang tanong kung hindi na ba malayo ang kanyang pagpasok sa pulitika.

Sa mga nakalipas na taon, ipinakilala si Razon sa iba’t ibang public roles: actor, composer, safe motoring advocate, media personality, DJ and game show host, photographer, at “Mr. Public Service.” Para sa ilang observers, sapat na ang kombinasyon ng mga papel na ito upang buuin ang isang political résumé na hindi na kailangang ipaliwanag nang mahaba.

Ang pitong roles ay tila sinasabayan pa ng patuloy na paglawak ng kanyang public-service image. Sa bawat turnover ceremony, feeding activity, medical mission, media appearance, at institutional presentation, lalo pang lumilinaw ang isang profile na pamilyar sa kulturang pampulitika sa Pilipinas: celebrity visibility, charitable branding, media machinery, ceremonial authority, at organized manpower.

Kung sakaling pasukin ni Razon ang pampublikong posisyon, ilang sangay ng gobyerno ang maaaring tumugma sa kanyang naipong karanasan.

Tourism and Hospitality

Unang nababanggit ang tourism and hospitality dahil sa KDRAC at sa pagbuo nito bilang destination space. Mayroon itong recreational facilities, event functions, at isang background narrative na kakaiba sa karaniwang resort branding.

Kung ang Las Vegas ay nagawang gawing entertainment center mula sa disyerto, ang Bataan naman ay nagkaroon ng sariling bersyon ng destination-making: adventure camp na may kasamang apocalyptic memory, leisure branding, at institutional mythology.

Sa ganitong kombinasyon, maaaring lumitaw ang isang bagong tourism category: faith-adjacent recreation with end-times ambience.

May karanasan din si Kuya Daniel Razon sa pagpapatakbo ng events places at night clubs sa South America.

Culture, Movie, and Television Regulation

Malakas din ang posibleng koneksyon sa culture, movie, and television regulation. Si Razon ay may karanasan sa media, pelikula, music promotion, OPM visibility, broadcasting, at public entertainment.

Hindi rin matatawaran ang kanyang participation bilang artista sa sariling cinematic output. Sa larangan ng cultural production, bihira ang ganitong antas ng self-contained authorship: ang lider bilang producer, performer, presenter, at moral center ng palabas.

Kung ang dating cultural politics ay nangangailangan ng entablado, orchestra, at state patronage, ang kasalukuyang bersyon ay maaaring mangailangan lamang ng bus, microphone, camera, at carefully managed applause.

Transportation

Sa transportation, malinaw ang entry point: safe motoring advocacy at ang programang “Manibela.”

Matagal nang bahagi ng kanyang public image ang road safety, driving discipline, vehicle culture, at transport-oriented commentary. Sa isang bansang laging nakikipagbuno sa trapiko, prangkisa, disiplina sa kalsada, at public transport crisis, hindi mahirap isipin kung paano maaaring gamitin ang ganitong background bilang policy credential.

Kung mabibigo ang traffic management, maaari namang ipatawag ang lahat sa meeting pagkatapos ng meeting.

Public Order and Police-Related Bodies

Posible ring pumasok sa usapin ng public order o police-related advisory bodies. Ilang MCGI-linked activities ang matagal nang nakikitang malapit sa uniformed visibility, public-order ceremonies, security coordination, at institutional generosity toward law-enforcement sectors.

Sa ganitong setting, ang public order ay hindi lamang usapin ng batas. Ito rin ay usapin ng formation: sino ang tatayo, sino ang uupo, sino ang magbabantay, sino ang mag-aassist, at sino ang maiiwan pagkatapos ng programa para sa mahahalagang paalala.

Ang disiplina ay nagsisimula sa maayos na pila. Minsan, nagtatapos ito sa kontroladong exit.

Health and Food Regulation

Mayroon ding natural na koneksyon sa health and food regulation dahil sa medical missions, health-oriented programs, food distribution, at product-related controversies sa loob ng MCGI-linked ecosystem.

Sa isang banda, naroon ang public-service image ng libreng tulong, medical assistance, feeding activities, at health messaging. Sa kabilang banda, naroon din ang mga tanong ng publiko tungkol sa produkto, compliance, claims, distribution, at consumer protection.

Sa ilalim ng ganitong karanasan, maaaring maipanganak ang isang bagong regulatory philosophy: ang produkto ay hindi lamang sinusuri sa laboratoryo, kundi sa antas ng pananampalataya ng bumibili.

Finance

Pinakamalakas marahil ang credentials sa finance.

Sa loob ng MCGI ecosystem, matagal nang kilala ang kultura ng KAPI, pa-target, tulungan, commitment, emergency contribution, ticketing, sponsorship, at iba pang anyo ng organized giving.

Sa ordinaryong finance, ang tanong ay kung paano makalikom ng pondo. Sa religious finance, mas maselan ang tanong: paano mapananatili ang daloy ng pondo habang nananatiling moral, voluntary, at spiritually framed ang pagbibigay?

Dito pumapasok ang kakaibang institutional expertise: fiscal discipline through guilt, liquidity management through loyalty, and revenue generation through sacred urgency.

Tax Bureau

Maaari ring mabanggit ang tax bureau, lalo na sa usapin ng tickets, events, classifications, religious activities, media operations, at public-service fundraising.

Walang kailangang gawing pormal na alegasyon upang makita ang biro ng sitwasyon. Sa isang ecosystem kung saan nagsasama-sama ang charity, media, concerts, religious identity, products, and public events, nagiging mahalaga ang sining ng tamang category.

Sa ganitong framework, maaaring magkaroon ng bagong slogan:

Render unto Caesar, after proper classification.

Sports Commission

Hindi rin malayo ang sports commission dahil sa UNTV Cup at iba pang sports-charity initiatives.

Matagal nang ginagamit ang sports bilang venue ng public service, media coverage, political networking, and moral branding. Sa isang laro, maaaring magsama-sama ang public officials, celebrities, charities, cameras, uniforms, trophies, and speeches.

Sa ibang liga, ang championship ang dulo. Sa ganitong format, ang dulo ay charity turnover, group photo, at panibagong proof of public service.

Education

Sa education, maaaring ipasok ang karanasan sa discipline, attendance, instruction, formation, obedience, at long-duration participation.

Kung ang edukasyon ay paghuhubog ng katawan at isip, matagal nang eksperto ang religious organizations sa ganitong larangan. Marunong silang magturo ng paghihintay, pakikinig, pagtitiis, pag-upo nang matagal, at pagsunod sa schedule na hindi laging malinaw kung kailan matatapos.

Maaaring magkaroon ng bagong curriculum track: Applied Tungkulin Studies.

Core subjects: Attendance Compliance, Commitment Formation, Basic Locale Logistics, Introduction to Moral Pressure, and Advanced Endurance in Plastic Chairs.

Public Works, Events, and Volunteer Mobilization

Pinakanatural na sangay ang public works, events, and volunteer mobilization.

Dito pumapasok ang matagal nang institutional strength: logistics, crowd control, construction support, food preparation, venue maintenance, security, documentation, transportation, coordination, and manpower deployment.

Sa gobyerno, tinatawag itong labor mobilization. Sa corporate world, tinatawag itong operations. Sa religious setting, tinatawag itong pag-ibig.

Ang resulta: malaking output, maliit na labor cost, mataas na visibility, at laging may camera sa tamang anggulo.

Visibility Bilang Political Capital

Sa kabuuan, hindi na kailangang pormal na magdeklara ng kandidatura upang magkaroon ng political presence. Sa Pilipinas, ang pulitika ay madalas nagsisimula sa public recognition bago pa man magsimula sa ballot.

Sa kaso ni Razon, naroon na ang ilang sangkap: pangalan, camera infrastructure, charity narrative, organized supporters, public-service branding, ceremonial appearances, sports linkages, transport advocacy, and religiously disciplined manpower.

Sa tradisyonal na pulitika, kailangang bumuo ng machinery.

Sa kasong ito, maaaring sabihing ang machinery ay matagal nang tumatakbo. Iba lang ang tawag.

Kaya kung isang araw ay lumabas ang anunsyo na si Daniel Razon ay papasok sa pampublikong posisyon, hindi ito darating na parang kidlat sa tag-araw. Mas magiging katulad ito ng isang turnover ceremony na matagal nang naka-schedule: may backdrop, may camera, may applause, at may mga taong matagal nang handang pumila.

Pitong roles na ang nakalista.

Sampung sangay na lang ang naghihintay.

Mission Thessalonica: Ang Malambing at Mahinhing Pagpupuslit ng mga Katawan at Undeclared Cash sa BrazilNoong dekada 201...
11/06/2026

Mission Thessalonica: Ang Malambing at Mahinhing Pagpupuslit ng mga Katawan at Undeclared Cash sa Brazil

Noong dekada 2010, unti-unting nabuo sa MCGI ang isang religious tourism funnel kung saan hinihikayat ang mga miyembro mula sa iba’t ibang bansa na bumisita sa Brazil upang makita at makasama si Bro. Eliseo Soriano, na noon ay isang international fugitive sa Pilipinas.

Dahil predictable ang pagdating ng mga bisita, nabuo rin ang isang nakapaligid na ekonomiya. Lumawak ang interes sa mga hotel, restaurant, travel tours, convenience stores, at iba pang negosyong direktang nakikinabang sa tuloy-tuloy na pagpasok ng mga katawan sa Brazil.

Hindi lamang paglalakbay ang dala ng mga bisita. Kalakip ng pagbisita ang kultura ng pagbibigay ng monetary gifts kay Bro. Eli. May mga meet-and-greet sessions, larawan, souvenir economy, mga concert, at maging personal na pagluluto at pag-accommodate ni Bro. Eli sa mga panauhin. Ang espirituwal na paglalakbay ay naging isang kumpletong ecosystem ng pagkonsumo.

Habang dumarami ang mga dumadalaw, dumarami rin ang cash na pumapasok sa sistemang mahirap subaybayan. Sa ilalim ng isang ekonomiyang nakasandal sa personal na regalo, donasyon, at impormal na daloy ng salapi, nagkaroon ng insentibo na ilagak ang kapital sa real estate, mansions at iba pang pisikal na asset na mas madaling pagdaluyan ng yaman kaysa sa tradisyunal na banking channels na saklaw ng financial regulations.

Kasabay nito, na-leverage rin ang tuluy-tuloy na supply ng mga “volunteers” mula sa iba’t ibang bansa. Ang ilan ay napunta sa mga restaurant, gas station, at iba pang negosyo sa Brazil bilang mga manggagawang walang sahod ngunit ipinapakilalang naglilingkod para sa gawain.

Ang resulta ay isang dekadang operasyon na kalauna’y naugnay sa dose-dosenang kaso sa Brazil na may kinalaman sa labor at financial irregularities.

Ngunit higit na mahalagang tanong: saan napunta ang kapital na naipon sa loob ng maraming taon?

Isang posibleng sagot ang makikita sa Pilipinas. Habang humihina ang operasyon sa Brazil, lumalakas naman ang mga media, real estate, at corporate assets sa ilalim ng BMPI—ang kumpanyang may hawak ng Wish FM, Wish Bus, UNTV, at iba pang ari-arian.

Kung tama ang pagbasa sa galaw ng kapital, ang kwento ng Mission Thessalonica ay hindi lamang tungkol sa paglipat ng mga miyembro sa Brazil.

Ito rin ay kwento ng malambing at mahinhing paglipat ng mga katawan, paggawa, at salapi mula sa isang bansa patungo sa isa pa—hanggang sa ang dating underground religious economy ay magkaroon ng bagong buhay bilang isang corporate-media empire.

“Ang katawan ay isang makabuluhang pwersa kapag ito ay isang nasasakop na katawan at produktibong katawan.” - Foucault

Address

Apalit

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Post-MCGI Society posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share