23/05/2025
"Nagdebut na ko sa board exam"
Labingwalo
18 pagsubok at paulit-ulit na pag-abot ng pangarap, ngayong taon binigay na ni Lord and bunga ng iyong sakripisyo.
Nakita namin kung gaano mo pinaghirapan ma'am Mary Grace Millama Zulueta itong board exam na ito. Nag-aalaga ka ng mga anak, nagtuturo ng mga bata, pagkatapos ng trabaho, diretso sa pag-aaral for Board Exam.
Madalas ikaw na nga ang huling lumalabas ng school dahil 3pm closed na BSA, pero nagstay ka hanggang alas singko para matapos ang reviews sa Zoom ng CBRC.
Nakwento mo rin na inaabot ka ng madaling araw dahil hindi ka tumitigil hanggat hindi mo napeperfect ang mga tanong sa OPMS.
Naalala pa namin nang minsan ka naming inaya na mag-enroll sa Carl Balita Review Center. Noong una, nag-aalinlangan ka pa pero tumatak sa amin ang sinabi mo na "18 times na kong nagtetake ng Board Exam, itong susunod ko huli ko na, saan ba yang CBRC? Mag-enroll na tayo bukas"
Kinabukasan, dala ang mga natira sa sweldo, kanya-kanya tayong enroll sa mga branch na malapit satin. Maraming pagsubok ang hinarap natin sa review, kulang ang pamasahe, pagod sa pagtuturo, absent sa school, Naligaw pa tayo nang magkasama tayong mag file for board exam π
. Dumagdag pa ang pandemya.
"Ako muna magcocongatulate sa inyo", sabi mo sa amin noong nakapasa kami.
Sabi naman natin sayo pabalik "Huwag kang mag-alala ma, after ng June, ikaw naman ang babatiin namin"
Tumatak sa amin ang mga katagang binitawan mo sa amin after mo magtake nitong June.
"Papasa na ko. First time kong hindi nakatulog habang nag eexam sa LET"
"First time ko mag take ng exam na pagtingin ko sa tanong, alam ko na agad ang sagot"
"Kung alam ko lang noon, kung gaano kaganda ang review center, dapat pala noon pa ko nag CBRC"
Ma'am Mary Grace Millama Zulueta ikaw ang nagpatunay na ang pangarap, hindi sinusukuan.
Ang lisensiya, hindi lang basta ipinagdarasal, sinasamahan iyan ng pagsusumikap, sakripisyo, at walang sawang pag-aaral.
Proud na proud kami sayo.
ctto - Diane Asanza David, CBRC LET TOP 2.