08/08/2026
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐๐๐
๐ฌ! ๐ ๐ค
๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐ฎ๐ง๐๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง! โจ
Ito ang taunang pagdiriwang ng buhay, pananampalataya, mga kaloob, at paglilingkod ng ating mga kabataang Kristiyano!
Sama-sama nating gawing makabuluhan ang pagdiriwang na ito bilang isang nagkakaisang Christian Youth Fellowship. ๐
At habang tayo ay naghahanda para sa ating pagdiriwang bukas, isang paalala mula sa NEC CYF: ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐๐ง๐ ๐ข-๐ซ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐% ๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐ฎ๐ง๐๐๐ฒ ๐๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ (๐๐๐) ๐ฌ๐ ๐๐๐-๐๐๐
.
โ๏ธ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฑ% ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐ฆ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด?
Ang 25% Youth Sunday Offering (YSO) ay hindi lamang tungkol sa halagang ating ibinibigay. Ito ay pagpapakita ng ating pakikiisa, suporta, at pananagutan sa patuloy na gawain ng CYF.
Sa pamamagitan ng ating YSO, nakakatulong tayo sa pagsasakatuparan ng mga programa ng National CYF na naglalayong hubugin at palakasin ang kabataan sa pananampalataya, pakikipagkapwa, pamumuno, at paglilingkod.
Ang bawat halagang nagmumula sa ating mga Local Church CYFs ay nagiging bahagi ng mas malaking gawain ng ating organisasyon โ kabilang rito ang National Youth Assembly, National Youth Camp, at iba pang mga programa na nagbibigay-daan upang ang mga kabataan ay matuto, makibahagi, lumago, at maglingkod.
Kaya sa ating pagdiriwang bukas, sama-sama nating ipagdiwang hindi lamang ang pagiging kabataan ng simbahan, kundi pati ang pagkakataong magbigay, makibahagi, at maging pagpapala sa kapwa kabataan. ๐
๐ Basahin kung paano natin maaaring i-remit ang YSO, pati na rin ang inaprubahang aksyon noong 12th National Youth Assembly hinggil sa remittance ng 25% YSO mula sa Conference CYF patungo sa Juris-CYF.
Maraming salamat, CYFs! Pagpapala!โจ
๐จ Layout by Alyssa P. Onorario