14/02/2026
5 years ago, may naging LIP ako for 1 year. Nurse sya at inamin nya sakin na drug user sya. Sabi nya ay titigil daw sya para sa relasyon na binuo namin. Sa kabila ng pagtigil nya naging masyadong mainitin ang ulo, nananakit at para syang paranoid na hindi ko maintindihan.
Nung makakalahating taon kami, minamaliit nya ako kasi under grad ako that time at may anak sa pagkadalaga. tapos isa pang stress nya ay ang katiting na sahod nya sa hospital, kaya ako yung pinagbubuntunan nya. Pagnag away kami, hindi sya uuwi sakin pag galing sa work, uuwi sa parents or barkada nya. Madaming beses nya ng ginawa yon, at ng di ko na kinaya, Dinala ko lahat ng gamit nya sa house ng parents nya, at desidido na hihiwalayan na sya. Masakit man, pero kailangan kong magdesisyon para na rin sa kapakanan ko at ng anak ko.
Fast forward, tinuloy ko ang pag aaral ko, nakagraduate at nagkaron ako ng magandang trabaho. May mga time non na kumokontak sya, pero di ko na pinapansin. Hanggang sa nangamusta ulit sya. sinagot ko na ito ng "okay naman". after that message nireplyan nya ko ng "sorry", nang hindi ako makareply ay inulit nya ng "sorry talaga". Sabi ko "hayaan mo na yun, nakamove on naman na ako". Ang huling message nya "I just miss you". Hindi ko na nireplyan dahil may naramdaman din ako na namiss ko rin kahit papano ang magandang pinagsamahan namin, Pero nakamove-on na ko sa kanya.
In 5 yrs nakikita ko syang nags-seen, nagl-like at nagm-message sakin sa fb. Hindi ko sya bnlock dahil gusto ko makita nya na sa kabila ng sakit na iniwan nya sakin, Hindi titigil ang mundo ko para ayusin ang buhay ko.
Ngayon ay malapit na ako ikasal sa taong tanggap ang nakaraan ko at minamahal kami ng anak ko ng tama. Habang sya naman ay nabalitaan kong pinaghahanap na din ng pulisya dahil itinurong pusher.
Kamusta kaya ako kung sakaling nagpakatanga ako dahil sa pagmamahal ko sa ex ko na yun noon?